CHAPTER 12
Agad nitong hinila palabas ng bahay nila si Devon at agad agarang umalis. Tahimik ang dalawa at lalo na si Devon Hindi alam ng dalaga ang magiging reaksyon nito. Samantala naman si Sam ay galit ang nararamdaman dahil sa inasal ng kanyang ina. Hahawakan sana ni Sam ang mga kamay ng dalaga ng bigla itong umiwas. HIndi nakapagpigil ang binata at naghanap ito ng tahimik na lugar kung saan sila pwedeng magusap. Magsasalita palang sana ang binata ng biglang tumulo ang mga luha ng dalaga dahil hindi na nito mapigilan na hindi maiyak dahil sa kanyang narinig.
"I'm so sorry! Hindi ko alam kung bakit ganun ang inasal ni Mommy kanina."-Sam. "Eto na yung kinakatakot kong mangyari, ang darating ang araw at hindi ako matatanggap ng magulang mo."-Devon. "Ano ibig mong sabihin?"-Sam. "Sam, mahirap lang ako, driver mo ang tatay ko, kapos man kami sa pera palagi pero masaya naman kami. "-Devon. "Wag mo naman sanang isipin na ayaw nila sayo."-Sam. 'Seryoso ka ba?Hindi ako bingi para hindi ko marining ang usapan ninyong mag-ina kanina.Pinaglalayo nya tayong dalawa."-Devon. "Wag kang magalala kakausapin ko sila. I'm sure naman maiintindihan nila tayo."-Sam.
"Wag na Sam!Alam kong ipipilit lang nila ang gusto nilang mangyari."-Devon. "So ano ibig mong sabihin?Makikipaghiwalay ka sa akin?Ganun ba?"-Sam. "Kung kinakailangan gagawin ko yon wag lang ako ang maging dahilan ng pagaaway ninyong mag-ina."-Devon. "Devon please don't do this to me.Give me some time to talk to them please!"-Sam. "One chance lang Sam. Yun lang ang ibibigay ko sayo."-Devon.
Pagkatapos magusap ng dalawa ay inihatid na ni Sam si Devon sa bahay nito at bkas naman sa mukha ng dalaga ang kalungkutan pero pilit pa din nyang hindi ipinakita ito sa ama. Dahil na din alam nya ang magiging reaksyon nito. Samantala si Sam ay hindi muna agad umuwi, bagkus ay pumunta ito sa isang bar upang duon palipasin ang sama ng loob na nadarama sa ina. Lasing ito ng sya ay makauwi, ni hindi din nya alam kung papano sya nakauwi magisa. Sakto pagbukas nito ng pintuan ay inaantay pala sya ng kanyang magulang sa may sala.
"Samuel!Where have you been?Kanina pa kami nagaalala ng mommy ha?Bakit hindi ka man lang tumawag kung saan ka nagpunta?"-Fernando. "Oh hi there parents!!!Wala naman nagkatuwaan lang kami ng Me, Myself, And I na maginuman."-Sam. "Uminom ka?Since when ka pa natutong uminom ng alak ha?"-Fernando. "Since when?Bakit hindi ninyo itanong sa magaling ninyong asawa?Pinipilit lang naman nya akong layuan ko si Devon."-Sam. "Bastos kang bata ka!"
Akmang sasaktan ito ng kanyang ama pero pinigil sya ng asawa. "Tama na yan!Sam, eto ba ang naidudulot ng magaling mong girlfriend?Kailan ka pa natutong sagutin kami ng daddy mo?"-Linda. "Magmula ng bastusin ninyo ang girlfriend ko.Hindi nyo ba alam na sya lang ang taong nakakapagpaligaya sa akin ngayon.Mayaman nga tayo, nasa akin na nga ang lahat pero ano naman gagawin ko dyan kung hindi naman ako masaya?"-Sam. "I'm warning you Sam, layuan mo yang babaeng yan."-Fernando. "And what if I don't?"-Sam. "Aalisan kita ng mana!Aalisin ko lahat ng mga luho mo sa katawan. Papabayaan kitang magtrabaho para lang matuto ka."-Fernando.
BINABASA MO ANG
Langit at Lupa
Teen FictionSi Devon, hirap man sa buhay nila pero sagana naman ito sa mga kaibigan ang mga taong nagmamahal sa kanya. Laki ito kasama lang ang kanyang ama kaya naman tila naging kilos lalaki na din ito. Dahilan na din sa mga naging kaibigan nya ay pawang puro...