Chapter 6: Slave or Slave?

120K 3.6K 903
                                    


"Saan ka ba galing?" Bungad sakin ni Pam.


"Diyan lang" sagot ko bago naglakad patungo sa proper seat ko, hindi na rin muling nagtanong si Pam sakin.


After an hour tapos na ang klase namin, nagpaalam na din ang mga kaibigan ko sakin dahil hinhintay na daw sila ng mga sundo nila.



Mag-isa akong naglalakad palabas ng Campus ng harangan ako ni Irish at ang mga alipores nito, they are all staring at me na parang ang bigat ng kasalanan ko sa kanila, naglakad sila palapit sakin.


"Hi" nakangising wika ni Irish sakin.


Nginitian ko lang din siya ng pilit bago napahawak sa strap ng bag ko, lumihis ako ng daanan pero sadyang nasa mood yata silang pagtripan na naman ako katulad ng ginawa nila sa Comfort Room, nahagip nito ang braso ko.


"Oh' leaving so fast" nakangising wika nito, pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko pero sadyang mahigpit iyon. Nagkatinginan pa silang apat at nakangiti.


"Why are you avoiding me, anyway?" nakangiting wika nito.


"Irish, please, let me go" tugon ko habang hawak-hawak nito ang braso ko.



"Hindi ka pa ba aalis sa School na to! Masyado ka ng pabida." Galit na wika niya bago ako hinila papuntang pathway, since uwian na ay madaming ng estudyanteng nakakakita samin, sa gingawa nito sakin ngunit kahit isa walang naglakas ng loob upang tulungan ako.

"Your dead transferee, hindi ka nababagay dito. Hindi katanggap-tanggap dito ang malalanding kagaya mo!" galit na wika ni Camille sakin.


"Napakalandi mong babae ka, may gana ka pa talagang gamitin yang damit ni Blake hindi ka na nahiya! Bakit? Akala mo siguto may gusto sayo yung tao no? Nagkakamali ka dahil tiyak na may plano yan sayo" Nalilisik na ang mata nito pero hindi ko nalang iyon pinansin, pupulutin ko na sana yung ID ko na kabibigay lang kanina pero biglang sinipa iyon ni Shaine.



Panalangin ko nalang na sana may tumulong sakin kahit isa lang sa mga estudyanteng nakatingin sakin, pero wala—wala talagang gustong tumulong bagkus ay pinagtatawanan pa ako.


Is this school or hell?


Napatingin ako kila Irish na naka-closed arm lahat sa harapan ko at nakangisi ng nakakaloko, maya't-maya pa ay biglang nag-iba ang ekpresyon sa mukha nila, halatang gulat at kinakabahan.


"Drake" pabulong na wika ni Irish, agad nitong binitawan ang mahigpit na pagkakahawak niya sa kamay ko. napalingon ako sa likod ko.



Natigilan ako ng huminto ito sa harapan ko at nakapamulsa. Nakatitig lang siya sakin.



Sana lang tulungan niya talaga ako pakiusap, gusto ko ng makaalis dito.


"I'm sorry, it was an accident" Halatang kinakabahan ang boses ni Irish, maging ang mga kaibigan nito ay halatang natataranta din ng makita si Drake.


Naramdaman ko ang pagbuntong hininga ni Drake at pinukol ang tingin sa mga babaeng nasa likuran ko.


"Kayong apat, Come here beside me" kalmado ang boses niya, agad na ngumiti ang mga ito at nagpuntahan sa tabi ni Drake.


So? Ako ang talo dito? Wtf!


"Thank you Drake, it was her fault hindi naman namin balak gawin sa kanya yan e' pero siya ang unang sumugod samin" pagsisinungaling ni Irish, lumapit sa kanya yung babaeng pumunas ng pawis niya noon.


Back Off, She's Mine (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon