Chapter 31: Kiel is ?

69.1K 1.9K 199
                                    




"Drake, Noooo!!!"

Napabalikwas kaagad ako dahil sa lintik na panaginip na yon. Napahawak ako sa dibdib ko na sobrang lakas ng kabog nito kasabay nito ay tumambad ang lalaking walang damit pero naka-boxer siya. Pakiramdam ko mahihimatay na ako.


"Drake, please. Wag!" Sigaw ko. Hinawakan ako niya sa kamay.


"Kheazy! What's happening to you, why are you shouting?!" Nagtatakang wika niya habang hawak-hawak ang magkabilang kamay ko.


"Kheazy! Wake up! Ano ka ba!" Sigaw nito. Doon lang ako natauhan. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nakatingin kay Drake na halatang nag-aalala.


"What happened?" Nagtatakang tanong nito sakin. Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago nagsalita.


"Water, please!" Sabi ko, tumakbo naman ito patungo sa kitchen, pagbalik nito may dala na siyang tubig. Inabot niya kaagad ito sakin.


"Salamat" sabi ko. Napahawak ulit ako sa dibdib ko. Umupo si Drake sa tabi ko at marahang hinahagod ang likod ko.



"Ikaw naman kasi, hanggang sa pagtulog ba naman iniisip mo parin ako" sabi nito. Sinamaan ko siya ng tingin.


"Dun nalang tayo sa kwarto matulog, atleast nakikita mo ako kaysa naman sa iniimagine mo ako, konsensiya ko pa kung mabangungot ka" Natatawang wika nito bago tumayo, dinampot ko ang unan sa tabi ko sabay bato sa kanya.


"Hindi kita iniimagine, wag ka ngang mayabang diyan! sadyang minulto lang ako ng kaluluwa mo!" Inis na wika ko sa kanya, tinawanan lang ako nito bago pumasok sa kwarto niya.


Aish! Nakakatakot yung panaginip na yun. Sht! Muntik na akong binangungot. Sumunod nalang ako sa kanya baka bangungutin na naman ako. Ayoko na. Pumasok ako sa kwarto nito at pinanindigan ko na nga ang pagtatabi namin. Siyempre naglagay ako ng unan sa pagitan namin. Naniniguro lang.


Nagising ako dahil sa liwanag na tumatagas mula sa bintana ng kwarto. Parang ayoko pang tumayo. Ang sarap kaya matulog lalo na kung ganto-may kayakap ka. Hihihi.


Huh? Kayakap? Wait-


Dahan-dahan kong dinilat ang mata ko at tumambad ang gwapong mukha ni Drake habang mahimbing ang tulog nito pero ang masaklap nun, nakayakap siya sakin.


Sandali-saan napunta yung unan. Ohmygod!


Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay nito na nakayakap sakin pero mas hinigpitan lang niya ang pagkakayakap. Wala akong ubang magawa kundi pagmasdan lang ang mukha nito. Bigla akong napangiti, bumilis ulit ang tibok ng puso ko.

Napaka-inosente niya kapag tulog.

"I Love You-"literal akong natigilan sa sinabi niya "Thelle" patuloy niya, naramdaman ko ang karayom na unti-unting tumutusok sa dibdib ko. Masakit-ewan ko kung bakit ako naluha sa sinabi niya.

Thelle? his first love and great love as well. Hindi ko napagilan ang sarili ko. Pinilit kong kumawala sa pagkakayakap ni Drake.

Kinuha ko kaagad ang gamit ko bago limabas sa Unit nito, dumiretso na ako sa Hospital dahil ngayon ang operasyon ni Mama. Hindi muna ako papasok sa School ngayon.

"Kuya. Ngayon na ba isasagawa yung operasyon ni Mama?" Tanong ko. Tumango ito sakin.


"Kuya salamat" sabi ko sabay hawak sa balikat nito.

"Aw!" Tugon niya, nagtataka ako kung bakit siya nasaktan nung nahawakan ko ang balikat nito.

"Sir/Ma'am. Uumpisahan na namin ang operasyon. You may now proceed to laboratory room to test you blood" paliwanag nung doctor, tumango nalang kami.

Back Off, She's Mine (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon