Part 19

834 22 0
                                    


 


"Okey na siguro to..." pansin ni Coach kungfu ng maidikit namin ang huling muscle tape para matakpan ang sulat sa kotse ko.

"Bibili nalang ako ng spray paint bukas para matabunan yan..."

"Jovs.... Nga pala... Me party sa kampo... Birthday ni Chel... Baka gusto mong sumama..." imbita nito.

"Err... Dyahe po coach..." nahihiya kong sabi.

"Dyaheng pano... Puro teamates nya lang andun... Tyaka... " napangiti ito. "Walang huhusga sayo dun... Karamihan nga sa players ko...me girlfriend... Hindi ka maiilang..."

"Hindi po kasi... Yung sa min..."

"Totoo man o hindi yung kumakalat ngayon....labas na ko dun...ang sa kin lang... Ayaw mo bang makasama si chel sa espesyal na araw ng buhay nya?"

"E...coach...baka kasi andun family nya..."

"E ano naman....di ka na mapapansin dun... Tyaka mukhang di naman yun darating... O tara na... Sunod ka sa kotse ko ha... Sige na..."

-------

"Coach... Err... Baka pwedeng...wag nyo sabihin ke daquis yung nangyari kanina...." nakasunod ako sa kanya paakyat kung saan dinadaos ang party ni Daquis.

"Ikaw bahala...pero sana magsabi ka sa kin pag me problema pa....late na yata tayo..." sabi nito ng madatnan namin silang nagtatawanan dahil nagspeech si Daqius sa harap ng mga kasama nya. "Maupo ka muna dun..." turo nya sa bakanteng upuan sa gilid.

"Uy.... I know you..." gulat ni tyang aby ng makita ako.

"Ahh...hi..." shocks... Hindi kaya ma OP ako dito?

"Lika... Tabihan mo na ako..." aya nito kaya umupo na ako sa tabi nya.

"Salamat po..."

"Mukha ba kong matanda para ipopo mo?"

"Ay...sorry po...err...sorry..."

"Haha...kaloka ka ha... In fairness... Ganda mo.." titig nito sa kin.

"Hindi naman..."

"Anong hindi...hindi magkakagusto si chel sayo kung d ka maganda... " ngiti nito. "Ingatan mo bff ko ha..."

Napalunok nalang ako.

"Natutuwa ako na masaya sya ngayon..." sabi nito habang pinanonood namin si daquis na nagsasalita parin. "Ng dahil sayo..."

"Ah..." wala akong masabi.

"Well ganyan naman lagi yan...kenkoy...pero sa mga nakakakilala talaga sa kanya... Makikita mo na me lungkot din...pero... Grabe!" sabi nito at napataas pa kamay. "Ibang klase ka...naalis mo yung lungkot sa mga mata nya..."

"Salamat po..at hangang ngayon...kung sakali man di na tayo magkakasama...alam kong.welcome parin ako dito...sa tagal ng panahon..mahal ko kayo...thank you talaga..." maluha luhang pagtatapos ni daquis ng speech nya.

"Teka muna!" singit ni Royce. "So totoo nga? Uyyy.... Nagblublush oh!" tawa nito.

"Ewan ko sa yo!" nakangiting sabi nito. "Thank you talaga team Army... " at naupo na ito sa tabi ni Royce sabay kurot dito.

"Wooowwww....we love you budai!" nagpalakpakan ang lahat.

"Hoy...nagbayad na ba kayo ng entrance fee!" hirit nito ng makaupo na.

"Hahaha....loka ka talaga!" tawa ni ate tina.

"Gusto mong tawagin ko?" sabi ni aby.

"Wag...wag na muna...okey lang ako... " pigil ko. "Dyahe kasi...di ko pa kilala karamihan sa kanila."

My Fanatic HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon