Part 11

745 26 1
                                    


 


"Uhmmm...Rachel..." at kumapit ito sa braso ng lalake. "Si Marco nga pala.... Boyfriend ko..."

"Ah... Err... Hi... " at inabot nito ang kamay nya.

"Hello..." nakipagkamay ako.

"Close pala kayo... Lam mo bang fan mo ako..." ngiti nito.

"Thank you..."

"Di kami close..." sabat ni Jovs. "Fan lang din ako..."

Aray naman! Wagas pa sa sampal!

"Hahaha..." natawa nalang ako. "Ganyan naman si Jovs eh... Mabilis makalimot..."

"Ahahaha..." pilit na tumawa ito. "Talaga? Eh sino nga yung unang nabagok?"

"Hahaha..." nakitawa narin ako. Kaloka! "Oo nga yung nabagok ng malaman nyang me iba pa pala..."

"Ahahaha... Sinong iba?" nag-iba tono nito.

"Ikaw talaga Jovs! Di ba me isa pa... Pinagsabay nga diba... Galing!"

"Ah... Ano bang pinag-uusapan nyo?" singit ni Marco.

"Ah... Yung movie!" agad na sagot ni Jovs. "Yung minsan napanood namin..."

"Ahhh..."

"Di ba... Magaling magpangap ano? Kaloka talaga... Kala mo sincere, sinungaling pala... Hahaha!" asar ko.

Napakagat labi at matalim ang tingin nito.

"Anyway, I have to go.. Nice meeting you....Marco..." at naglakad na kong palayo.

Bwiset ka! Ipangalandakan pa sa kin ang boyfriend mo... Tapos isampal pa sa kin na ako nakipaghiwalay! Walanghiya ka rin ano!

"Daquis!" tawag ng pamilyar na boses. Takte! Sumunod pa talaga!

Di ako nagpatinag at dali dali kong binuksan ang kotse ko.

"Daquis...wait..." habol nito at pinigilan ang pinto ng isasara ko na sana.

"Ano ba!" alma ko. "Me lakad pa ko!"

"Galit ka ba?"

"Bakit naman ako magagalit no?" irap ko.

"A okey... So nagseselos ka lang?" kalokang ngiti nito.

"Kapal mo rin ano! At bakit naman ako magseselos? Jowa ba kita?"

"Minsan... Minsan nga lang... "

"Pwede ba... Aalis na ko..."

"Uyyy... Selos ka nga..." tawa nito.

"Ano ba! Hindi nga! Umalis ka na nga!" pinagtutulakan ko sya.

"Teka... " at mas malakas ito at napalipat ako sa kabilang upuan at sya ang umupo sa driver's seat.

"Hoy!... Ano ba!" pilit ko syang tinutulak pero nagawa pa nyang ikabit ang seat belt nya at inilagay ang bag nya sa likuran.

"Tara... San yung lakad mo?" simpleng sabi nito at pinaandar ang kotse.

"Bilib din ako sayo ano? Lakas ng loob mong manduhan ako! Kala mo sayo umiikot mundo ko!" sigaw ko.

"Palabas na tayo... Turo mo nalang ang daan..." at patuloy lang ito sa pagmaneho. Parang hindi ko na yata sya mapipigilan.

"Jovs ano ba? Tapos na tayo..."

Di ito umimik at nakatingin lang sa daan. Takte talaga at baka malate pa ko. "Kumanan ka dyan... Sa me Resort world tayo..."

"Okey... " napangiti rin ito. "Sino yung tinutukoy mo pala?"

"Sinong sino?" kunot noo ko.

"Yung sinabi mo kanina... Na sinungaling ako... "

"Hinde ba? Wag ka na ngang magmaang maangan! Tyaka wala akong planong balikan ang nakaraan!"

Napapailing ito. "Nakipaghiwalay ka sa kin dahil sinungaling ako... Yun ba? Hindi ng dahil sa naguguluhan ka kung straight ka ba o hinde... Or ayaw mo ng same sex relationship? ... Nakipaghiwalay ka sa kin dahil sinungaling ako! Pano ako naging sinungaling! E ikaw lang ang mahal ko!" napataas ang boses nito.

Gulat ko sa galit nya. Kelangan ba talagang pag-usapan pa namin ito ngayon?

"So-sorry..... Hindi ko lang kasi maisip...na me ibang dahilan ka pala...kung bakit ka nakipaghiwalay... All along kala ko.. Ayaw mo lang ako...kasi... Straight ka parin... Wala namang iba... Sino ba yung tinutukoy mo?" mahina na ang boses nito.

Kring...kring...

"Hello Marco..." sagot nito sa phone nya. "Sorry talaga... O sige umuwi ka nalang... Hindi na ako nakabalik...Sumama ako ke Rachel dahil me kukunin lang ako sa kanila... Oo.... Baka kasi... Hindi ko na makuha pa... Oo... Tawagan kita mamya... Bye..."

Bigla nyang hininto ang sasakyan. "Andito na tayo... " at nakatingin ito sa kin. "Gusto ko lang malaman kung sino yung pinaghinalaan mong iba ko kaya ka nakipaghiwalay... Si Jen ba? Yung kaibigan kong pumunta sa bahay non?... So nakita mo... Na hinalikan nya ko?... Nakita mo rin ba... Na nagtapat sya na gusto nya ako... Sa tagal ng panahon na tinago nya...tapos nung malaman nyang tayo na...nagalit sya... Hiniling nya sa kin na sya daw ang mahalin ko at hindi ikaw... Pero pinagtulakan ko sya... Dahil kaibigan lang ang turing ko sa kanya... At hangang doon lang yun... At hindi nya matanggap... Kaya ngayon... Hindi na kami magkaibigan....  Nakakapanghinayang kasi sya lang ang bestfriend ko... Pero mapilit sya... Kaya minabuti kong layuan sya... "

Di ako nakaimik sa ipinagtapat nya. Nung panahon na yon, kalahati lang ng kwento ang alam ko... At hinusgahan ko agad sya.

"Masakit lang... Kasi pareho pa kayong nawala sa kin... Hinayaan kong layuan mo ako dahil kala ko... Natauhan ka na... Na straight ka parin... Sobrang sama siguro ng loob mo sa kin non... Dahil kala mo...niloko kita.... Siguro nga.. sinungaling ako... Sinungaling ako sa totoong nararamdaman ko... Dahil hindi ko nagawang ipaglaban ang nararamdaman ko at hinayaan lang kita na bumitaw... At hindi ko na maibabalik yon..."at tumulo na ang luha nya.

"Jovs...." ang tangi kong nasabi.

"Mahal parin kita...." huling sabi nito at lumabas na ng sasakyan.


 

My Fanatic HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon