Part 22

651 19 0
                                    


 


Sana naging bato nalang ang puso ko para di na ako nasasaktan pa. Sana ... Sana... Nakikita mo ako ngayon... Dahil tinupad ko ang pangako ko sayo... Sana masaya ka na malaman mo....


Flashback.....

"Chel! Ano ba?" sigaw ng kapatid nya. "Mamili ka... Sya o kaming pamilya mo?"

Tila tumigil sa pagtibok ang puso ko. Ako bang pipiliin nya?

"Chel sumagot ka!" galit na galit ito.

"Tara na..." nagmadali si Daquis na isuot ang pantalon nya at Jacket. Dalian din nyang nilagay ang mga gamit nya sa bag. "Umalis na tayo..." ni hindi ito tumingin sa kin.

"Teka...teka..." pigil ko sa braso nya. "Please don't do this..."

"Tara na chel!" utos ng kapatid nya na nakatayo na sa me pintuan.

"Daquis... No..." makaawa ko.

"Sis... Just give me a minute..." at humarap ito sa kin. "Jovs... "

"Magkikita parin tayo diba?"

"Jovs... So-sorry... " hinawakan nito ang pisngi ko. "Itigil na natin to..."

"No..." at pumatak ang luha ko. "Mahal mo ko di ba... Pagkagraduate ko... Magpapakasal pa tayo di ba..."

"Siguro nga....mahal kita....dahil masaya tayo...na pareho tayong nangangarap na habambuhay magkasama...kahit tayong dalawa lang.... Sana nga... Kung ganon lang kadali ang lahat... Na pwede natin ipagwalang bahala ang iba.... Sorry..." naluha na ito. "Hindi sapat na mahal lang kita.....  Mahalaga sakin ang pamilya ko..."

"Maghihintay ako... Babalik ka rin..."kumbinsi ko at niyakap sya ng mahigpit.

"Jovs..." pilit itong kumalas at hinawakan nalang ang kamay ko. "Bata ka pa... Makakahanap ka rin..."

"No!" sabat ko. "Daquis don't do this... Hihintayin kita..."

Napapailing ito. "Hindi na... Wala ng.... Tayo... Okey..." hikbi nito at agad lumayo.

"Daquis..." habol ko pero humarang ang kapatid nya.

"Sana malinaw na ha... Wag mo ng guluhin ang kapatid ko! " diin nito  at sumunod naring lumabas ng kwarto.

------

ATM....

"Tantanan na yan!" boses ni morty at nilapag ang bote ng beer sa lamesa. "Hangang ngayon parin ba di ka pa nakamove on!"

"Sira... Hindi yon ano..." tangi ko. "Di lang ako makapaniwala na... Hawak ko na ang diploma ko!" pilit akong ngumiti.

"Haist! Eto pulutan pa more!" singit ni Marco sabay lapag ng isaw. "Ano ka ba naman Morty! Hindi na yon iniisip ni Jovs ano... Two months ago na yon!"

"E para parin kasing nalugi si Jovs eh..." tawa ni Morty."Dapat tayong magcelebrate ngayon at graduate ka na!!!!" at inilabas nito ang yosi. "You want?"

"Gago! Nadale mo na ako minsan nyan ha! Me halo yan! Di ba sinabi ko na sayo, itigil mo na yan..."

"Ano ka ba? Promise wala na tong halo..."

"Hoy... Hoy..." saway ni Jen at dala dala ang litsong manok. "Sabi ko na nga ba nagdrudrugs ka pa eh!" duro nito ke Morty.

"Chillax... Hindi na nga... Tyaka... E ano naman kung me halo ito... At least graduate na kayong tatlo!"

"Takte ka rin ano!" tawa ni Marco. "Pero... Masarap ba yan? Di ko pa nga natry yan..."

"Hoy!" hampas ni Jen.."Tumigil ka nga... Hindi porke graduate na tayo... Pwede ka ng magloko! Alalahanin mo maghahanap ka naman ngayon ng trabaho!"

"Tssss... Porke ikaw... Kinuha ka na ng Petron... E ikaw Jovs... Tutuloy ka na ba sa Army?"

"Oo..."  sagot ko. Maglalaro ako sa Army dahil yun ang gusto ni Rachel.

"Di ba di ka naman inoobliga ni Coach kungfu... Bakit di ka nalang sa ibang team? " sabi ni Morty.

"To naman... Nakalimot ka na ba? Andun si Daquis sa Army... Kaya don din sya!" sabi ni Marco sabay tunga ng beer.

"So umaasa ka parin? Umaasa ka parin na magkakabalikan kayo? Matapos ka nyang iwan sa hotel na luhaan? Tapos ano?"

Umaasa pa rin ba ako? "Hindi... Sa Army kasi... For long term... Kung hindi na ko pwedeng maglaro... Me trabaho parin ako bilang sundalo... "

"Hindi nyo ba nabasa yung article na hindi na sa Army si Daquis... Lilipat na sya ng ibang team.." singit ni Jen.

"Ha? Kelan pa?" usisa ko.

"Uyyyy...." biro ni Marco. "Pustahan tayo... Di na papasok sa Army si Jovs kasi wala na si Daquis..."

"Gago! Hinde!" diin ko. Pero pano nga kung umalis na sya sa Army?

"Sus! Patunayan mo nga?" hamon ni morty.

"Hinde nga! Akin na nga yan!" at inagaw ko ang yosi sa kamay nya at agad hinithit ito. "Wala na kong pakialam sa kanya!"

"Jovs..." hila ni Jen sa kamay ko."Ano yan? Di ba me halo nga yan!" tukoy nito sa yosing hawak ko.

"Wala naman..." sabi ko. Lasang yosi lang naman talaga. "Try mo?"

"Aber..." hablot ni Marco sa yosi sabay hithit. " Wala nga..."


 

----

Shocks! Sakit ng ulo ko!

Haist! Dito pala kami nakatulog sa kotse.

"Morty! Gising!" kalabit ko sa kanya.

"Err... Nu ba?"

"Bakit dito tayo nakatulog? San sina Jen at marco?"

"Hindi ko alam..." antok na antok parin ito.

Tok! Tok!

Napalingon ako sa lalaking kumatok sa bintana.

"Kuya bakit?" tanong ko pagkabukas ng pintuan ng kotse.

"Ikaw ba si Jovs Gonzaga?"

"Opo... Bakit ba?" tanong ko at tumayo ako sa harapan nya.

"You're under arrest..."

"Huwatttt?!!"

My Fanatic HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon