Chapter 16

4.5K 116 33
                                    

***Please do read the Author's note. Thanks much guys!!!**

CHAPTER 16

Sa walang sabi-sabi ay agad nitong niyakap ang binata. "Mahal din kita Sam! Hindi mo lang alam kung gaano kita na miss."-Devon. "I missed you more! I'd do anything just to be with you."-Sam. "Kumain ka na ba?"-Devon. "Hindi pa eh. Medyo nagugutom na nga ako eh."-Sam. "Halika pumasok ka muna sa bahay."-Devon. "Devs, ok lang ba sa tatay mo kung dito muna ako sa inyo?Habang wala pa akong matutuluyan?"-Sam. "Ano ka ba!Oo naman syempre. Kahit dito ka nalang sa amin ok lang kay tatay."-Devon. "Pramis ko tutulungan ko kayo sa lahat ng bagay. Maghahanap ako ng trabaho,tutulungan kitang magtapos ng pagaaral mo."-Sam. "Ano ka ba, kahit wag na.Sige na tara na sa loob at ginugutom ka nga talaga kung ano ano na sinasabi mo eh."-Devon.

Lumipas ang mga araw at nagsumikap si Sam na makahanap ng trabaho. Tuluyan syang pinabayaan ng mga magulang nya dahil alam nila na kapag nakapagdesisyun na ang anak ay hinding hindi na ito pa man magbabago pa.Hindi naglaon at nakahanap na din si Sam ng trabaho. Maliit ang sweldo pero pilit nyang pinagtsagaan. Sya at ang ama ni Devon ang nagtrabaho at tinulungan nito ang ama ni Devon sa pagiipon ng pera para sa pagaaral ng dalaga. Hirap man sila sa buhay pero naging masaya ang kanilang pagsasama. Kahit minsan nakikita na ni Devon ang paghihirap ng nobyo nya pero hind pa din ito tumigil sa pagtatrabaho. Hindi din nagtagal at nakapagaral na sa wakas ang dalaga. Iginapang nilang dalawa ng tatay ni Devon ang kanyang pagaaral. Hindi naglaon ay nakatapos na din ito kolehiyo at agad nakahanap ng trabaho.

Lumipas ang taon at naging maayos at matiwasay ang pagsasama ng dalawa. Naging maginhawa ang buhay nila dahilan na din sa tatlo na silang nagtatrabaho. Nakapagipon naman silang sapat na pera at hindi nagtagal ay nakabili na din sila ng sarili nilang bahay.Lumipas ang taon na walang balita ang binata sa kanyang mga magulang. Ni hindi nya alam kung ano na ang kalagayan nito. Gustuhin man nyang puntahan pero mas minabuti nyang wag nalang dahilan na din sa mga sinabi ng kanyang ina.

Pero tila tadhana na din ang gumawa ng paraan para sila ay magkaayos. Magkasama sila Sam at Devon na naggogrocery ng mamataan ni Devon ang ina ni Sam. "luvs, diba mama mo yun?"-Devon. "Saan?"-Sam. "Ayun oh, yung nakatayo duon."-Devon. "Oo nga noh,pero hayaan mo na sya.Ayaw naman akong kausapin nyan eh."-Sam. "luvs, matagal na panahon na ng huling magkausap kayo ng magulang mo. Hindi ba't dapat panahon na na magkaayos naman kayo?Kahit ikaw na ang humingi ng paumanhin sa mga ngyari, magkaayos lang kayo."-Devon. Matapos sabihan ng dalaga ay agad namang nilapitan ni Sam ang kanyang ina. "Ma!"-Sam. Laking gulat ng ina ni Sam sa isang pamilyar na boses na kanyang narinig. Sa walang sabi sabi ay agad nitong niyakap ang anak. Sa tagal nitong pangungulila sa anak ay matagal na din nyang kinalumutan ang lahat ng ngyari sa kanila. "Ma! I am so sorry for everything."-Sam.

 "Shhh!!!ako dapat ang kailagan na magsabi nyan iho, hindi ako nakinig sayo. Naging makasarili ako at hindi ko inintindi ang damdamin mo. "-Linda. "Kamusta ka na?At si dad?How is he?"-Sam. "Ayun ok naman matutuwa yun pagnalaman nyang nagkita tayo.Ikaw kamusta ka na?Si Devon?Kayo pa din ba?"-LInda. "OK naman po kami ma. I'm working now at natulungan ko si Devon na makapagtapos. Nakabili na kami ng bahay dyan sa Paranaque."-Sam. "I am so proud of you son!"-Linda. Tinawag naman ni Sam ang dalaga at tuluyan ng nagkaayos ang pamilya ni Sam at ni Devon.

Tuamgal ang relasyon nila Sam at Devon,napagpasyahan din ng dalawa na wag munang magpakasal at ienjoy muna ang buhay nila bilang magnobyo at nobya.Ayaw nilang madaliin ang kanilang mga plano sa buhay. Hindi naglaon at ang pagmamaneho ng jeep ng ama ni Devon ay naging negosyo na nila.Sa pagiipon nila ay nakabili sila ng limang jeep at ginawa nila itong puhunan sa kanilang negosyo. Samantala ang magulang ni Sam ay guston gusto nang magkaapo, kagunpaman ay naiintindihan nila ang desisyon ng dalawa na wag mumang magkaanak.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

*Ang isang tao ay dumarating sa punto ng buhay na kailangan mong mamili kung kaligayahan ba o ang kayamanan.Kung mahal mo ang isang tao, wag kang matatakot ipaglaban ito. Kahit mawala na ang lahat ng kayamanan mo wag lang ang taong minamahal mo.Sabi nga nila, "There are things that money can't buy, and that's happiness."Walang kahit anong halaga ng kayamanan ang makakapantay sa kaligayahang natatamasan mo sa piling ng iyong mga mahal sa buhay.Sabi nga nila pagdating sa pag-ibig, walang mahirap at walang mayaman, lahat pantay-pantay.Wag mong hayaan na sa huli ka magsisi dahil hindi mo nagawang ipaglaban ang alam mong tama. Maraming maraming salamat sa lahat ng sumubaybay ng istoryang ito. Nawa'y isang makabuluhang aral ang inyong natutunan. Salamat sa lahat ng nagkomento.**

Langit at LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon