Part 29

662 24 1
                                    


 


Ni minsan sa buhay ko, hindi ko nagawang manakit ng tao. Pinalaki ako ng lola ko na me respeto sa kung sinuman ang kaharap ko. Lagi nyang sinasabi, saktan ka man nila... Magawa mo paring mag-patawad at wag magtatanim ng sama ng loob.

Napangiti nalang ako....Ngayon kasi ang araw ng pinakahihintay ko. Ang tuluyang saktan at iwan sya.

Kring....kring...

"La..." kausap ko sa kabilang linya. "Sige po... Subukan ko pong umuwi mamya... Sino po?... Lola... Di ba sinabi ko naman sa inyo na hindi na kami magkakabalikan ni Rachel... Paulit ulit naman po kayo... Lola... Kahit bilang magkaibigan.... Teka... Ano? Sino? Anong ginagawa nya dyan?... Sige po..."

Takte! Bakit sya nagpunta don? Usapan namin sa hotel magkikita... Ang aga naman natapos ng training nya...

-----

Sumugod nalang ako sa bahay at laking gulat ng dinatnan ko.

"Ano to?"

"Jovs..." lapit ni rachel sa kin sa me pintuan. "Nakalimutan mo ba? Bday ng lola mo ngayon..."

"Ha?"

"Jovs... Buti nga naalala ni ate rachel..." biglang sulpot ni Jen. "Kaya dumiretso na kami rito... Hindi ka kasi makontak..."

"Teka..." gulong gulo parin ako.

"Fren..." at kasama rin nila si Morty. "Masyado ka kasing busy... Buti nalang tong girlfriend mo, maalalahin.."

"Ano?"

"Baby..." haplos ni Rachel sa pisngi ko. "Don't worry... Suprise parin ito sa lola mo... Kala lang nya bumisita kami... Nung nagpahinga sya... Saka lang kami nagdecorate..."

"Pero daquis...." hindi ko malaman ang sasabihin.

"Sshhhh...." at biglang humalik sa labi ko. "I love you babe..."bulong nito. "Teka..... Aayusin ko lang pala yung mga dala naming pagkain..." at nagtungo na ito sa kusina.

"Morty... Jen... Ano to?"

"Anong ano to? Hindi mo ba nakikita? Bday party ni Lola..." alma ni Jen.

"Pero... Di ba alam nyo?" hablot ko sa braso ni Morty. "Bakit kayo pumayag pumunta dito?"

"Fren... Oo... Naisip ko nga yang plano mo... Pero nung sinabi nyang bday ni Lola... E syempre naman... Para sa lola mo... Kaya go kami."

"Pero kahit na!"

"Baby!" tawag ni daquis mula sa kusina. "Tingnan mo nga itong cake kung okey.."

"Baby daw..." ngiting nang-aasar ni Morty.

"Gago!" sabi ko at pinuntahan nalang si Daquis.

"Rachel... This is too much... "

"Ano ka ba? Konti pa nga lang ito... Maganda sana kung naplano nating ng maaga... " ngiti nito at idinampi ang daliri nyang me icing sa labi ko. "Masarap naman di ba?"

"Rachel...." di ko parin mawari ang ngyayari ngayon... Pano ng plano ko????

-------

"Happy bday lola!" kanta naming lahat.

"Lola... Wish po kayo..." at inilapit ni Morty ang cake.

"Kaw bata ka... Ano naman iwiwish ko sa tanda kong ito?" ngiti nito.

"Kahit ano po lola..." ngiti ni Rachel na nakatayo sa likuran nya.

"Ah... Alam ko na... Para nalang sa apo..."

"Po?" napalunok nalang ako.

"Na... Sana... Maramdaman nya ulit ang tunay ng pag-ibig... " at bumaling ito ke Rachel. "Iha... Sana... Wag mo ng iiwan ang apo ko... "

"Lola... Patawarin nyo po sana ako noon... Nangangako po ako... Ipaglalaban ko na po si Jovs..." at yumakap ito ke lola.

"Yehey! Hapi bday lola!" at nagpalakpakan ang lahat..... Pwera ako. Naloko na... Hindi ngyayari ang ngyayari ngayon... Hindi pwede...

"Jovs... Okey ka lang?" hawak ni Morty sa balikat ko. "Postpone mo nalang kasi... "

"Anong ipopostpone?" tanong ni Rachel.

"Ha... Err..."

"Me lakad pa kasi sya..." sabat ni Jen.

"Baka nga pwede mong ipostpone... " si manang Fe sabay hati ng cake. "O ano... Kakain na!"

------
Nagsimula ng tumahimik ang paligid...pero ang diwa ko...kusang nag-wawala sa naganap na kasiyahan... Oo... Andon na ko... Bday ni lola... At nakalimutan ko... At naalala nya... Pero hindi rason yun para di ko ituloy ang plano ko... Hirap na hirap narin ako sa pagpapanggap... Gusto ko ng wakasan to at makapaghiganti na.

"Jovs..." si Jen bitbit ang bag nya. "Nasa kotse na si Morty.. Sasabay na ko sa kanya... Jovs... Payong kaibigan lang... Wag mo ng ituloy ang plano mo... Naniniwala akong mahal mo parin sya... "

Napatingin nalang ako sa sinabi nya. "Hindi pwede... Sige na... Umuwi na kayo... Salamat..." at tuluyan ng lumabas ng gate si Jen.

Ngayon pa ba ako susuko? E halos nagawa ko na ang lahat? Ngayon pa ba????#&@ft@s

"Jovs.... Andyan kalang pala... Nakatulog narin si Lola... " sabi nito at yumakap sa likuran ko. "Sobra namang layo ng iniisip mo? Siguro naman nagawa mong ipostpone lakad mo kanina ng maayos ha... "

"Daquis..." at hinarap ko ito. Itutuloy ko ba????

"Baby... " biglang pulupot ng kamay nito sa leeg ko. "Hindi mo malaman kung anung sasabihin mo sa ginawa namin ano? Hmmmnnn... Baby... You don't need to say anything... Masaya ako... Na napaligaya natin si Lola sa bday nya..."

"Hindi naman yun..."titig ko sa mga mata nya at inalis ko ang kamay nya sa leeg ko. "Lets end this... Pinilit ko pero...pero hindi ko magawang mahalin ka ulit... I'm sorry..."


 

My Fanatic HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon