Part 18

764 22 0
                                    


 


"Jovs... Nabasa mo na ba?" sabi ni Jen ng makalabas kami sa room ng first subject namin.

"Ang alin?"

"Sa twitter... Hindi mo chineck yung twitter mo...kahit sa FB... Me nagpost nung picture nyo... At puro negative comment sa yo... "

"Hindi ko na tiningnan... Expected naman na maraming mangbash... E sa twitter nya?"

"Well... Puro negative comment din... "

"Jovs...." tawag ni Marco na humabol sa min. "Yung sa twitter..."

"Hayaan nyo na yun..." sabi ko nalang at nagpatuloy akong maglakad.

"Pero Jovs... Nakakaloko ginawa nila... Ginawan pa nila ng memes... Tapos alam na taga UST ka... Daming galit ng fans ni Daquis sayo..."

"Wala akong pakialam sa kanila..." napapailing ako.

"Hoy! Marco!" tawag ng dalawang lalaking nakasalubong namin. "Kala namin jowa mo na... Mas type pala babae kesa sayo... Hahaha!"

"Gago to ah..." lalapitan na sana ni Marco pero pinigilan ko sya.

"Hindi kaya bading ka? Hahaha!"

"Tado to ah!" susugurin na nito.

"Marco...wag..." pinigilan namin ni Jen.

"Hoy mga panget! Palibhasa walang magkagusto sa inyo... Kahit bading di kayo papatulan! Pwe!" sigaw ko.

"Gago to ah!" hamon ng isang lalaki.

"O ano... Papatol ka sa babae!"

"Hoy! Itigil nyo na nga yan!" lapit ng isang teacher sa min.

"Tara na..." hatak ni Jen sa kin.

----

"Marco okey ka lang?" tanong ko rito ng makapasok kami sa Jollibee na tabi ng school.

"Oo... Kaya ko naman sila... Hindi mo ko kelangan ipagtangol..." sabi nito ng makaupo na kami.

"Yan ang hirap sa inyo ano? Hindi ba pwedeng magpasalamat ka nalang at ginawa ko yun?" alma ko. "Concern lang ako...at baka maulit pa yun... "

"Oo na... Gago talaga sila..."

"Naorder ko na..." sabi ni Jen at umupo sa tabi ko. "Jovs... Hindi ka ba natatakot..."

"Matatakot saan?"

"Sa ngyayari... Mas mabuti narin yung wag kang magbasa ng mga comments kasi matindi talaga..."

"Sample nga ng comments nila..."

"Errr... Parang... Nakikisawsaw ka daw sa sikat... Sinira mo daw lahi ni Daquis... Mga ganon..."

"Ano pa?"

"Puro ganon..." ayaw na nitong ituloy.

"Desperado ka daw na magkagusto sa yo si Daquis!" si Marco na ang nagsabi. "Tang*** mo daw... F*** Y***... Ikiskis mo nalang daw sa pader kesa sa idol nila... " napapailing ito.

"Jovs.... "

"Sya ba yon?" dinig namin sa kabilang table. "Hindi ako maniniwala... Ang ganda ni Rad para pumatol sa kanya..."

Nagkatinginan lang kaming tatlo.

"Di ba yan yung loko dati... Kabarkada nung naexpelled... Si Morty di ba... Mga addict... Pasalamat sya, tinangap pa sya dito... Kaya siguro dumidikit ke daquis dahil gusto sumikat... Hindi naman magaling..." patuloy lang sila  sa padinig na paninira sa kin.

My Fanatic HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon