Chapter 29: Tadhana

80.5K 2K 260
                                    

Lumabas na ako ng Campus pagkatapos naming mag-usap ni Blake dahil kailangan ko pang dalawin si Mama sa Hospital. Kahit papano naging masaya siya at maging ako sa desisyon ko.

Flashback.

"Blake——Ma—" napahinto ako bigla bago tumingin sa kinatatayuan kanina ni Drake pero wala na siya doon. Napayuko ako.

"I'm sorry" mahinang sambit ko. nakita ko ang pagkadismaya ng mga estudyante at maging ang mga kaibigan ko nakasimangot. Si Blake? Hindi ko mawari ang reaksiyon niya, kung kanina nakangiti siya pero ngayon nakikita ko sa mga mata nito na nasasaktan siya. Hinawakan ko ang kamay ko.

"Blake, let me explain. Hindi ibig sabihin na hindi kita mahal, sinusubukan kong mahalin ka. Oo—mahal kita pero alam kong hindi pa sapat itong nararamdaman ko para sayo. Blake, I'm sorry for hurting you this time pero baka kasi dumating yung time na mas masasaktan ka kapag naging tayo na. Naguguluhan pa ako" Paliwanag ko. Naramdaman ko ng pangingilid ng luha sa mata ko.

"I'm sorry" sabi ko ulit, tuluyan ng tumulo ang luha sa pisngi ko. Hinawakan nito ang mukha ko at pinahid ang luha ko.

"Sorry din kung minadali kita. Gusto ko lang kasing ma-protektahan ka, gusto kong ako palagi ang kasama mo at hindi iba, gusto kong magkaroon ng karapatan para magselos kasi mahirap eh. Mahirap yung nagseselos pero alam mong hindi naman talaga pwede" tugon niya bago niya ako niyakap, gumanti na din ako ng yakap—yung sobrang higpit.

"Hayaan mo, hindi pa naman End of World. Siguro naman next year sasagutin mo na ako" natatawang wika niya. at nagawa pa niyang tumawa sa kabila ng pagrereject ko sa kanya.

"Next year? 123456—17 days nalang bago mag New Year hah" sabi ko. Binilang ko pa talaga para makasiguro. Natawa nalang ito bago niya hinawakan ang kamay ko.

"Ok. Kalimutan na natin ang nangyaring ito sayang nag-effort pa naman ako" pabulong niyang wika pero narinig ko yun.

"Peace" nakangiting wika ko sabay nag-sign ng peace. Sadyang sinungaling talaga ang ngiti no? Kahit sabihin kong nakangiti siya ngayon nakikita ko sa mga mata nito na nasasaktan siya.

Kahit nasaktan ko siya hindi parin siya umaalis sa tabi ko. Palagi padin siyang nandiyan pra sakin, napaka-swerte siguro nung mapapangasawa niya.

"Bakit ba napaka-sweet mo, Blake?" Tanong ko sa kanya. Nakangiti itong tumingin sakin.

"Sayo lang naman ako naging sweet eh" then he pinched my nose. Lumalambot tuloy yung puso ko sa kanya, sana—ganito din si Dr—Ugh.

"Yung totoo? Sa first love mo, hindi ka ba naging sweet?" tanong ko, bigla siyang natigilan sa sinabi ko. Napabuntong hininga nalang siya.

"Ok. Hindi mo rin lang naman ako sasagutin, pwede bang umuwi na ako. May importante pa kasi akong pupuntahan eh" paliwanag ko sabay tayo. Tumayo na din siya.

"Sige. Mag-iingat ka, Girlfriend" nakangiting wika niya, tumango nalang ako bago naglakad palayo sa kanya.

End of flashback.

Paglabas ko ng Campus hinarang na ako ng mga kaibigan ko, puro sila naka-closed arm sa harapan ko at matamang nakatingin sakin.

"So, tell me. Bakit hindi mo siya sinagot? My god Kheazy! Are you out of your freakin mind? Alalahanin mo? Si Khalil Blake Anderson yon' napakaswerte mo dahil nag-effort soya ng ganun just—just for you! Goodness!" Inis na wika sakin ni Pam.

"Makareact naman kayo diyan, akala niyo kayo yung binasted" sabi ko, binatukan ako ni Yuri.

"Ouch! Ano ba?" Inis na wika ko sa kanya.

Back Off, She's Mine (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon