CHAPTER 2
Muling tinawagan ni Sam ang kanyang ama at ibinigay dito ang address kung nasaan sya. "Ok iho, give our driver at least an hour papasundo na kita ok."-Fernando. "Thanks dad, I'll be in my car."-Sam. Makalipas ang humigit tatlong oras ay hindi pa din dumarating ang sundo nito. Paglabas muli ni Devon sa layasan ay nakita nya ulit ang sasakyan ng binata. "Pare, nandyan pa din yan?Hindi kaya naiinitan yan sa kotse nya?"-Devon. "Ewan ko ba pare, kanina pa yan dyan eh, hinihintay siguro yung sundo nya.Baket kasi di mo natungin kung kailangan ng tulong para magawa na yung kotse nya?"-Joe. "Eh bakit hindi ikaw ang magtanong?Bakit kailangan ako?"-Devon. At biglang lumabas naman si Sam dahil hindi na din nya makayanan ang sobrang init sa looban ng kanyang sasakyan.
"Excuse me, Is there any place here where I can get a public transportation?"-Sam. At hindi naman pinansin ng dalaga si Sam. At pawang titig lang ang iginanti ni Joe dito. "Ok fine, may pwede ba akong makuhanan ng sasakyan dito?Like taxi or something. kailangan ko lang umuwi."-Sam. "Ayan! Marunong ka naman palang magtagalog eh. Dami mo pang arte."-pagtataray na sagot ng dalaga. "Ay pare yung tatay mo, nakaalis na ba ulit?Baka pwede nyang ihatid itong si tisoy."-Joe. "Nandyan pa, mamaya na, nagpapahinga pa yon."-Devon. "Mahabag kana sa tao oh pare oh! Naliligo na sa pawis! Ako na ang naaawa eh."-Joe. "Eh di ikaw ang maghatid. Dyan na nga kayo!"-Devon. At tuluyang umalis ang dalaga at iniwan ang dalawa. "Bakit parang ang laki ng galit nun sa mundo?"-Sam. "Ah yun, naku pare, pagpasensyahan mo na yun. Dipa kasi yun nakakakita ng gwapo eh. Di lang siguro sanay."-Joe.
At natawa naman si Sam sa sinabi ni Joe. "Pero alam mo kasi yung tatay nun, jeepney driver kung gusto mo puntahan natin sa bahay nila at itanong kung pwede kang maihatid."-Joe. 'Kung ok lang sana, nakakahiya naman.Eh mukhang hindi na kasi ako sisiputin ng susundo sa akin eh."-Sam.
At nagpunta nga ang dalawa sa bahay nila Devon. "Tito! Tao po!Devs!Pare!"-Joe. Agad namang binuksan ng ama ni Devon ang pintuan. "Oh Joe, hinahanap mo ba si Devon?Wala ba dyan sa layasan?"-Mario. "Ah actually kayo po ang sadya ko eh."-Joe. "Oh bakit?Ano problema?"-Mario. "Eh kasi po itong si tisoy nasiraan ng sasakyan eh kanina pa nya hinihintay yung sundo nya pero tatlong oras na syang naghihintay wala pa din eh."-Joe. "Kailangan mo ba ng maghahatid sayo iho?"-Mario. Ah Sam po pala pangalan ko at opo sana kung ok lang. Kung gusto nyo po irerent ko nalang ang sasakyan ninyo para lang maihatid nyo ako."-Sam. "Naku iho hindi kita matatanggihan dyan. Sa hirap ng buhay ngayon hindi ako makakahindi sa grasya."-Mario.
"Kahit magkano po wiling akong magbayad."-Sam. At laking tuwa naman ng ama ni Devon sa narinig. Tinawag ng ama si Devon upang sabihin dito na aalis muna sya para ihatid ang binata. Wala namang nagawa ang dalaga kahit nayayabangan sya kay Sam pero ang hanapbuhay pa din ang nanaig sa kanya. Hindi din naman nagtagal at muling tinawagan ni Sam ang kanyang ama upang sabihin dito na wag nalang syang sunduin dahil nakahanap na ito ng magsusundo sa kanya. "Naku iho, buti nalang at tumawag ka, I've been trying to call you para sabihin sayo kanina pa na hindi ka masusundo ng driver ko dahil kinailangan ko din sya. I had an emergency sa hospital kanina. "Fernando."That's ok dad, I already found a ride home.I'll see you in a bit."-Sam.
Ilang sandali lang at umalis na din ang dalawa at nagusap ang mga ito habang nasa daan. "Eh iho, saan ba tayo?"-Mario. "Sa Paranaque po tayo."-Sam. "Ah ok sige. Ano nga pala sira ng kotse mo?"-Mario. "Hindi ko po alam eh, bigla nalang pong tumirik kanina ayaw magstart."-Sam. "Alam mo kung hindi mo naitatanong magaling ang anak kong gumawa ng mga sasakyan!Ako ang nagturo sa kanya.Kaya kung gusto mo bukas mo nalang balikan yun at papatignan ko sa kanya para malaman natin kung ano sira."-Mario. "Naku hwag na po nakakahiya na po. Ok napo yung paghatid nyo sa akin. Ibaba tow ko nalang po ang car ko para madala sa shop."-Sam. "Hwag kang magalala iho, libre naman ang pacheck ng sira eh. Kung makita man sya ang sira ng sasakyan mo, pwede mo pa din kuhanin para ikaw na bahala kung saan mo gustong ipagawa."-Mario. "Eh ok sige po. Pero babayaran ko na din po kayo para dun, labor work din po kasi eh."-Sam.
Ilang oras din ang lumipas dahilan sa traffic ay nakarating din sila sa kanyang bahay."Salamat po, magkano po yung ibabayad ko?"-Sam. "Ah, yung arkila ng jeep ko iho medyo mahal pero para sayo, one thousand five hundred pesos nalang."-Mario. "to po ang four thousand five hundred.Yung iba po dyan para sa labor ng check up ng kotse ko at yung natira naman po sa inyo na po yun."Sam. "Naku Iho anlaki nito. Sobra sobra pa ito."-Mario. "Eh kung gusto nyo po ibili nyo nalang po ng damit ang anak ninyo, yung pambabae sayang naman po kasi sya maganda pa naman."-at sabay paalam ng binata sa ama ni Devon.
BINABASA MO ANG
Langit at Lupa
Roman pour AdolescentsSi Devon, hirap man sa buhay nila pero sagana naman ito sa mga kaibigan ang mga taong nagmamahal sa kanya. Laki ito kasama lang ang kanyang ama kaya naman tila naging kilos lalaki na din ito. Dahilan na din sa mga naging kaibigan nya ay pawang puro...