Chapter 28: Yes or No?

81.2K 2.4K 433
                                    

Dedicated to MelissaArnan

ThankYou for your support. Pansin ko kasi talagang sinusubaybayan mo yung #BOSM.

Keep Supporting guys. Labyu.

————

Pinapanood ko lang si Drake habang sinasalinan ito ng dugo pero hindi parin nawala sa isip ko yung pangalang nakatatak sa blood pack. Imposible namang si Kuya iyon dahil hindi naman AB+ ang Blood type namin. Napahilamos ako ng mukha bago lumapit kay Drake.

"Ano? Ok ka na ba" tanong ko sa kanya habang pinapump nito ang hawak niyang stress ball.

"Lagi naman akong ok basta nakikita kita" kinindatan pa niya ako. Yikes! Kinikilig ako. Ano ba!

"Tigil-tigilan mo ako hah, hahampasin na talaga kita" inis na wika ko sa kanya. Akmang lalayo na ako sa kanya pero hinawakan nito ang kamay ko. Naramdaman ko na naman ang kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko.

"Aminin mo nga sakin, Bakit ka ba palaging nandito? Hindi mo ako matiis dahil ako ang totoong mahal mo at hindi si Blake" natigilan ako sa sinabi niya.

Aaminin ko nga ba na mahal ko siya, nag-aalala ako para sa kanya. Hindi ko siya kayang iwan mag-isa dito?

"Wag kang assuming, nagpunta ako dito dahil nangako ako kay Tita Dana. Si Blake padin ang mahal ko" Sambit ko. Naramdaman ko ang pagluwag ng kamay nitong nakahawak sa pulsuan ko. Masakit din para sakin ang sinabi ko pero gusto ko lang makasigurado. Ayoko ng mag-assume na mahal niya ako dahil ako ang nag-aalaga sa kanya, nakatatak na kasi sa utak ko na hanggang ngayon mahal parin niya yung first love niya.

"I'm sorry, ayos lang naman na hindi ka magpunta dito araw-araw" iyon ang lumabas sa bibig nito. Tinitigan ko lang siya habang nakahiga.

"Hindi pwede. Nangako ako sa Mommy mo, pasalamat ka hindi ko.pa sinasabi sa kanya ang totoo" sagot ko naman kaya nanahimik na siya.

Ilang araw pa ang nakalipas nang makalabas na siya sa Hospital. Dinala na namin siya sa Condo Unit niya, kasama ko ang mga kaibigan niya dahil dumalaw sila sa kanya. Nalaman na kasi nila ang nangyari sa kanya dahil palagi siyang wala sa klase.

"Sige. Mauna na ako, kayo ng bahala sa kanya. Kapag nangulit ulit tuluyan niyo na" wika ko sa mga kaibigan niya. Natawa naman ang mga ito.


"Hindi na namin kailangang gawin yon' dahil sayo palang patay na—Ralph!" Wika kaagad ni Drake kaya hindi na naituloy ni Ralph ang sasabihin niya.

"Pwede bang iwan niyo muna kami, may pag-uusapan lang kami" utos ni Drake sa kanilang tatlong, nagkatinginan lang ang mga ito.

"Private ba? Paki-share naman oh!" Pang-aasar pa ni Denver. Sinamaan siya ng tingin ni Drake kaya kusa na silang lumabas.

"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko sa kanya, nakatitig lang ito sakin habang nakapamulsa. Maya-maya pa ay inabot nito ang kamay ko at hinawakan nito, napatingin ako sa kamay naming dalawa.

Nakayuko lang ako dahil pakiramdam ko may nangingilid na luha sa mata ko.

"Kheazy, Salamat sa pag-alaga sakin, sa kabila ng sakit na nagawa ko sayo. Kapakanan ko parin ang inisip mo, hindi ka nagpatalo sa galit mo sakin. I'm sorry sa nagawa ko" sabi niya at bigla nalang niya akong niyakap. Naiiyak na talaga ako, tumingala ako upang hindi tumulo ang luha ko.

"Walang anuman, Ipinangako ko iyan sa Mommy mo. Siguro naman pwede ko ng sabihin sa kanila na puntahan ka nila dito" wika ko sa kanya. Kumalas ito sa pagkakayakap.

Back Off, She's Mine (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon