Kheana Zaila's POV.
Naalimpungatan ako ng mapanaginipan ko ang pangyayaring iyon. Napahawak agad ako sa dibdib ko. Sobrang lakas ng kabog nito.
Bakit ko napanaginipan ang pangyayaring iyon? Si Drake at Khrysthelle? Pero nangako na si Khrysthelle na kakalimutan na niya ang nangyari. Hindi ko rin alam kung bakit bigla nalang din siyang naging mabait sakin. Pero diba sabi naman nila kung ano yung napanaginipan mo, kabaliktaran naman ang totoong mangyayari? Sana nga totoo yun.
Napatayo nalang ako at tinali yung buhok ko bago bumaba ng kwarto upang mag-almusal. Nadatnan ko si Mama sa kusina at si Kuya nakaupo sa sofa.
"Ma. Wala ka bang balak makipag-ayos kay Papa?" Tanong ko sa kanya pero sinamaan lang niya ako ng tingin.
"Ma naman. Sige na. Patawarin mo na si Papa" pakiusap ko pero hindi parin niya ako pinapansin.
"Kheazy. Pwede ba tumigil ka na. Ok?" Sabi nito, padabog akong naglakad palapit kay Kuya, pero hindi pa ako nakakalapit ay biglang nagring yung doorbell namin.
"Ako na po" sabi ko bago naglakad upang buksan yung pinto. Pagbukas ko ng pinto wala akong nakitang tao doon, napakunot-noo ako.
"Yung hangin? Nag-doorbell?" I smirked, papasok na sana ulit ako pero may napansin ako sa tabi ng halaman namin.
Bumilis agad yung tibok ng puso ko ng makita ko ang napakagandang bouquet doon. Kinuha ko yung pumpon ng bulaklak at pinagmasdan ko iyon. Napangiti agad ako. Ngayon ko lang naalala.
Valentines Day na pala. Ang sweet naman ni Dra—Pakiramdam ko nabitin ang tibok ng puso ko ng mabasa ko yung notes.
"Maaaaaa!!!" Sigaw ko, agad namang tumakbo palapit si Mama sakin at maging si Kuya.
"Bakit ka ba sumisigaw diyan!" Inis na wika ni Kuya sakin. Napasimangot ako bago pinakita yung notes na nandun sa bouquet.
Napatingin ako kay Mama.
"Si Mama. May secret Admirer." Nakangiting wika ko bago inabot sa kanya yung bouquet. Kinuha naman niya ito at binasa yung notes.
Happy Valentines, khrys.
Fr: Admirer.
Bigla nalang napangiti si Mama kaya nagkatinginan kami ni Kuya.
"Ma. Kaya ba ayaw mong patawarin si Papa dahil may iba ka na?" Tanong ko sa kanya.
"Bakit ba kailangan niyong ipagpilitan sakin ang Papa niyo? Iniwan niya ako noon. Hindi na ba ako pwedeng maging masaya ngayon?" Paliwanag ni Mama bago pumasok sa loob ng bahay. Napailing nalang ako. Maglalakad na sana ako ng bigla akong hilain ni Kuya kaya naman napasubsob ako sa dibdib nito. Tiningala ko siya, bigla nalang kumislot ang dibdib ko.
"Ano bang problema mo, Kuya?" Inis na tanong ko pero hindi inis ang nararamdaman ko. Parang kasing nakuryente ako sa hawak nito sakin.
"Nothing!" Cold na wika niya bago naglakad palayo sakin, pero napahinto ulit ito bago tumingin sakin.
"Tulungan mo ako" sabi nito sakin bago lumapit sakin at may binulong. Napangiti nalang ako.
Nagtungo na ako sa kwarto ko upang ihanda ang uniform ko nang biglang nagring yung phone ko.
"Yuri, Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Anong bakit? Nasaan ka na ba? Diba, tayo yung na-assigned sa wedding booth?" Sabi nito.
BINABASA MO ANG
Back Off, She's Mine (Under Revision)
Ficção AdolescenteI'm not jealous, but when something is mine. It's mine. ->Drake Alexander Montebello.