Part 7

865 30 0
                                    


 


Chel's pov

"Uyyyyy.... Layo ng isip..." lapit ni Royce at umupo sa tabi ko. "Magpapakasal ka na ba?"

"Gaga!" singhal ko. "Pakasal ka dyan! E wala nga kong boyfriend!"

"E si Marlon? Di ba umaaligid aligid ulit... Hmmmnnn... Lam mo naman...love is sweetier the second time around.." tukso nito.

"Tantanan! Wala akong planong makipagbalikan dyan sa kaibigan mo ano!"

"To naman... Seryoso na sya... Tapos na nga nya dream house nyo... Ikaw nalang kulang.."

"Tssss... Kaibigan ba kita o kaibigan ka nya?"

"Syempre ikaw bff ko!"

"Kung ganon, tigilan mo ng tuksuhin ako sa kanya! Hinding hindi ako makikipagbalikan. Period!"

"K... Fine... Concern lang naman ako... Lalo na ngayon... Well...napapansin ko lang.. Medyo off laro mo ngayon.. Parang wala ka sa kondisyon.. Me gumugulo ba sa isipan mo?"

Napatingin lang ako sa kanya. Bakit ba kasi di sya mawala sa isipan ko? Dalawang lingo na ang nakakaraan ng huli ko syang makita.

"Buday... Ano bang silbi ko kung hindi kita matutulungan sa problema mo? Dati pag off ang laro ko, lagi kang nakaalalay. This time naman, sana ako naman aalalay sayo.. Matatapos na ang grand prix, hindi parin bumabalik ang pagkabeastmode mo sa game."

"Siguro mahina na talaga ako..." yun nga ba ang dahilan? Or nababaliw na ako sa kanya?

"Chel... Hindi ka mahina... Distracted ka lang.... Kung sino man o ano man yan... Hindi worth it! Nagsasayang ka lang ng panahon sa kakaisip.."

Tama nga sya. Hindi sya worth it. Dahil hindi pwedeng maging kami...

"Chel..." at humarap na ito sa kin. "Ano ba kasi yon? Makikinig ako.. "

"Royce... Kasi... Inlove na ata ako..." nahihiya kong sabi.

"Huwat? Kanino?" dilat na dilat ang singkit na mata nito. "Kung hindi si Marlon sino?"

"A... E... Pero hindi kasi pwede... Bata pa sya..."

"Owwww...." napangiti ito. "Hindi naman siguro below 18? Di ba?"

"Hindi naman... 20 plus..."

"E ano ngayon? Age doesn't matter... Me itsura...gwapo?" ngiting ngiti ito.

"Err... Me itsura... Makinis.. Kayumangi... Matangkad din.. Parang ka height ko lang... Broad shoulders... Matangos ilong... Cute ang lips..." napangiti na ako habang iniimagine ko itsura nya.

"Ayyyy... Kinikilig ako!" hiyaw nito. "So macho?"

"A... Err... Hindi... Lean... Sporty rin.. Long hair... Tapos yung eyes nya... Nangungusap... Ganon... "

"Tantalizing... Nakakalaglag panty?"

"Gaga... Hindi... " natawa nalang ako. "Yung pag tiningnan mo sya... Ayaw mo na syang mawala sa paningin mo.."

"Ahahay.... Gurl... Inlove ka nga!!!! Parang si Keanu Reeves ang dating! Lean... Long hair... Matangos ang ilong! Hahay!" kinikilig ito. "So anong problema? Na bata sya? Wag mo isipin yun... Masaya ka ba kapag kasama mo sya?"

Napatango na nakangiti ako.

"Ayyyyy... Na kung pwede lang wag ng matapos ang araw pag kasama mo sya?"

"Oo..." ngiting ngiti parin ako.

"OMG! Gurl... Kung ng aalala ka sa age gap nyo... Wag mong isipin yun! Dapat nga inspired ka na!"

My Fanatic HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon