Chapter 11

2.7K 37 1
                                    

CHAPTER 11

Kinabukasan, masayang bumangon ang dalaga dahil iyonang araw na ipapakilala sya ni Sam sa mga magulang nito.Gayun paman ay hindi din maiaalis sa na magisip sya. "Paano kung hindi nila ako magustuhan?Paano kung maliitin lang nila ako dahil mahirap ako?Hay Devon!!! Kung ano ano ang naiisip mo!"-saad nito sa kanyang isipan. Lumipas ang mga oras at hindi na mapigilan ng dalaga ang maging excited. KInahapunan bandang alas sinco ay pinuntahan na sya ni Sam para sunduin ito. "luvs, ang aga mo naman, hindi ba't 7 pa ang dinner?Magaayos pa lang ako ngayon eh."-Devon. "Sige ok lang take your time, excited lang ako para mamaya."-Sam.

"Ako nga din eh, pero sa tingin mo magugustuhan kaya ako ng parents mo?"-Devon. "Bakit naman hindi?Mababait yung mga yon."-Sam. "Sige sinabi mo eh. Oh sya aakyat na ako sa taas para magayos.Habang nagaayos ang dalaga ay nagusap naman si Sam at ang ama ni Devon. "Sam, basta yung sinabi ko sayo nuon ha?"-Mario. "Wag po kayong magalala, hinding hindi ko po papabayaan si Devon.At tsaka nga po pala, hindi nyo na po kailangan ipagdrive kami, sa bahay lang naman po ang punta namin eh.Pahinga nalang po kayo."-Sam. "Oh sige pero wag masyadong magpagabi ng paghatid sa dalaga ko ha."-Mario. "Opo."-Sam.

Pagkalipas ng isang oras ay bumaba na din ang dalaga."Wow naman luvs, ang ganda ganda mo naman!"-Sam. "Salamat!"-Devon. Hindi nagtagal ay nagpaalam na din ang dalawa at tumuloy na sa bahay nila Sam. "Ma1 Dad! We're here."-Sam. At sinalubong naman sila ng ina ni Sam. "Ma, si Devon po, luvs mom ko nga pala!"-Sam. "Good evening po ma'am"-Devon. "Naku tita nalang ang itawag mo sa akin iha!"-Liinda. "Ma'am , Sir, na ka ready na po ang mesa."-Katulong.

"Oh sya, tumuloy na kayo sa dining table ang kakain na tayo. Tatawagin ko lang ang daddy mo."-Linda. Pagbaba naman ng ama ni Sam ay agad din naman nitong ipinakilala ang dalaga sa kanyang ama. Nagumpisa ang gabing yon ng maayos at masaya ang lahat na kumakain. Ngunit biglang nagihip ang hanginng magsimulang magtanong ang mgulang ni Sam tungkol sa buhay ng dalaga. "Ah iha, ano ba ang family name mo?Baka kasi kakilala namin ng tito mo eh."-Linda. "Seron po!"-Devon. "Seron?Hmmm, Fernando may kilala ka bang mga Seron?Taga saan ang mga Seron iha?"-Linda. "Taga Cebu po.Pero dito na po kami sa maynila nakita ng tatay ko."-Devon.

Bigla naman hindi mapakali ang binata dahil sa ngyayari. "Tatay mo?Ano ba trabaho ng ama mo iha?"-Linda. "Ah dati po syang jeepney driver pero ngayon po personal driver na po sya..."-Devon. At bigla naman pinutol ni Sam ang usapa nila na parang tila may ayaw syang malaman ng kanyang mga magulang. "Ah alam nyo po ba itong si Devon ma, mahilig din magluto kagaya ninyo."-Sam. "Ah talaga iha?Dyan tayo magkakasundo!"-Linda.

At tanging pilit na ngiti ang ibinigay nito sa kanila. Pagkatapos nilang kaumain ay pumunta muna sandali ang dalaga sa comfort room. At sakto narinig nito na naguusap ang mag-inang Sam at Linda. "Sam, saan mo ba nakilala ang babaeng yan?"-Linda. "Why Ma?Importante pa ba yon?HIndi ba kayo masaya dahil masaya ko?'-Sam. "Sam, I'm warning you now, ngayon palang layuan mo na yang babaeng yan ha."-Linda. "And why would I do that?"-Sam. At sabay alis nito at sa hindi inaasahan ay nakita nya si Devon na nakikinig sa kanilang paguusap. "Let's go luvs, umalis na tayo dito at biglang sumama ang ihip ng hangin."-Sam.

Langit at LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon