Part 31

725 24 3
                                    

Sobrang hectic ng schedule ko. 2 beses ang training...tapos me interview pa... At me photoshoot... Hay... Sakit na ng katawan ko.

"Oh Jovs... Buti dumating ka na... Si Rachel nasa kusina..." bungad ni manang ng pinagbuksan ako ng gate.

"Ha?,.. Anong ginagawa nya dito?"

"Sus...ang sweet nga eh...pinagluto ka... Dali na...puntahan mo na sa kusina..." buyo nito.

Ano pa nga ba? Kaya agad akong sumugod sa kusina.

"Ano to?" singhal ko.

"Uy... Hi... Nagluto ako ng dinner mo... Si lola kumain na pala... At nagustuhan ang niluto ko. " maladyosang ngiti nito.

"Hindi ka ba nakakaintindi!" sigaw ko. "Wala na tayo!"

"Jovs... Huminahon ka nga muna... Baka marinig ka ni lola..."kalmang sabi nito.

"Pwes umalis ka na!" utos ko sabay talikod. Kapal talaga... Hindi porke me ngyari sa min kahapon, okey na ulit.

Umakyat nalang ako papuntang kwarto. Teka... Kaninong maleta to?

"Jovs... Hindi ka ba kakain?" sunod nito sa kwarto.

"Kanino to?" turo ko sa maleta.

"Sa kin... Teka... Aayusin ko na pala dapat yan..."

"Teka...teka... Ano to? Dito ka titira?"

"Hindi naman... Siguro three to four days...kelangan ko rin umuwi..."

"E sino me sabi sayo na titira ka dito?"

"Si lola...sabi nya para di na daw ako mahirapan...magdala na ko ng ilang damit dito...tama naman sya diba?"

"Hibang ka ba? Hindi ako pumayag na dumito ka...ano to? Live in?"

"Jovs... Bakit ka ba laging high pitch? Nasa kabila lang si lola... Baka magising pa yon..."lapit nito at hinawakan braso ko.

"Haist! Pwede ba bukas...bitbitin mo lahat ng gamit mo.. At umalis ka na..." pumiglas ko.

"Ayaw mo ba talagang kumain? Liligpitin ko nalang muna..." mahinang sabi nito at lumabas ng kwarto.

Tssss... Ano bang hindi nya naiintindihan sa sinabi ko sa kanya kahapon? Kaloka!

----

Nauna na kong nahiga... Bahala sya kung saan nya gustong matulog...

"Jovs..." tawag nito ng makalabas ng banyo. "Di ba maaga training mo bukas?"

"Oo..." tipid na sagot ko. Ewan ko ba sa suot nyang stripes na pajama. "Maginaw?"

"A... Eto ba? Naniguro lang ako...baka kasi bigla mo nalang akong hubaran..." kalokang ngiti nito.

"Tse! Anong kala mo sa kin? Manyak?"

"Slight..." sabi nito at tumabi na sakin sa kama. "Goodnight babe..."

"Tigilan mo nga! Ngayon kalang matutulog dito... At pwede ba... Pinagtatabuyan na nga kita... Pinipilit mo parin sarili mo... Wala ka na bang kahit konting pride?"

Napalingon lang ito at hindi na umimik. Kaya pinatay ko na ang lampshade sa gilid ng kama.

Inayos ko ang kumot ko. Pansin kong wala syang kumot kaya kinumutan ko nalang. Di man lang ito kumilos at nakatalikod lang sa kin. Siguro nga nakapag-isip isip sa sinabi ko.... Okey lang siguro sya... Bakit di pa ko dalawin ng antok? ... Haist... Nasaktan kaya sya sa sinabi ko? Takte naman oh... E ano naman... Buti narin yun para tigilan nya na ako...


----
Chel's pov...

"Ahhh..." hikab ko ng magising ako na halos di ako makagalaw. "Sus... Ang baby ko talaga..." nakasiksik sa kin si Jovs at mahigpit ang yakap sa beywang ko. "Hmmmnnn..." at hinalikan ko nalang noo nya.

My Fanatic HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon