Kinaumagahan naghahanda na si jugs para sa kanyang prod.# sa program kinakabahan na sya dahil sa kung ano ang magiging reaction ni vice at karylle...
( tingnan nio nalang po sa multimedia guyss)
---------
"Karylle tara mamaya sa program gaganapin daw dun sa museum mag peperform daw yung isa sa grupo ni vice na si jugs nood tayo plss?!" --anne
"Oo nga best plsss??!"
"Alam nio kayong dalawa hindi ko alam kung gusto niyo ko kasama o yung boyfriend niyong dalawa " nagkatinginan nman sila anne at colleen
"Hindi sa ganun best syempre gusto ka din namin kasama kasi bestfriend ka namin diba?" Nagnod lang si anne
"Ang kulit niong dalawa o sige na nga " niyakap naman nila ako
"Yehey!!!!" Sigaw ni anne kaya napatakip naman ako ng tenga pati si colleen
"Ang ingay mo naman best" napatawa nlang si colleen
-----------
Habang nag uusap usap sina jhong,vhong, at billy napansin nila si vice na tulala wala si jugs dahil nag rerehearse para sa prod. Niya...
"Hay nako tulala nanaman ang isa jan" nakacross arm na sabi ni billy
" sino kaya iniisip ni vice ano vhong?" Tanong naman ni jhong
Napatingin naman sa kanila si vice
"Akala niyo naman na hindi ko naririnig yung mga pinag uusapan nio"
"Ei sino ba kasing iniisip mo ha?"
" wala!" Medyong sigaw ni vice
" talaga ba ? Vice?" --billy
"Oo" sabay tingin niya sa kawalan hayy kahirap naman umamin jusko tulungan nio po ako..
"Pag yan hindi mo pa sinasabi samin ang dahilan kung bakit ka tulala sasabihin namin kay solen na siya ang iniisip mo ano? Ayaw mo pa din umamin?"
tatayo na sana si billy ng bigla syang hilahin ni vice paupo" oo na... kasi naman kahirap magtago ng feelings sa isang babae nakakainis naman"
"Ei sino ba kasing tinutukoy mo ha" makahulugang tanong ni vhong
"Sino pa ba?"
"Si KARYLLE!!!!!!" Sigaw ni jhong kaya mabilis na tinakpan ni vice yung bunganga ni jhong
"Hahahahaha" tawa ng tatlo
"Yan na nga ang sinasabi ko ei tsk tsk mahirap yan"--vhong
" kasi naman vice sinabi nanamin yan noon pero pinagpatuloy mo pa din ang pang iinis mo kay karylle mahuhulog ka din pala hahaha"
"Kaya nga ei .... Tulungan nio naman ako sa kanya oh plsss?"
" nako mahirap yan" --- jhong
"Bakit naman?"
"Kung kailan galit na sayo si karylle?"
"Kaya nga ako humihingi ng tulong diba?
" sige brad gagawin namin lahat para magkabati lang ang vicerylle hahaha" sabay iling ng ulo ni vhong
"Deal ako jan hahaha"--billy
" salamat guyss"
"Oo nga pala suportahan naman natin si jugs mamaya "
"Saan ba gaganapin billy?"
"Sa museum daw ei sama ka vice sigurado akong pupunta si karylle mamaya"
BINABASA MO ANG
Love Me Again
RandomPano pag nainlove ka sa isang taong kinaiinisan mo ? Mananaig pa rin ba ang pagkapikon mo sa kanya o hahayaan mo nalang yung sarili mong mainlove sa kanya? Kahit alam mong sa future magiging kayo? Kahit ilang beses na kayong nag aaway anjan pa din s...