Chapter 7

3.1K 52 0
                                    

CHAPTER 7

Kinagabihan matapos ang date ni Sam ay pauwi naman ang dalawa ng ito ay magkwentuhan tungkol kay Devon. "Mang Mario, wala pa po bang boyfriend ang anak ninyo?"-Sam. Nangiti naman si Mario sa itinanong ng binata. "Ah Sir wala pa po, at never pa pong nagkanobyo yon. Hindi ko nga po alam kung bakit eh."-Mario. "Eh wag po sana kayong magagalit ha, pero hindi po kaya tomboy ang anak ninyo?"-Sam. "Naku hindi po, madami pong gustong lalaki yon, may mga nanliligaw din po sa kayan pero pinapahinto din po ny aagad ang mga ito."-Mario.

 "Ah ganun po ba, sayang naman po kasi sya, maganda pa man din pero daig pa ang lalaki kung kumilis."-Sam. "Naku Sir, ganun lang po talaga yon. lumaki po kasi sya ng puro lalaki ang nakasama nya pero babaeng babae po yon. Hindi lang sanay magsuot ng pambabae."-Mario. Bgla namang tumahimik sa loob ng sasakyan kaya naman agad biniro ni Mario ang binata.

"Ah bakit nyo naman po naitanong Sir?May balaka po ba kayong ligawan ang anak ko?"-Mario. hindi naman sumagot ang binata bagkus nginitian lang nito si Mario. Lingit sa kaalaman ni Mario ay meron ngang balak ang binata pero hindi nito alam kung papaano uumpoisahan ang panliligaw dahil na din sa kilos ni Devon. "Alam nyo po Sir, kung kayo ang liligaw sa anak ko eh tutulungan ko pa po kayo basta sabihin nyo lang kung kailan."-Mario.

"Bakit po parang gustong gusto nyo ng magkaboyfriend si Devon?"-Sam ."Eh kasi Sir, ako po ang natatakot dahil baka dumating ang araw at matuluyan yung anak kong maging ganap na lalaki. Gusto pa naman pong magkaapo."-Mario. Natawa lang si Sam sa sinabi ni Mario sa kanya. Kahit hindi pa man nito matagal kakilala si Mario pero parang tila naging panatag at maluwag ang loob nito sa driver nya.

Lumipas ang mga araw na kahit walang pinupuntahan si Sam ay duon sya sa bahay nila Devon tumatambay, na napapansin naman ng dalaga. "Tay, kung wala po kayong pupuntahan bakit palagi dito gustong tumambay nyan?Wala ba syang sariling bahay para tambayan nya?"-Devon. "Naku anak, ewan ko ba pero sya parati ang may gusto na dito pumunta. Nababagot daw sya sa bahay nila eh."-Mario. "Ganun ba?Oh sige po tay, dun muna ako sa labas, ng may magawa naman ako."-Devon. Na agad namang narinig ng binata."Labas?Can I go with you?"-Sam.

"At bakit?Sino nagimbita sayo?"-Devon. "Anak sige na isama mo na yan."-Mario. "Well if you want alis nalang tayo, punta tayo ng mall, sama ka!"-Sam. "At ano naman gagawin ko dun aber?Wala akong pangshopping!Pasensya na at hindi ako mayaman na kagaya mo."-Devon. "Shopping?No problem!What do you want to buy?I'll pay for it!"-Sam. "Naku Sir wag na po nakakahiya naman sa inyo. Sobra sobra na po ang kabaitan ninyo."-Mario. "Ay hindi tay, syua daw may sagot ng pambayad, weh di sige! Gora na ako dyan. Nagprisinta sya diba?"-Devon. "Anak naman mahiya ka naman!"-Mario. "Ay hindi tay, sabi nga nila na masama ang tumatanggi sa grasya."-Devon. "Eh kayo po bahala Sir. Anak magbihis ka na kung sasama ka."--Mario.

 "Aba tay bihis naman po ako ah."-Devon. "Anak naman, magayos ka naman ng kaunti wag naman yung ganyan, dinaig mo pa porma ni Sir Sam oh."-Mario. "Wala naman po akong ibang pagalis na damit tay eh."-Devon. "Eh bakit hindi mo suotin yung binili ko sayo nung isang taon?Hindi mo pa nagagamit yon."-Mario. "Tay naman eh!Ok lang kayo?"-Devon. At agad namang nakisali ang binata sa usapan. "Sige na suotin mo na yung sinasabi ng tatay mong damit para makaalis na tayo.

 At wala namang nagawa ang dalaga kundi sundin ang sinabi ng ama dahil ayaw na ayaw nitong nagaaway silang dalawa. Habang nagaayos si Devon ay ramdam nya ang pagiging balisa sa suot nyang damit. "Naku naman oh, ang ikli masyado!.Hindi bagay sa akin tapos ang sikip pa ng blouse. Ano ba yan?"-iritableng saad nito sa kanyang isip. Pagkatapos magayos ay agad naman itong bumaba para sila ay makaalis na. Sa pagbaba ng dalaga ay parang tila na tulala ang binata sa kanyang nakita. Ang Devon na parang tila lalaki ay ngayon nakasuot ng maikling skirt at fitted na blouse na kita ang hubog ng gandang katawan ng dalaga at sinabayan pa nito ng paglugay ng kanyang mahabang buhok.

"Hoy!!"-Pagsigaw ni Devon sa binata. "Ha?Ano kwan!"-saad nito sa pilit pagbalik huwisto ng katawan. "Ano ba?Natulala ka na dyan!Alam ko maganda ko matagal na at sexy ako ok."-Devon. "Hindi lang kita namukaan, grabe ibang iba yung itsura mo kanina tapos ngayon yan ang suot mo?As in wow!!!"-Sam. 'Oh tama na! At punasan mo na ang laway mo!Kanina pa tumutulo eh."-Devon.

Langit at LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon