~Vice~Andito na ako sa pinas sa wakas ... Agad na akong sumakay sa van namin ... Pinasundo kasi ako ni mom dito .. Pag uwi ko agad akong sinalubong ni mom..Agad ko namang tinawagan ang mga kaibigan ko sinabi ko na sa kanilang andito na ako sa pinas..
Pero sabi ko sa kanilang huwag munang sabihin kay karylle lalo na kay anne ...Saktong nandito na ako sa tapat ng bahay namin..
"Anak!!!!!" Sabay yakap sakin ni mom
"Mom para ilang months lang ako nawala namiss niyo na agad ang gwapo niyong bunso"
"Yes naman anak hahaa" sabay halik ng ginang sa noo ng anak
"Tara na sa loob naghanda ako ng makakain natin alam kong pag uwi mo dito gutom ka"
Inakbayan nalang ni vice ang mom niya " ikaw talaga mom hahaha"
Pagkatapos nilang kumain nagdecide ng umakyat ng kwarto si vice dahil na din sa pagod at puyat...
~Karylle Side~
Nakahiga lang ako ngayon sa kwarto ko...
'Kamusta na kaya sya? Sana umuwi na sya handa na akong patawarin sya siguro' ngumiti nalang si karylle
Ring~Ring~Ring
Sino nanaman kaya to?
"Oh hello colleen bakit?"
"Best nasan ka?"
"Nandito sa bahay bakit ba ha?"
"Sungit naman nito ... Mamaya nalang ulit bye."
Anu ba yan tatawag tapos papatayin din agad.. Hayss wala ng magawang magaling yung mga kaibigan ko..
~Billy's Side~
"Babe tinawagan mo ba si karylle?"
"Oo"
"Anung sabi mo sa kanya?"
"Wala hindi ko pa sinasabi sa kanyang umuwi na si vice"
"Good. Ayaw kasing ipasabi ni vice sa kanya lalo na kay anne alam niya kasing madaldal yun "
"Hahahaha... Sinabi niya pa teka bakit ba ayaw niyang malaman ni karylle?"
"Ewan ko dun siguro ayaw niya munang guluhin si karylle"
"Oo nga hayaan nalang muna natin silang dalawa teka alam na ba nila vhong at nila jugs?"
"Oo babe kami ang unang nakaalam lahat tayo alam ng nakauwi na sya pwera lang kay anne at karylle"
"Ah ok sge babe akyat muna ako titingnan ko lang yung baby natin baka gising na"
"Oo nga sige na babe tingnan muna si baby zia"
"Sige."
~Vice's Side~
Hayss ang sarap matulog ...
Naisipan naman ni vice na tawagan ang mga kaibigan niya pero inuna niyang tawagan si billy..
"Hello vice bakit?"
"Billy tawagan mo sila vhong lahat punta kayo sa private house ko alam mo na kung saan yun dun tayo magkita kita parang bonding na din "
"O sige isasama ba namin si karylle?"
Natahimik sandali si vice "bahala kayo billy.."
"Panong kami ikaw ah"
"Huwag niyo nalang pilitin kung ayaw kung gusto isama niyo"
BINABASA MO ANG
Love Me Again
RandomPano pag nainlove ka sa isang taong kinaiinisan mo ? Mananaig pa rin ba ang pagkapikon mo sa kanya o hahayaan mo nalang yung sarili mong mainlove sa kanya? Kahit alam mong sa future magiging kayo? Kahit ilang beses na kayong nag aaway anjan pa din s...