Chapter 15

2.7K 57 1
                                    

CHAPTER 15

"Alam nyo mas mabuti nga sya eh kahit mahirap lang, ni minsan hindi mo sila nakitaan ng tatay nya ng kahit anong away. Sobrang nagmamahalan sila at higit sa lahat, pinapabayaan sya ng tatay nya kung saan sya liligaya. Eh kayo, mayaman nga kayo, eh yung ugali nyo naman!"-Linda. "Mamili ka Samuel, ang babaeng yon oh kami ng dad mo?"-Linda. "Wow!Seriously?Tinatanong pa yan ma?"-Sam. "I'm warning you now Samuel, tatanggalan kita ng mana!"-Linda. "Honestly ma, I don't need your money! Hindi ako sasaya dyan. Marami nga akong pera, but what about the girl I love the most?Patutunayan ko sa inyo ni Dad na hindi ko kailangan ng pera ninyo. Na kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa."-Sam. At sabay umalis ang binata at kinuha ang kanyang mga gamit at umalis sa kanilang bahay.

Agad namang tumuloy ang binata sa bahay nila Devon upang makausap ang dalaga. Hanggang sa ngayon ay ayaw pa din kausapin ng dalaga si Sam. "Pasensya na iho, talagang ayaw nya eh, buti pa sa ibang araw ka nalang bumalik."-Mario. "Ok lang po, dito lang po ako sa sasakyan ko maghihintay."-Sam. "Ikaw ang bahala, pero bakit ayaw mo pang umuwi at baka hinahanap ka na din sa inyo."-Mario. "Wala na po akong uuwian eh, umalis na po ako sa amin."-Sam. "Bakit naman?May ngyari bang iba?"-Mario. "Siguro po kakausapin ko po muna si Devon."-Sam. "Oh sya sige, hintayin mo nalang at hindi magtatagal paglaman nun na hindi ka umuwi eh lalabas din yan."-Mario. "Sige po, salamat po!"-Sam.

Lumipas ang maghapon na hindi nilabas ng dalaga si Sam at hating gabi na din at hindi pa din ito lumalabas. Maghahanda na sana si Devon matulog at isasara na nito ang bintana ng makita nyang nasa labas pa din ang binata at hinihintay syang lumabas. Agad naman itong naawa sa binata dahil alam nyang hanggang ngayon ay hindi pa din ito kumakain magmula ng dumating sya sa bahay nila. Lumabas si Devon upang makausap si Sam at para na din pauwiin na ang binata. "Bakit nandito ka pa din?Di ba sabi ni tatay sayo kanina umuwi ka na?"-Devon. "Devon!!Salamat naman at lumabas ka na din."-Sam.

"Lumabas ako para sabihin sayo na umuwi ka na at nagaaksaya ka lang ng oras mo."-Devon. "Wala na akong uuwian."-Sam. "At bakit naman?Ano ngyari sa nanay at tatay mong matapobre?"-Devon. "Pinalayas na nila ako."-Sam. "Bakit?"-na may halong pagaalala sa binata. "Kasi mas pinili kita kaysa sa kayamanan nila."-Sam. "Bakit mo naman ginawa yun?"-Devon.

 At nilapintan ang binata dahil sa pagaalala. "Devon, hindi mahalaga sa akin ang pera, mas mahalaga sa akin ang makasama ka!Mahal kita at walang sinuman ang makakapigil sa akin na mahalin ka."-Sam. Hindi naman namalayan ng dalaga ang mga luhang pumatak na mula sa kanyang mga mata. Magkahalong emosyon ang kanyang nararamdaman. Saya, galit, pag-aalala. Pero gayunpaman ay nanaig ang saya sa kanya dahil kahit papaano ay napatunayan nya na mahal din sya ng lalaking pinakamamahal nya.

Langit at LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon