Chapter 8

3K 55 0
                                    

CHAPTER 8

Pagkalipas ng ilang sandali ay tumungo na din ang tatlo sa mall at sinabi ni Sam kay Mario na pwede na syang magpahinga at tatawag nalang sya pag handa na silang umuwi. Habang naglalakad sila ay hindi mapigilan ni Sam na titigan ang dalaga na agad naman nitong napansin. "Ano ka ba?Tama na ang kakatitig.Kung Ice cream lang ako malamang kanina pa ako tunay dyan sa kakatitig mo."-Devon. "Aba napakagandang ice cream mo naman kung ganun. Pero di sorry ha! Am i making you feel uncomfortable?"-Sam. "Eh kasi naman po di ako sanay ng tinititigan ako ng ganyan."-Devon. "Alam mo kasi nagulat lang ako sa transformation mo, akalain mong ganyan ka pala ka ganda kapag ganyan ang mga suot mo."-Sam.

At saba'y siniko naman ni Devon ang sikmura ng binata. "Hoy! Anong akalain mo sa akin pangit?FYI noh, kahit na ganun ang mga sinusuot ko madami pa din ang nanliligaw sa akin ha!"-Devon. "Aray naman!Weh?Eh bakit lagi naman akong nasa inyo pero ni isa wala akong nakikita?"-Sam. "Bakla ka ba?"-Devon. "Sino bakla?Ako?Aba!Wag mo akong tatawagin na bakla baka halikan kita dyan at ng malaman mo kung talagang bakla ako."-Sam. "Eh kasi naman sa mga sinasabi mo eh, parang sinabi mo na din na tomboy ako.Para sabihin ko sayo hindi po ako tomboy!"-Devon. "Ok sabi mo eh."-Sam.

"Gutom ka na ba?"-Sam. "Ako medyo!"-Devon. "Saan mo gustong kumain?Do you feel like having Italian?Chinese?Mexican food?"-Sam. "Ano ba, eh puro naman pangmayang pagkain yan eh. Halika sumama ka sa akin at may alam akong kainan na masarap."-Devon. At dinala ng dalaga si Sam sa paborito nyang kinakainan sa may labasan."What is that?"-Sam. "Ano ka ba?Hindi ka pa ba nakakatikim ng isaw?Ayan tikman mo yan tokneneng naman yan.Masarap yan pramis!"-Devon. At agad namang kinain ng binata at nagustuhan naman nito ang mga pagkain. Pagtapos nilang kumain ay naglakad lakad naman ang dalawa sa may labasan. "Salamat ha!"-Sam. "Salamat?Para naman saan yan?"-Devon.

"Eh kasi para na din akong nagadventure nitong araw na 'toh. Hindi ko akalain na kakain ako ng mga ganung klaseng pagkain."-Sam. "Alam mo kasi sa aming mahihirap, mahilig kaming kumain ng mga ganyan dahil sa makakamura ka na, eh masarap pa ang kinakain mo."-Devon. At sa gitna ng kanilang kwentuhan ay nakaramdam ng panggiginaw ang dalaga. Agad namang hinubad ng binata ang suot nyang sweater at ibinigay kay Devon. "Oh ito, suotin mo."-Sam. "Naku wag na!"-Devon. "Eh kaysa naman giniginaw ka dyan. Wag kang magalala malinis ako, mabango pa."-Sam. "Hindi sige wag na ok lang ako."-Devon. "Ayaw mo?So ano gusto mo yakapin nalang kita para mas warm ka."-Sam . Na akmang yayakapin naman ng binata si Devon.

 "Wait!Oh sige na pahiram na!Baka mamaya dyan mapagkamalan pa tayong magsyota ng mga tao. Kakahiya naman!"-Devon. Napailing lang naman ang binata sa sinabi ni Devon.

Makalipas ang ilang sandali ay tinawagan na din ni Sam si Mario upang magpasundo sila. Napagdesisyunan ni Sam na ihahatid nalang nya ang dalawa sa bahay nito upang para hindi na magpabalik balik si Mario. "Naku Sir, ok lang naman po kung ako ang mag cocommute pa uwi. Hindi nyo na po kailangang ihatid kami."-Mario. "Ok lang po, medyo gumagabi na din po eh. At ako naman yung may sasakyan kaya ok lang po.Bawi nalang po kayo next time."-Sam. "Ok sige ikaw bahala."-Mario. Pagkadating nila sa bahay nila Devon ay nauna nang pumasok ang ama nito at naiwan silang dalawa sa labas. "Salamat!"-Devon. "Para naman saan?"-Sam.

"Eh kasi sinama mo ako sa mall kanina tapos ikaw pa halos ang nagbayad. Tapos eto inihatid mo pa kami ni Tatay."-Devon. "Wala yun, wala din naman akong ginagawa eh. Ako nga dapat magpasalamat dahil pumayag kang sumama sa akin eh."-Sam. "Oh sige, pasok na ako sa loob, uwi ka na din at baka ikaw naman ang mapahamak nyan sa daan."-Devon. Papalayo na si Devon ng biglang tumakbo si Sam papunta sa kanya at sabay tinawag nito ang pangalan ng dalaga."Devon!"-Sam. Akmang yayakapin sana ng binata si Devon ng pagharap ni Devon sa hindi inaasahang pangyayari ay nagtagpo ang kanilang mga labi.

Langit at LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon