Chapter 25: Space

735 20 2
                                    

Vice

I want to give her a space gusto ko syang mag isip muna ng mabuti baka ako lang ang sagabal kaya hindi niya ako mapatawad... Sana sa pag uwi ko ng pinas mapatawad na niya ako kahit mahirap at gawin ang pagpapatawad .... Sana tanggapin niya ulit ako sa buhay niya .. Because she is my life...

Malapit sa akong mag one year dito sa states kahit magaling na si dad sa tulong ng theraphy.. Nagpaalam ako kay mom na dito muna ako .. After one year nalang ako uuwi para makasama ko ng matagal ang mga kapatid ko at ang dad ko...

Mahirap kalimutan pero kinakaya ko mahal ko si karylle sana mapatawad na niya ako.. Mahal na mahal na mahal ko yung babaeng yun... Sana hindi sya makahanap ng kapalit ko...

Andito ako ngayon sa terrace ng bahay ni ate emma.. Gusto ko munang mapag isa para makapag isip isip... Bago ako pumunta at manatili dito tinanong nila ako kung ok lang daw ba saking samahan si dad .. Ok lang skin kasi i want to spend my time with my dad and family .. Dahil minsan lang ito mangyari...

Tinanong din nila ako kung bakit hindi pa ako umuuwi sa pinas dahil magaling na si dad sabi ko sa kanila hahayaan ko muna si karylle mag isip isip para walang sagabal...

Pinayuhan lang nila ako... At medyo natauhan sa ginawa ko kay karylle alam ko naman na yun ei.. Kaya malaki ang pagkakamali ko sa kanya ang tanga ko dahil hindi ko sinunod ang feelings ko sa kanya sinunod ko lang ang kagustuhan ko...

~On the other side~

"Kawawa naman ang kapatid natin !"-emma

Kasalukuyan silang nakatago sa isang sulok para hindi sila makita ng bunso nilang kapatid..

" kaya nga sana mapatawad na sya ni karylle"-babot

"Siguro nga kailangan nila ng space sa isat isa para sa kanilang sarili"

Tumango nalang si ate babot..

Vice's side

Alam kong nakatago sila ate babot at ate emma pero hindi ko nalang sila pinansin talaga namang mga chismosa ang mga kapatid ko...

Tumayo na ako para samahan si dad manuod ng movie...

"Dad anung palabas yan?"

"Star Wars"

"Talaga dad? " excited namang manuod si vice dahil isa ito sa favorite movie niya

"Yap " hanggang sa nag movie marathon na nga silang dalawa...

~Karylle~

Marami ng araw at oras ang lumipas .. Nasan na kaya sya nakakamiss sya sana bumalik na sya dito sa pilipinas... Sana gumaling na yung dad niya.. Marami na ang nangyari nanganak na nga si colleen Baby girl ang anak nila... Malaki na din ang tiyan ni anne...Buntis na din si sarah...

~Ring ~ Ring

"Hello anne bakit?"

"Sis punta ka dito sa shop mo dali!!!" Kinabahan naman sya dahil sa pananalita palang ng kaibigan halatang may nangyayari...

"Sige wait bye."

Agad namang pumunta sa kotse si karylle at binilisan ang patakbo....
Hanggang sa nakarating na sya sa shop niya ..

Sinalubong naman sya ni anne sa labas ng shop niya..

"Bakit ba anne?"

"Karylle may nakita kasi kaming babaeng patingin tingin dito sa shop mo ngayon tumawag agad ako ng guard para mahuli.."

"Ano nahuli ba?"

"Oo sis halika sa loob " pumasok na nga sila sa loob nakita naman agad ni karylle ang girl at parang familiar sa kanya to dahil nakahoodie ito..

"Parang nakita na kita dito sa shop kong patingin tingin din may hinahanap ka ba?" Tanong niya sa babae

"W-wala p-po" pautal utal nitong sagot.

"Umamin ka kundi ipapakulong kita gusto mo bang nakawin kung anong meron dito sa shop ko!!!!?" Medyo naiinis na si karylle kaya medyo lumakas na ang boses niya

"H-hindi po gu-gusto la-lang po ki-kita maka-us-usap" halatang kinakabahan ang babae

"Para saan?"

"Gus-gusto ko pong tayo lang dalawa"

"O sige bumalik ka dito bukas sa shop ko maliwanag?" At tumango nalang ang babae..

"Sige umalis ka na!" At umalis na nga ang babae

"Sis bakit mo sya pinaalis ?"-anne

" babalik naman sya bukas dito kaya ok lang"

"Ok"

"Tara kain tayo anne"

"Saan ?"

"Sa japanese restaurant"

"Wait parang favorite place yan ni viceral ah"

Natahimik naman si karylle

"Tara na sakay bago pa magbago ang isip ko" sumakay naman agad si anne kasi alam niyang kuripot ang kaibigan once in a blue moon lang to mangyayari....

Habang kumakain sila bigla namang nagsalita si anne "sis pano pag bumalik sya patatawarin mo na ba? Kasi tingnan mo ha mag iisang taon na sya states pero hindi pa din sya bumabalik siguro binibigay niya sayo yung space na tinatawag"

Napaisip naman si karylle sa sinabi ni anne ...medyo kinakabahan kaya sinagot niya nalang yung tanong ng kaibigan.." Depende ..."

"Jusko naman girl ilang taon ka ng ganyan kay vice kawawa naman yung tao nagpakahirap sa pag uutos mo sa kanya,tiniis lahat ng pananakit mo at kahit anong sabihin mong masasama sa kanya anjan padin sya sa tabi mo... Hindi pa din sya sumusuko.. Kaya sis hanggang maaga bigyan mo na ng chance mamaya maging manhid yan di mo na mabawi" nag buntong hininga nalang si karylle

"Ewan ko anne ... Pinag isipan ko na din yan .. Pero sa isip ko wag kong patawarin dahil sa mga ginawa niya sakin noon pero sa puso ko anne sinasabing patawarin ko na dahil alam ko namang sa sarili kong---"

"Mahal mo sya?" Putol ni anne sa sinasabi ni karylle

Tumango nalang ang dalaga

"Yan karylle ang sinasabi ko sayo noon.... nasa huli ang pagsisisi pano kapag hindi na sya bumalik at meron na syang iba pano na ha girl?"

"Hindi ko alam anne naiinis na ako sa sarili ko kung kailan wala sya sa tabi ko parang hinahanap hanap ko naman sya pero nung lagi syang nasa tabi ko pilit ko syang tinataboy" nag uunahan ng tumulo ang luha ni karylle

"Ang tanga ko anne kung sana naapreciate ko yung mga nagawa nya noon baka kami pa hanggang ngayon at nasa tabi ko pa sya "

"Tama na sis talagang ganyan kung talagang hindi kayo sa isat isa tanggapin mo na lang pero pag naging kayo alam kong magiging maligaya ka.."

"Sana mahal pa ako ni vice dahil sa oras na bumalik sya dito ako na ang lalapit sa kanya para humingi ng tawad mahal ko talaga ang gagong yun ei" hinihimas naman ni anne ang likod ni karylle dahil sa paghikbi hikbi nito...

Maraming napag usapan ang dalawa kaya ng mag gagabi na naisipan na nilang umuwi...

"O apo san ka galing?" Sabay kiss ng dalaga sa lola nito

"Ahm pumunta po sa shop tapos konting bonding with anne"

"Ah ok ... Mukhang pagod ka na apo sige na akyat ka na.."

"Sige lola bye."

Hanggang sa nakahiga na si karylle sa higaan ng naisipan niyang magbukas ng social media...

Pagbukas ng facebook niya may nakita naman syang picture dahilan para magpatulo naman ng luha niya ...

Continue~~~

-----------------------------------+----------------

A/N: hi guyss sorry sa mga hindi na nakakaganda ng story ko .. Try kong bumawi hahaha ...

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon