Part 10

823 27 1
                                    


 


Mahal na mahal kita.... Rachel.....

Paulit ulit kong naririnig ang mga katagang yun. Na parang tagos na tagos sa puso ko. Takte talaga! Isang buwan na ang nakakalipas at heto ako tila baliw parin sa kanya. Tapos ano, pag di sinasadyang magkita kami... Bibigay na naman ako! Juskelerd! Wag na wag lang kaming magkita!

"Uy... Te chel kanina ka pa? Me tune up game pala tayo ngayon..." sabi ni luan at umupo ito at nagsuot ng sapatos.

"Sino naman?"

"Ust.."

"Ano?" napatayo tuloy ako sa kinauupuan ko. Katatapos ko lang isipin na sana hindi kami magkita. Bakit ba pilit pinaglalapit ang mundo namin?

"Te chel!" sigaw ng mga babae na nagtatakbuhan papasok ng gym.

"Sisi..." napangiti nalang ako. At sunod sunod na silang nagsidatingan.

"Te chel...namiss ka namin..." si ej naman at yumakap sa kin. Nakasama ko kasi ang mga batang ito sa AVC. Palinga linga ako at isa isa kong tiningnan ang ibang kasama nila pero tila wala sya. Kusa na siguro syang umiwas.

Dumating narin sina coach at mga teamates ko.

"O... Game na tayo... Andito na ba lahat?" tanong ni coach kungfu.

"Coach hindi pa... Parating pa sila Jovs!" sabat ni sisi.

"Sus! Si Jovs talaga!" singhal nito. "Wag ng hintayin ang wala pa... Magsimula na tayo!"

"Psssttt..." nakakalokong tawag ni Royce. "Me hinihintay ka pala ha..."

"Gaga... Tumigil ka nga.." saway ko dito.

"Kinakabahan ka no? Darating kaya sya? Pasuspense naman." tukso nito.

Matalim ko syang tiningnan. "Wala na sakin yon ano!"

"Well... We'll see..."

Isang oras na ang nakalipas at wala ni anino nya ang dumating. Buti naman... Nakapag -isip siguro syang wag magpakita.

"Okey! Break muna!" sigaw ni Coach.

Diretso kami salampak sa sahig sa sobrang pagod.

"Mukhang narinig ata dasal mo...hehe..." ngiti ni Royce at umupo narin sa sahig.

"Tumigil ka nga!"

"Uy ano yon?" usisa ni Ate genie.

"Wala..." agad kong sagot.

"Uyyyyy.... Lagot ka ke coach!" dinig namin na sigaw ng mga taga UST.

Takte! Napalunok nalang ako ng masilayan ko ang babaeng kapapasok lang ng Gym. Napakasimple lang ng suot nito na bitbit ang rubber shoes nya.

Biglang lumapit si coach kungfu sa kanya. Tila pinagalitan ito kaya napayuko nalang. Pero sa kahit anong angulo mo tingnan, namumukod tangi ang kagandahan nito. Na halos nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Matapos syang kausapin ni coach, tila napangiti nalang ito na lumapit sa mga kasamahan nya. At sa di ko maintindihan na pagkakataon, nagtama ang mga mata namin. Ngumiti sya at nagsimulang maglakad patungo sa kinauupuan namin. Ano bang balak nya? Mas tumindi pa tuloy ang kaba ko. Ilang hakbang nalang at.....

"Hi ate tina..." bati nito. %₱#@hgj muntikan na ko don ah!

"Uy Jovs... Bakit ka late ha?" bati ni ate tina. Magkakilala pala sila.

"Nasiraan pa kasi ako... " sagot nito.

"Uyyyy...." kalabit ni Royce sa ilong ko. "Kala mo ha... Ikaw lalapitan..."

My Fanatic HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon