We need to find his sibling, dad
Hindi ko parin maiwasan ang alalahanin yung narinig ko mula sa magulang ni Drake. Sino kayang tinutukoy nilang kapatid?.
"Are you ok?" Tanong ni Drake sakin habang nagda-drive. Tumango lang ako.
"What is your favorite song, My Queen?" Tanong niya.
"Statue" sagot ko agad, ngumisi lang siya. Maya-maya pa ay naglakas loob akong tanungin siya sa bagay na narinig ko kanina.
"Do you have sibling?" Tanong ko nguni umiling siya.
"Iisa lang ang tinuring kong kapatid" patuloy niya.
"Sino?" Nagtatakang wika ko, pero hindi na niya ako sinagot. Nanahimik nalang siya hanggang sa makarating na kami sa bahay namin.
"Sige, mag-iingat sila sayo" nakangiting wika ko nang nakababa na ako sa kotae niya, ngumiti lang ito.
Pinagmasdan ko lang ang kotse niya na papalayo, pagkatapos nun ay pumasok na ako sa bahay.
Nagpalit muna ako ng suot bago nahiga. Nakatingin lang ako sa kisame habang iniisip kung sino yung tinutukoy ng magulang niya.
Baka si Drake ang may kapatid? Pero sabi niya wala daw? Hay! Ang gulo. Matulog na nga lang ako.
----
"Guys! Have you heard the news?" nakangiting wika ni Yuri na palapit palang samin.
"Ano yun?" Nagtatakang tanong namin.
"May music battle next week, at alam niyo ba kung sino ang maglalaban?" wika niya.
"Sino?" Tanong naman ni Pam, talaga itong si Yuri napaka-tsismosa.
"Mysterious Four Band and Stallion Band" wika niya, napatalon naman si Dave at Pam pero ako muntanga lang.
"Huh?" Saad ko, hinampas ako nung dalawa.
"Aray! Malay ko ba kung sino yang mga Stallion band at Mysterious chuchu na yan?" irap ko sa kanila.
"Mysterious chuchu pala ha" sagot nung lalaking nasa likuran ko, alam ko na kung sino siya dahil pabango palang niya alam na alam ko na.
"Oh! Sino ba kasi sila?" Tanong ko sa mga ito, walang nagsalita ni isa.
"Ok fine" padabog akong nagtungo sa room pero sinundan ako ni Drake.
"My queen" tawag niya sakin pero hindi ko siya nilingon.
"My queen" tawag niya ulit. Nakakainis kasi yung boses niya. Nakakaakit! Hatik na yan.
"Ano ba yun? My queen ka ng queen diyan!" Tanong ko habang nakakunot ang noo kong nakatingin sa kanya.
"Gusto mo bang malaman kung sino yung Mysterious Four Band na yan?" Tanong niya sakin.
"Ayoko!" Wika ko kaya hindi na siya nagsalita pa.
.
"Kain tayo" pagyaya nito sakin, hindi na ako tumanggi dahil nagugutom din naman ako eh.Habang naglalakad kami ay nakasalubong namin sila Irish kaya hinapit ni Drake ang bewang ko na siyang ikinabilis ng tibok ng puso ko, kinindatan din ako nito.
BINABASA MO ANG
Back Off, She's Mine (Under Revision)
Fiksi RemajaI'm not jealous, but when something is mine. It's mine. ->Drake Alexander Montebello.