Chapter 23: I Love You Too?

92.7K 2.7K 407
                                    

"Saan ka galing?" Bungad ni Kuya habang nakatingin ng diretso sakin.


"Gumawa po ng Assignment" sagot ko pero parang hindi parin ito nakuntento sa sagot ko.



"Yung totoo" wika niya ulit.


"Totoo naman po eh" sagot ko ulit.



"Sinong kasama mo?" -Kuya Andy.



"Kaibig—Huwag kang magsinungaling, Kheazy, nakita kitang kasama mo si Drake" nasapo ko kaagad ang noo ko sa sinabi ni Kuya.






"Kuya, gusto ko munang magpahinga" mahinang wika ko pero hinarangan niya lang ako sa dadaanan ko.





"Are you trying to ignored what i've said last time, Kheazy? I told you to avoid that bastard!" Sigaw nito sakin na siyang ikinagulat ko.





"Magmula ngayon, Kuya. Hindi na kita susuwayin" sambit ko lang bago nagtungo sa kwarto ko. Napahiga kaagad ako.





That freakin blurred image! Fvck!.




Ilang minuto ang pagmamaktol ko ng makaramdam ako ng guton kaya bumaba ako pero hindi pa ako nakakarating sa kusina narinig kong may kausap si Kuya.




"Yes, sweetie. Wait for me"




Natutop ko ang bibig ko sa sinabi niya. Sweetie? Ibig sabihin sila na nga ni Pam? Hindi ko maiwasang mapangiti sa narinig ko. Sweetie pa talaga? Ow. Ang sweet naman ng kuya ko.





Nakita kong kinuha nito ang susi ng sasakyan namin kaya hindi ako nagdalawang isip na sundan siya, gusto kong makita kung paano mamula ang pisngi nilang dalawa. Haha!






Pagkalabas ni Kuya sa gate namin ay pumara kaagad ako ng taxi.




"Kuya, pakisundan po yung kotse na yon" sambit ko sa driver.




"Boyfriend mo ba yun?" Tanong agad ni Kuya driver.




"Hindi po ah. Kapatid ko po" tugon ko.





"Sus! Palusot ka pa ineng, halata namang hindi kayo magkapatid" nagulat ako sa sinabi ng driver. Aish! Bahala ka. Di porke gwapo si Kuya eh.





"Hay naku, Manong. Basta sundan niyo nalang po siya" Inis na wika ko.





"Mga kabataan nga naman oh" napailing-iling si Manong.



Huminto si Kuya Andy sa tapat ng isang Restaurant.





"Manong dito na po" agad na wika ko sa driver kaya napahinto naman ito. Nagbayad na ako bago bumaba ng taxi.




Naisipan kong itext si Pam at i-congrats, finally! They're now officially.



To: BhestPam.



Congrats Pam, I'm so happy for you. Enjoy the night:)




Iyan ang text ko kay Pam.




Nakangiti akong sumunod kay Kuya, nakita kong umupo sa gilid, parang may hinihintay ito. Nakatingin lang ako sa kanya ng biglang may bumangga saking babae.



"I'm sorry, Ms." Paumanhin niya, nginitian ko lang din siya dahil nakakaakit ang ganda nito. Parang napaka-inosente ang mukha niya.




Back Off, She's Mine (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon