Chapter 18: Her Savior

92.1K 2.9K 476
                                    

Dedicated to Army024

---

Pinahid ko ang luhang tumatagaktak sa pisngi ko at tumakbo palayo. Hindi ko kayang makita siya kasama ang ibang babae. He even kissed her passionately infront of everyone, for what reason? To make me jealous? Well' he won.




Naglakad lang ako palayo hanggang sa makarating ako sa Park. Umupo ako doon, gusto kong maalis sa isipan ko ang nakita ko. Maya't-maya pa ay tumawag si Blake.




"Nasaan ka?" Tanong nito sakin.



"Nandito na ako sa bahay" pagsisinungaling ko.




"Kheazy, sabihin mo sa akin yung totoo, nandito ako ngayon sa bahay niyo" nag-aalalang wika ni Blake.




"Sorry, nandito ako ngayon sa Park malapit dito sa School" wika ko.




"Ok. Hintayin mo ako diyan. Wag kang aalis ha" tugon ni Blake bago niya pinutol ang tawag.




Tahimik akong nakaupo sa may damuhan nang may marinig akong tinig ng babae sa likuran ko.




"Thank you for doing this sweetheart" malanding wika nung babae.




Sus! Walang poreber! Tadaan niyo yan!



"Ok" cold na wika nung lalaki.



Ngunit natigilan ako sa boses na iyon, dahan-dahan akong napalingon sa likuran ko, laking gulat ko ng makita ko doon si Drake kasama yung si Stacy, yung Cheerleader na kahalikan niya kanina na nagdulot ng sakit sa dibdib ko at ngayon bumabalik na naman yung sakit.




Tangina! Bakit ba sa dinami-dami ng pupuntahan nilang lugar dito pa. Nananadya ba talaga sila.





Bumilis ang tibok ng puso ko ng mamataan ko si Drake na nakatingin sa direksyon ko. Kahit medyo madilim pero nakikita ko yung kislap ng mata niya. Napayuko nalang ako upang pigilan ang sarili kong titigan din siya.




Wala pang ilang minuto ay dumating na si Blake.





"I Miss You" nagsitaasan ang balahibo ko ng sabihin niya ang katagang yan. Saglit kong nilingon ang kinaroroonan nila Drake kanina ngunit wala na sila doon. Napahawak ako sa sintido ko.




"Are you ok?" Tanong ni Blake sakin, tumango lang ako.




"Your not" saad niya, nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.





"Blake" wika ko kaya bumitiw siya sa pagkakayakap.




"I'm sorry" tugon niya, umayos ito ng upo sa tabi ko.





"Alam ko na para lumamig naman ang ulo mo, diyan ka lang" sabi nito at tumayo. Nagtungo ito sa Ice Cream House malapit sa Park.





Pagbalik nito ay may bitbit ng ice cream rocky road flavor.




"Oh" sabay abot nito sakin yung isang cup ng ice cream.





"Libre ba ito?" Tanong ko sa kanya bago kinuha.




"Hindi. May bayad yan" Natatawang wika nito.





"Oh, balik mo na dun' wala akong pera pambayad niyan" nakangiting wika ko, natawa lang ito.




"Pagmamahal lang naman ang hinihingi kong kabayaran niyan eh" nakangiting wika nito.




Back Off, She's Mine (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon