Part 1

2.2K 28 4
                                    


Bakit ba kasi me natira pang picture nya? Kala ko naitapon ko na lahat yun. Haist! Minsan nabuhay din ako na umiikot lang sa kanya ang buhay ko. Kaloka! Hindi ko akalain na darating ang panahon na pipilitin kong makalimutan sya. OO...as in erase erase na ang pagiging fanatic ko. Nakakapagod rin pala. Habol ka ng habol... Mapansin ka man nya, saglit lang... Tapos ano, mangagarap ka ng gising na sana makapiling mo man lang sya kahit isang araw na kayong dalawa lang. Puro nalang pangarap, wala namang ganap. Tapos itatago mo pa sa ilalim ng unan mo picture nya, baka sakaling kahit sa panaginip man lang ay makapiling mo sya. Pero pag-gising mo, nganga! Haist... Tapos magpapatuloy ka sa buong araw mo sa kakainternet at kakastalk sa lahat ng account nya. Mapa FB, twitter o Instagram. Hindi pwedeng me malampasan kang picture o post nya. Pati fanfic sa wattpad, pinatos mo pa!. Tapos ikaw tong gaga, mag cocomment na "idol, ganda mo talaga. Pusuan mo lang to please...." Natapos nalang ang buong araw, ni ha or ho or like man lang. Nada! Ayaw ko ng maging fan! Peksman, never again!

"Jovs!" tawag ni jen na bestfriend ko. "Kanina pa kita hinahanap.." at umupo ito sa tabi ko.

"Ano ba kasing meron?'

"Nood tayo....Oo...alam kong sinumpa mo ng hindi manonood...kaso sayang naman kasi tong ticket.. PSL grand prix.. ringside pa man din..."

"E kala ko ba kasama mo na yung pinsan mo?'

"Hindi kasi nakaluwas...Biglang kinailangan nyang mag overtime sa hospital sa bicol at biglang nagleave kasama nya..."paliwanag nito. "Sige na Jovs... Samahan mo lang ako..kesa naman masayang itong ticket.."

"Iba nalang ayain mo..."

"Eh alangan naman yung nanay ko...sabihin pa non bakit ako nanonood at nagsisisigaw don... Jovs....please... Libre kita ng pizza... or kahit anong gusto mong kainin dun..... Mas okey ka kasing kasama at hahayaan mo lang ako magsisisgaw doon..."

Napalingon ako sa kanya. Desperadang babae. Tsk..tsk.. Ito nga rin ang isang dahilan kung bakit ayaw ko ng maging fan... Gagawin mo lahat, makapanood lang. "Sinabi mo yan ha....Snack at dinner!"

"Oo na...so game ha...alam ko naman na fantard ka na ni Daquis pero ako never ko magagawang ipapagpalit ang idol ko. Kaya kahit anong hiling mo, game ako!"bulalas nito.

________

Flying V Arena, San Juan.

Petron Vs RC Cola..

Sobrang daming taong nanonood... Iba na talaga ang volleyball ngayon, sobrang dami ng nahuhumaling...at nagsisulputan din kung anu-anong fans club.. Parang kelan lang at part din ako sa mga fans club na yan... Yung tipong magdadala ka ng tarp at iwawagayway mo sa tuwing makakascore si idol... at pagtapos ng game... habol habol ka, para makapagselfie man lang na kasama sya. Minsan pa nga malapit na kong makipag-away dahil me sumingit pa sa pila ko. Haist... buhay nga ng isang fan... Masaya ka na makuha man lang ang autograph or picture nya. Feeling mo inspired ka.. at magsusumikap ka tulad ng idol mo. Kaloka... Parang ewan lang ano? Pero bakit di naman ganon epek sa kin? Nagawa ko pa ngang idrop yung isang subject ko. At yung feeling mo me talent ka sa volleyball, pero kulang nalang isuka ka ng coach mo sa pagiging bench girl mo lagi. Ipasok ka man, sa serve mo palang out na. Hahay!!! E di nganga!

"Jovs...pagkatapos nito...Abangan natin si ate Rachel ha..."sabi ni Jen ng malapit ng matapos ang game.

"Sus.... Ikaw nalang... Hintayin nalang kita sa kotse..."

"Jovs...Malay mo... Bumalik pagiging fanatic mo sa kanya?"

"Pwede ba, hindi kasama sa usapan natin na pilitin mo ako ha!"

"Okey...Fine...Whatever!" taas kamay nito.

Ilang minuto lang din...

"Yes!!! Si idol ang last point!" sigaw nito ng matalo ng RC cola ang Petron in straight sets.

"So masaya ka na?' natawa nalang ako.

"Super! Teka Jovs... Hahabol na ko!!!" at agad itong nagmadaling makalapit ke Daquis.

____

Buti nalang at una kong nailabas ang sasakyan bago magsilabasan ang mga tao. Asan na ba kasi si Jen. Tagal naman nya. Nagugutom na ko.. Haist!

Blag! At me pumasok sa likuran.

"Hay Jen! Kanina pa kaya ako...Bakit ang tagal mo?" singhal ko dito.

"Hi!... Okey lang ba... Pakidrive lang sa me likuran.." ibang boses ang narinig ko at hindi ke Jen kaya napalingon ako.

"Daquis?" gulat ko sa mala dyosang nakasakay sa likuran ng kotse ko.

"Sorry pero nagkagulo kasi mga fans at natanggal yung harang.... Ayan na sila!" turo nito sa labas na nagkakagulo nga mga fans at patungo silang lahat sa kotse ko. "Please.."

"Teka...Bakit ko naman gagawin yon?" alma ko.

Natigilan ito sa naging reaksyon ko. "Pakiusap..."

Napatingin nalang ako ulit sa labas at Sheetttt!!! Baka kuyugin ang sasakyan ko kaya madali kong pinaandar ito at nakaiwas kami sa mga nagsisipaghabulan na mga fans. Kinailangan ko munang ilabas mismo sa driveway at me harang yung papuntang likuran.

"Shet....Teka...Iikot nalang muna tayo... Bago kita ibalik don.." sabi ko nalang at nakafocus lang ako sa pagmamaneho.

"Thank you ha... "

"Sa susunod kasi, wag ka nalang humarap sa fans kung ayaw mo namang kuyugin nila..."

"Aba...Nag thank you naman ako... Sorry naman teh... Naabala ba kita?'

"Ah...hinde...."tawa ko. "Halata ba?" at buti nalang di gaanong traffic at nakabalik na ulit kami sa arena at nawala narin ang ibang mga fans na humahabol kanina.

"O sige... magkano ba?"

Napalingon nalang ako matapos kong ipark ang sasakyan. "Hindi naman ako naniningil, okey na.." Taray!!!!

"Hindi..babayaran kita...para wala akong utang na loob sayo.."pumilit nito.

Natawa nalang ako... "Aber.... Pano mo naman gagawin yan? E wala ka namang dalang bag o wallet man lang oh!"

Napalunok ito. "Kukunin ko lang sa loob..."

"Wag na.... Buti nalang pala..hindi mo na ako fan... Sama ng ugali mo.."

"Hoy.... Teka... Ikaw kaya ang nauna!... Maayos naman akong nakiusap sayo... E di sana hindi mo nalang pinaandar sasakyan mo!"

"Sira ka ba? Pano kung magasgasan kotse ko? Papalitan mo ba?"

"Akin ng phone mo!" utos nito.

"Bakit ko naman ibibigay sayo?"

"Akin na sabi eh!" at agad hinablot ang cellphone ko na nakalagay sa harap na upuan.

"Hoy! Magnanakaw kaba?"

"Teka lang!.... Password muna.." at ibinalik sa kin para iunlock ko. Matapos kong gawin yun, agad naman itong kinuha ulit at nagdial...

"Oh... Yang last dialed number dyan ang number ko.... Tawagan mo lang ako kung sakaling me gasgas kotse mo.."

Napangiti nalang ako.

"O anong nginingiti mo dyan?" irap nito.

"Mukhang ayaw mo pang bumaba...mataas ng metro mo..." ngiti ko.

Napangiti narin ito. "Babayaran ko yan... "

My Fanatic HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon