Chapter 1: Attitude

244K 5.3K 653
                                    

A bad attitude is like a flat tire.
If you don't change it,
You'll never go anywhere.
———

Hindi katulad ng ibang kwento na lagi ng nale-late. Napaka-Cliché na yon' kaya ako heto alas kwatro palang nandito na ako sa D.A.M University.

Excited ba?

Yep. Baguhan lang kasi ako dito. Dito kasi ako pina-transfer nila Mama dahil maganda ang patakaran sa School na to. At isa pa, dito ako nakakuha ng Scholarship ko till' 4th Year College, Chemical Engineering ang kinuha kong kurso dahil iyon ang gusto ni Mama kaya sinunod ko, siya at si Kuya nalang kasi ang pamilya ko eh kaya lahat ng gusto nila gagawin ko.

Sikat ang eskwelahang ito dahil sa napakalaki at mga mayayaman pa ang nag-aaral dito maliban siguro sakin kasi hindi naman ako mayaman, maybe soon..

Nilibot ko ang buong campus pero parang hindi ko kaya, nakakalahati palang ako, hingal na hingal na ako. Jusme! Kaya umupo muna ako dito sa harapan ng isang room. Ewan ko kung saan to. Sumandal ako sa pader at dahil doon hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

"Hoy! Sleeping Beast! Wake up, this is my territory. Get lost!" Halos mabingin ako ng marinig ko ang malakas na boses kaya bumangon ako kaagad.

Deym! Nakatulog pala ako.

Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko, isang gwapong lalaki tapos may hikaw pa ito sa tainga. Nag-aadik yata. 

"What the hell are you doing here in my Territory?" Salubong ang kilay nitong napatingin sakin.

"Pasensiya na! Napagod kasi akong naglibot kaya nakatulog ako, pero alam mo ang ganda ng school na to noh! Hays! Buti nalang dito ako nagtransfer kaso lang di ko pa nalilibot ang buong campus eh." Sabi ko habang nakatingin sa kanya.

"I don't need your damn explanation. Stay away on my way! Get lostz Do you understand?" Bulyaw niya sakin kaya napaatras ako ng konti. Amoy na amoy ko yung mala-fresh V na hininga nito. Nagsitaasan lahat ng balahibo ko sa sinabi niya. Tingin palang nito pakiramdam ko kakainin na niya akong buhay.

This guy is so freakin' asshole!

"Eh, Bakit mo'ko sinisigawan, pwede ka namang makipag-usap sakin ng maayos eh!" Asar na wika ko.

"I TOLD YOU GET LOST! I DON'T WANT TO SEE YOUR UGLY FACE AGAIN!" Madiing wika nito, umangat ang dugo sa ulo ko sa sobrang inis. Sabihan ba naman akong pangit? Di ko matatanggap yun.

"Hoy antipatiko! Huwag na huwag mo akong mapangit-pangit hah! Ikaw nga tong sobrang pangit ng ugali eh. Pinaglihi ka siguro ng nanay mo sa maligno. Ang pangit na nga ng ugali mo, amg pangit pa ng mukha mo! Tse!" Inis sa sabi ko tapos tinulak ko siya bago naglakad palayo.

Nanginginig ang tuhod ko habang naglalakad, natatakot kasi ako baka mamaya tambangan ako nun sa gate. Patay na! Di naman siguro ako mamumukhaan nun.

Room 168. Hinanap ko iyon at sa kasawiang palad hindi ko talaga makita. Saan ba nagtatago yung Room na yun? Bwiset naman ee. Ang aga-aga kong pumasok tapos male-late ako sa klase ko. Useless! Kung hindi rin lang kasi sa antipatikong yun hindi rin ako male-late eh. Tsk! Minamalas nga naman talaga oh!..

Magpakita ka na Room 168. Kapag ikaw nahanap ko sasakalin talaga kitang Room ka. Sige!

Binasa ko yung nasa tapat kong Room. Room 168? Oh my gosh! This is it.

Welcome new classmates,
New friends,
New Terror Professors,
New Enemy
And of course New Love life—de joke lang!
New Life in D.A.M UNIVERSITY. please be nice to me. Ok? Mamahalin pa kita.

Back Off, She's Mine (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon