Chapter 32: Danger

68.3K 2.1K 378
                                    



"Tarantado ka talaga! Gusto mo ba akong patayin hah!" Inis na wika ko bago siya hinampas ng bag. Natawa lang ito sakin.



"Ano bang tinatawa-tawa mo diyan!" Sigaw ko sa kanya, habol ang hininga ko paglabas ng bakuran na yun.

Tangina! Naglalakihang mga ahas ang tumambad sa harapan ko. Putcha! Gusto talaga niya talaga akong atakihin sa puso. Urgh! Nakakainis talaga tong lalaking to. Kung bakit ko pa kasi siya nakilala.


"Naaalala mo na ba ako?" Tanong niya sakin. Tinignan ko lang siya ng masama.



"Sa tingin mo may maaalala pa ako ngayong binungad mo sakin yang bwiset na mga besssss na yun!" Sigaw ko sa kanya.



"Anong bessss?" Nagtatakang tanong niya sakin.


"Bess. Ibig sabihin nun Ahas, minsan kasi may mga tinuturing kang besss-pren pero hindi mo alam inaahas ka na pala" paliwanag ko.



"Hugot ba yan?" Tanong niya sakin.


"Nope. I'm just telling the truth" sabi ko.


"Ok. Nevermined" sabi niya.


Napahugot ito ng malalim na hininga bago niya ulit ako hilain papuntang-Di ko alam.


"Nasasaktan ako, Kiel. Wag mo naman akong hilain! Ano ba!" Inis na wika ko sa kanya.


..
Huminto ito at mataman niya akong tinitigan. Dahan-dahang gumuhit ang ngiti sa labi niya. Ngumuso ito.


"Huh? Kiss?" Gulat na tanong ko. Pinanlakihan ko pa ito ng mata. Nagulat ako ng bigla niya akong hapitin sa bewang at mataman tumitig sakin, naramdaman ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko.


"Bakit, gusto mo ba?" Sabi niya habang hawak-hawak padin ang bewang ko. Hindi ako makapagsalita dahil pinapangunahan ako ng kaba ko.


Sht! Bakit ganto yung nararamdaman ko sa kanya? Nakakainis!


"Bitawan mo nga ako!" Inis na wika ko sa kanya. Ngumiti ito bago niya ako binitawan. Infairness! Uso sa kanya ang happiness hindi katulad ni Drake nung una ko siyang nakilala. Parang galit sa mundo.



Ginaya niya ulit ako sa isang bakuran. Literal akong natigilan ng makita ko ang malaking buwaya sa may pond. Pakiramdam ko nanigas ang buong katawan ko, inakbayan ako ni Kiel.



"Wag kang matakot, nandito naman ako eh" sabi niya. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko pero-waahh! Buwaya yan eh.



"Alam kong takot ka sa buwaya" sabi nito. Napakunot-noo akong tumingin sa kanya.



"Paano mo nalaman na takot ako sa buwaya?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Hinarap ako nito habang nakatitig sakin.



"I told you i was your hero" sambit niya. Tinitigan ko siya ng mabuti.


"Ano? Naaalala mo na yung AKO?" nakangiting wika nito habang nakapamewang sa harapan ko. Napalunok ako ng ilang beses sa tanong niya. Hinawakan ko ang Chin nito at chinecheck ang bawat anggulo ng kanyang mukha.



"Hey! Anong ginagawa mo?" Tanong nito sakin. Hinampas ko ang kamay nito na hahawak palang sana sa braso ko.



"Ikaw ba yan?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Ngumiti ito.



"Naaalala mo na ako?" Tanong niya ulit.



"Oo-ikaw si Kiel" sagot ko. Napahawak ito sa batok niya at mukhang dissapointend sa sinabi ko.



Back Off, She's Mine (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon