Dedicated to BangtanVelvet123—————
Napaupo kaagad ako sa tabi ni Drake pagkatapos ng usapan namin ni Kuya. Sobrang kinakabahan ako dahil sa mga narinig ko.
"Hey! What happened?" Tanong sakin ni Drake, pinilit nitong umupo ng maayos.
"I don't know. Drake, kinakabahan ako. Baka may nangyaring masama kay Kuya, bakit ayaw niya akong pauwiin ngayon. Sabi niya—sabi niya aasikasuhin daw niya yung ewan ko" naguguluhan wika ko.
"Si Andy?" Napangiti siya "Mas malala pa yata yun kesa sakin eh" sabi nito. Napakunot-noo ako sa sinabi niya.
"Hah? What do you mean?" Tanong ko pero hindi na siya sumagot.
Hindi ako makatulog dahil nag-aalala ako kay Kuya, nakailang dial na din ako sa number nito pero hindi siya sumasagot. Napatingin ako kay Drake na mataman nakatitig sakin, binagsak ko ang katawan ko sa kama nito habang nakatitig parin sa cellphone ko.
"It's already midnight. Hindi ka pa ba matutulog?" Sabi niya sakin.
"Bakit ikaw hindi ka pa matulog?" Tanong ko naman sa kanya. Hindi ko siya magawang iwan dito sa kwarto nito dahil may lagnat parin siya hanggang ngayon pero buti nalang hindi na siya ganon kainit hindi kagaya kanina.
"Hindi ako inaantok eh" sagot niya sakin.
"Matulog ka na, kailangan mong magpahinga" sabi ko sa kanya. "Dito nalang ako sa lapag matulog" patuloy ko.
"Bakit? Pwede ka namang matulog sa tabi ko ha" wika niya, umusog siya ng konti.
"Ayokong mahawa sayo noh" irap ko sa kanya bago tumayo. Wala na siyang magawa. Kinuha ko yung manipis na foam sa isang closet nito at iyon ang nilapag kong higaan ko.
Kahit anong pilit ko hindi talaga ako makatulog, iniisip ko parin si Kuya. Ano kayang nangyari sa kanya, bakit ganito yung nararamdaman ko? Kinakabahan ako.
Dahil ba ito kay kuya o dahil sa presensiya ni Drake? Hay ewan.
————
Paggising ko kinaumagahan hinanap ko kaagad si Drake pero wala na siya dito sa kama niya, nagmamadali akong niligpit ang higaan ko bago lumabas ng kwarto nito. Nagtungo ako sa kitchen at nakita ko siyang nagluluto doon. Pinagmasdan ko lang siya habang nagluluto dahil—sobrang gwapo nito, hindi ko tuloy mapigilang mapangiti.
"Hindi ka ba nangangawit diyan na nakatayo?" Sabi niya sakin ng hindi nakatingin sakin.
"Paano mo alam na nandito ako?" tanong ko sa kanya, he glance at me with his intimidate look, ako nalang ang umiwas sa nakakatunaw niyang tingin.
"Because my heart is throbbing when you near me" sabi niya habang nakangiti.
I felt my cheek turned red. Sht! I never expect na sasabihin niya yan sakin. Hindi ko nalang siya pinansin, umupo nalang ako sa silya.
"Ok ka na ba?" Tanong ko sa kanya nang bumalik ito sa pagluluto, hindi niya ako sinagot. Napa-smirked nalang ako.
"Drake, i'm asking you. Ok ka na ba?" Tanong ko ulit pero hindi parin siya sumagot.
Napabuntong hininga ako bago lumapit sa kanya. Pinaharap ko ito sakin at sinapo ang kanyang noo.
"Good. Madali ka lang pala gumaling eh" nakangiting wika ko, aalis na sana ako ng biglang niya akong hapitin sa bewang. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Halos hindi na ako makahinga sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Wala na akong ibang naririnig kundi ang tibok ng puso ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/88219743-288-k477065.jpg)
BINABASA MO ANG
Back Off, She's Mine (Under Revision)
Teen FictionI'm not jealous, but when something is mine. It's mine. ->Drake Alexander Montebello.