Drake Alexander's POV.
Dito sa bahay ako umuwi. Hindi rin ako pumasok. Nakahiga ako ngayon sa kama ko habang nakatitig sa litrato ni Kheazy. Hanggang ngayon gulung-gulo parin ang utak ko. Hindi parin ako makapaniwalang may anak ako kay Khrysthelle. Paano na ito? Ayokong masaktan si Kheazy at mas lalong ayoko siyang iwan.
"Is there any problem, Son?" Tanong ni Mommy sakin habang nakasandal sa may pinto, nakalimutan ko na ding isarado ang pinto ng kwarto ko.
"I'm sorry mom for avoiding you for the past few days" sambit ko, lumapit si Mommy sakin at agad niya akong niya akong niyakap.
"It's ok, Son. I understand, besides it's all my fault" Malungkot na wika niya sakin. I can't help but to hugged her back. Naramdaman ko ang pag-gaan ng kalooban ko.
"Anong gagawin ko? I don't want to lose her" sabi ko. Napatitig agad sakin si Mommy na parang naghihintay ng susunod kong sasabihin.
"Lose her? What do you mean?" Nagtatakang wika sakin ni Mommy.
"Mommy, Huwag kang mabibigla pero naaalala mo ba si Khrysthelle?" Sabi ko, tumango agad si Mommy.
"She's back—with my child" nanlaki agad ang mata ni Mommy sa sinabi ko, halos mapatayo pa siya ng marinig niya yun.
"What? Your child? You mean—I am now a grandmother?" Sunus-sunod na tanong ni Mommy, tumango ako. Napahawak nalang siya sa sintido niya.
"I'm sorry" sabi ko, hinawakan ni Mommy ang kamay ko bago nagsalita. Kita ko kung paano siya nag-aalala.
"How about Kheazy? Alam na ba niya lahat ng ito?" Nag-aalalang tanong niya sakin.
"No, Mom. I'm begging you, don't—don't tell this to Kheazy, i don't want to hurt her" pakiusap ko kay Mommy. Hindi ko mabasa kung ano ang reaksyon niya.
"Pero anak, ngayon palang sinasaktan mo na siya, pati sarili mo" malungkot na wika niya.
"Mommy, hindi ko alam ang gagawin ko. Kaya pakiusap huwag mo munang sabihin ito kay Kheazy" pakiusap ko ulit. Tumango si Mommy.
"Pero paano yung anak mo kay Khrysthelle? Nakakasiguro kabang ikaw ang ama nung bata" sabi ni Mommy.
"Hindi pa po ako sigurado, pero kamukha ko po siya" sabi ko, napabuntong hininga si Mommy.
"Ayusin mo yan, at siguraduhin mong walang masasaktan kapag pumili ka, Anak. Hindi pwedeng habang-buhay mong ililihim yan kay Kheazy. Huwag kang mag-alala, nandito lang kami ng Daddy mo. Ok?" Sambit ni Mommy. Tumango nalang ako.
Iniwan na ako ni Mommy dito sa kwarto ko, Ilang oras pa ang nakalipas naisipan kong tawagan si Kheazy.
"Bakit hindi ka pumasok?" Iyon ang bungad niya sakin. Hindi agad ako nakapagsalita, hindi ko alam kung anong irarason ko.
"Drake Alexander Montebello!" Sabi niya ulit.
"May pinuntahan lang ako. Pwede ba tayong magkita sa Park?" Sabi ko sa kanya.
"Ok!" Sagot nito bago niya binaba ang tawag ko.
Kheana Zaila's POV.
Hinahanap ko ngayon si Drake dito sa Park, ngtataka lang ako kung bakit hindi siya pumasok ngayon. Ano kayang problema nun.
Mula sa di kalayuan, nakita ko siyang nakaupo sa harapan ng kotse nito. Nakasuot ng plain white shirt, black jeans at may cap pa siya habang pinapaikot ang susi ng kotse sa kamay nito. Huminto muna ako at pinagmasdan siya. Napapangiti nalang ako sa tuwing gumagalaw siya dahil kahit anong anggulo napaka-gwapo niya parin.
BINABASA MO ANG
Back Off, She's Mine (Under Revision)
Ficção AdolescenteI'm not jealous, but when something is mine. It's mine. ->Drake Alexander Montebello.