Part 5

938 29 1
                                    


 


One month after
Feu vs Ust, SVL

"Nasisiraan ka ba? Wag mong sabihin na wala ka na naman sa mood?" napataas boses ni Coach kungfu. "Pwede ba Jovs... Maganda na yung nilaro mo ng mga nakaraang games... Kaya kasama ka parin sa first six!"

"Haist! Pero coach..." alma ko. Hindi ko maintindihan kasi nararamdaman ko. Bigla akong kinabahan. Alam ko na eh! Ganito talaga mangyayari... Dapat di nalang ako sumali sa try out... E di sana... Di ako nasama sa first six! Dagdagan mo pa ng sobrang lakas ng hiyawan sa arena matapos pumasok ang bawat team.

"Jovs...." tapik ni Jen. "Ano ba kasing problema? Me masakit ba sayo?"

"Ewan ko ba... Basta ayaw ko maglaro ngayon..."

"Pero Jovs... Kelangan natin mapanalo to... Para makasama tayo sa semifinals... Kung kinakabahan ka... Natural lang yon..."

Sobrang kaba... Dahil ba makakaharap ko sya? Yun nga ba?

"Jovs... Start na..." at naghiyawan ulit ang mga fans ng isa isa ng tinawag ang players ng kabilang team.

Wala na akong magawa at isinalang na nga ako ni coach. Sa unang pagkakataon, makakaharap ko ang guest player ng FEU. Walang iba kundi si.... Si Daquis lang naman. Haist!

Yung tipong sana nakamaskara ka nalang para hindi ka nya makita pero kahit anong tago mo, magkikita at magkikita parin kayo.
Halatang nagulat din sya na makita ako sa harapan nya. Nung una, di ko pa sya tiningnan.. Pero nagtama din mga mata namin. Matagal ng ngyari yon... Malamang nakalimutan narin nya...

Prrrrtttt... Game starts now!

Ilang saglit lang... Lamang agad sila ng lima. Pano ba naman... Walang focus.. Haist! Sino bang me problema? Ako o yung bola?

"Jovs ano ba? Ipapasok mo nalang yung bola... Nag error ka pa!" sabi ni coach kungfu. "Magpasub ka na nga lang muna!"

Buti narin kesa magkalat pa ako dun. Kaso kahit sinong ipasok ni coach, walang panama sa lakas ng kalaban. Samahan mo pa ng dyosa sa loob ng court. Mapapamangha ka sa galing nya.

Third set na... Pag natalo pa kami rito, laglag na kami.

"Jovs... Pumasok ka..." tawag ni coach.

"Ako?" jusme... Bakit ako?

"Oo... Ikaw... Sige na!"

Napakamot nalang ako sa ulo at nakaharap ko na naman sya. As in kami talaga magkaharap. Sa pangalawang pagkakataon, napatitig na naman ako sa kanya. Haist! Bakit ba ang ganda nya? Oo... Fan nga lang siguro ako... At walang ibig sabihin yung kaba ko sa tuwing magkakaharap kami.

"Psstt... " ngiti ni daquis. "Ayusin mo... Lalampa lampa ka naman eh.."

"Aba..." natawa nalang ako sa asta nito. "Hinahamon mo ba ako?" lapit ko sa net.

"Oo... Ikaw!"irap nito.

"Ate chel..." awat ni Palma rito ng makitang nag aangasan kami sa gitna ng court bago magsimula ang third set.

Napakagat labi nalang ako. Humanda ka... Kala mo ha...

Unang set ng bola sa kin..Boom! Pasok! Kaya napatingin ako agad sa kanya ng di nya ako nagawang iblock.

Natawa ito pero me angas pa rin. "Tsamba!"

"Tsamba ka dyan...." bawi ko.

At ng sya naman ang tumira... Sus... Na net touch pa ako. Haist! Pero agad tangi ko."Hindi ako yun!"

"Hoy!" napamewang pa ito. "Ikaw kaya!"

"Hinde nga!"

"Ano ka ba? Kitang kita noh!" duro nito.

My Fanatic HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon