Chapter 16: Brother

80.9K 2.6K 377
                                    


Kheana Zaila's POV.




Parang tinutusok ng milyon-milyong karayom ang puso ko sa ginawa ko. Hindi ko inaasahan na ganito pala ang sakit na maidudulot sa akin ng pakikipaghiwalay ko kay Drake.



Pakiramdam ko ang tagal kong nakarating sa Hidden Place ko. Umupo kaagad ako at niyakap ang sarili kong tuhod. Nakayuko. Hinayaan ko lang na tumulo ang luha ko para mailabas ang sama ng loob.





Nakayuko lang ako, maya't-maya pa ay nakarinig ako ng ingay na nagmumula sa mga dahon na waring natatapakan iyon. Hindi ko nalang pinansin hanggang sa may nag-abot sakin ng panyo.





Bahagya kong iniangat ang ulo ko at nakita ko ang bulto ng isang matangkad na lalaki. Medyo malabo ang paningin ko dahil sa luhang umaagos parin sa mata ko. Umupo siya at doon ko nasilayan ang kanyang mukha.






"Blake" bulalas ko. Siya na mismo ang nagpahid sa luha kong kanina pa umaagos sa pisngi ko.





May hinanda akong panyo kaso hindi ko na alam kung nasaan.





"Why did you do that?" mahinang tanong niya bago hinawakan ang chin ko.





"Because—because i don't want to hurt someone" malungkot na wika ko, binigay na niya yung panyo niya sakin kaya kinuha ko na. Kaysa naman sa singhot ako ng singhot sa harapan niya. Mas lalong nakakahiya.





"I'm sorry, Kheazy. I'm so sorry" wika niya sabay yakap sakin.





Parang naghilom ang sakit sa dibdib ko ng yakapin ako ni Blake. Tama nga ba? Siya nga ba ang pwede kong mahalin?





"Thanks for comforting me, Blake" saad ko habang magkatabi kami.





"Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya sa pakikipaghiwalay mo kay Drake" sagot niya habang nakatitig sakin.





Masaya din ba ako sa ginawa ko?





"Ginawa ko lang ang dapat Blake, ayokong maniwala sa isang kasinungalingan lamang" paliwanag ko.








Medyo ok na din ang pakiramdam ko dahil siguro sa presensiya ni Blake.






"Bakit ka nga pala nandito? Paano yung music battle?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.






"Mas importante ka kaysa sa music battle" sa kabila ng bigat ng dibdib ko ay nagawa padin niya akong pangitiin.





"See, your smiling" nakangiting wika nito sabay akbay sakin.






"Huy! Chinachansingan mo na ako ah" sita ko sa kanya dahil kumportable na itong nakaakbay sakin.






"Grabe ka naman, hindi ko naman yun gagawin sayo, i'm just comforting you. Masama ba yun?" depensa niya kaya hinayaan ko nalang.






Inabot kami ng ilang oras doon, bago kami nagpasyang lumabas sa Hidden Place. Nakayuko ako habang naglalakad dahil natatakot ako na baka makita ko si Drake.






Hindi nga ako nagkamali. Dahil pag-angat ko ng ulo ay nakita ko si Drake. Nakangiti. Parang walang bakas na lungkot sa mukha nito.






Sht! Ganito ba talaga siya kasaya dahil wala na ako sa buhay niya. Siguro nga tama ang mga narinig ko sa resort nila, kailangan niya lang ng taong tutulong sa kanya upang makapag-move on, dahil wala na ako sa tabi niya naghanap na kaagad siya ng iba. Ako lang pala yung nasaktan sa ginawa ko.




Back Off, She's Mine (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon