Part 20

843 23 2
                                    


"Jovs... " mulat ko ng wala na ito sa tabi ko at nakaupo sa lamesa at nag-aaral.

"Morning daquis..." ngiti nito at agad lumapit at humalik sa pisngi ko. Bumalik din ito sa lamesa.

"Kanina ka pa ba gising?" tanong ko sabay bangon.

"Uhmmm.... Mga 430am siguro yun.. Nakalimutan ko.. Me exam pala ako mamyang hapon.."

Oo nga pala, estudyante pa ang girlfriend ko. Tumayo na ko at nagtungo sa banyo.

Sana maging okey na lahat.. At matigil na ang pangbabash sa kanya... Kasalanan ko kung bakit ito nangyayari ngayon.

"Jovs!" gulat ko ng pumasok ito ng banyo.

"Daquis... Sabay na tayo maligo...Maaga pala ako dapat sa school ngayon..." nagmadali itong naghubad at tumabi sa kin sa shower.

"Ikaw ha... Maaga? E gusto mo lang ako sabayan eh..." biro ko.

"Sira... Maaga talaga ako..." diretso itong tumapat sa shower at nagsabon. Ni hindi nga tiningnan ang hubad kong katawan.

Kinuha ko nalang ang bimpo sabay kinuskos sa likod nya. "Jovs... Okey ka lang ba talaga?"

Lumingon ito. "Ano ka ba? Oo naman.." nagmamadali itong banlawan katawan nya.

"Tapos ka na?"

"Oo... " agad nagpunas ito at nagtapis.

"Jovs baka me sabon..." sabi ko ng bigla nalang itong lumabas ng banyo.

Ano ba kasing meron? Kaya nagmadali narin akong maligo.

Rinig kong me kausap ito sa cellphone ng lumabas ako.

"Sigurado ka bang sya yon?" tensyonado ang boses nito. "Anong ginagawa nya dyan? .... Haist! Nagkausap ba kayo?... Oo nga pala... Sige... Madali nalang... Pupunta na ko dyan..."

"Jovs...me problema ba?"

"Wala..." aburido itong nagsuot ng pantalon.

"E sino yung kausap mo?"

"Si Jen lang..." sagot nito habang inaayos ang bag nya.

"Pero sino yung dumating kamo?" usisa ko.

"Not now okey..." sabay bitbit ng bag nya.

"So bawal na pala akong magtanung ganon?" inis ko sa asta nito.

Palabas na sana ito. "Daquis..." at humarap ito. "Sorry... Nagmamadali lang talaga ako..." at lumapit ito. "Later?"

"Walang later!" inis ko.

Inilapag nyang bag nya sa sahig at hinawakan ako sa balikat. "Sorry na... Uminit lang ulo ko dahil sa tawag ni Jen... Ganito talaga ako pag umiinit ulo ko.. Ganito nalang... Magbihis ka na.. Para sabay na tayong magbreakfast... Bago ako umalis..."

"Kala ko ba nagmamadali ka..." tampo ko.

"Makakapaghintay yun..." ngiti nito at hinalikan ako sa labi. "Syempre mas uunahin kita..."


-----
Jov's pov.

"Jen..." nagmadali akong lumapit sa kanya. "Asan na sya?"

"Tagal mo naman... Nakakopya na ko ng assignment at lahat...wala ka pa..."

"Ah!... Si Daquis... Nasa bahay kasi... Inasikaso ko muna.." sabi ko nalang.

"Aba...in good terms na talaga kayo ha... Lagi ba syang natutulog sa inyo?"

"Hindi naman... Minsanan lang... Hindi naman kasi kami pwedeng magkita sa labas...kaya sa bahay nalang... Pero asan na sya?"

"Andyan lang yun..." patuloy lang ito sa pagsusulat. "Grabe... Ibang iba na sya... Hindi mo nga sya makikilala sa unang tingin eh... "

My Fanatic HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon