Part 24

602 21 1
                                    


 


One year after.....

"Eto na ba yung bago mong milo shake? Wala namang pinagkaiba!" pintas ko ke aby.

"Hoy... Tikman mo muna... Me kakaibang lasa na yan.. Me mint na mahuhumaling ka...parang ...hahaha..si Mark mo... Nakakahumaling!" tawa nito.

"Tumigil ka nga! Mamya me makarinig sayo...e hindi ko pa nga sinasagot eh..."

"Pero tonight is the night di ba? This is it! Sasagutin mo na sya ngayong gabi! Hahay!" tili nito.

"Ano ba?" hampas ko dito pero kahit ako excited super!

"Hay... Im sure magiging cute ang mga babies nyo..." ngiti nito.

"Babies agad! E sasagutin ko pa nga lang mamya!" natawa narin ako.

"Syempre mamya...me halong tsuk tsakan na! Hahay! Hindi ka na tigang gurl!"

"Gaga!"

"Kelan na nga ba yung huli?"

"Tse! Past is past... Ayoko ng pag-usapan!"

"Oo na... Matagal na nga yun... Pero sure ka na ke Mark ha... Wag mo ng pakawalan..."

"Oo naman... Yung issue ko lang naman noon eh mas bata sya... Pero sabi nga... Age doesn't matter diba..."

"Korek! Tyaka parang di ka pa nasanay... Bata rin ang ex mo!" tawa nito.

"Ano ba? Ayaw ko na ngang pag-usapan!"

"Ayyy... Dumating na sya!" tili ng ibang customer na nakaupo sa bar.

"Shocks! Sya nga... Lakasan nyo sounds please..." pakiusap ng isang customer.

"Anong kaguluhan yun??" taka ni Aby kaya tumayo ito at nakiusyoso. Sumunod narin ako sa kanya.

Nanonood pala sila ng Tv. Teka....

"Welcome home!" bungad ng isang reporter sa kararating na player sa NAIA. "Jovs... I'm sure excited ka ng makita ang family at friends mo. Kamusta naman ang top volleyball player natin ngayon na napabilang sa katatapos lang na tournament kasama ang Vitra Istanbul?"

"Masaya... Dahil nabigyan ako ng opportunity na mapabilang sa team Vitra." ngiti ni Jovs.

"Sa lahat ng volleyball players, ikaw palang ang kauna unahang pinay na nakapaglaro sa Bangkok Glass at ngayon naman ang Vitra Istanbul, me mga bagong offers na ba ang ibang international teams?"

"Uhm... " napangiti ito. "Me mga nag-invite na... Pero wala pang final... talaga... "

"Balibalita rin kasi, na kaya ka umuwi ng Pinas ay para makapaglaro ngayon sa Seagames kung saan me Team pinas. Maglalaro ka na ba ngayon para sa Pilipinas?"

"Uhmm.... Hindi ko pa rin alam... Kasi as far as I know, complete na yung line up... So dyahe naman kung me maaalis para lang maipasok ako..."

"Pero Jovs... Sabi nila malaki ang chance natin makakuha ng Gold this year kung makakasama ka... Nakapasok na rin si Alyssa... At ikaw nalang ang hinihintay..."

"Hehe... Hindi ko talaga alam pa... Nasabihan lang ako na me meeting with LVPI... So... Hindi ko pa talaga alam.... Pero open naman ako kung mabibigyan din ako ng opportunity para makapaglaro..."

"Well... I'm sure... Di ka nila pakakawalan..." ngiti ng reporter. "Excited ka ba na makasama ang mga dating mga teamates mo at mga nakalaban na players...tulad nila EJ.. Na kateamate mo sa UST... Si Jaja... Mika... And of course Alyssa... At si Rachel Anne Daquis..."

Bigla akong napalunok sa narinig ko. Bahagyang natigilan si Jovs at nginitian nalang ang reporter.

"Hahaha... Humble ka parin Jovs at ayaw mong pangunahan ang lahat..." biro ng reporter.

"Hehe... Hindi kasi.... Hindi pa talaga final kasi.... Pero syempre... If ever.... Excited ako na makasama sila..."

At natapos narin ang interview.

"Dapat makasama talaga si Jovs! E ano naman kung me matanggal na isa... E for team philippines naman!" komento ng isang customer.

"Hay... Excited na akong makitang maglaro si Jovs! Grabe... Iba na talaga sya... Napanood mo yung kasama sya sa Vitra? To the highest level ang galing nya!" sabi ng isa pang customer.

Para di yata makayanan ng tenga ko ang usapan nila, kaya bumalik na ako sa dulong table na pwesto namin ni Aby.

"Okey ka lang?" tanong ni Aby ng makaupo ito sa harapan ko.

"Ako? Okey ako no!" alma ko. "Bakit naman ako hindi magiging okey?"

------

"Mark.... Sigurado ka dito tayo mag didinner?" tanong ko rito ng makapasok kami sa lobby ng magarang restaurant.

"Of course... Best place for my best girl..." ngiti nito at inakbayan ako.

"Tapos na yung presscon..." sigaw ng isang crew. At biglang dagsaan ang mga tao na ewan ko ba kung san nanggaling.

"Anong meron?" taka rin ni Mark.

"Baka me Guest sila..." sabi ko nalang.

"Miss... Sir... Excuse me po... " sabi ng lalaki at pinausog kami sa kinatatayuan namin. "Lalabas na po kasi sila."

Sunod sunod rin nagsulputan ang mga photographers.

"Jovs!... Jovs!" sigaw ng mga taong nakaabang ng lumabas na nga ito.

"Shet! Si Jov Gonzaga!" mangha ni Mark. "First time ko to na makita sya ng personal... Tara..." hila nito sa kamay ko.

"Teka... Teka... Wag mong sabihin..."

"Chel.... Chance na natin ito... Ang lapit na natin oh..."

"Nakita ko na sya!" pigil ko ke Mark. Di ko nga pala nasabi ang nakaraan ko sa kanya.

"Eh ako hindi pa!... Please... Kilala mo sya di ba? Mapapansin tayo agad..."hatak ni mark kaya wala na akong magawa.

Takte! Bakit pa kasi sa dami ng restaurant, dito pa kami napadpad?

"Jovs!" tawag ni Mark ng makalakad na sa mismong harapan namin si Jovs.

Nakangiti ito na halos kamayan lahat ng bumati sa kanya. Ang iba naman nagpapirma sa mismong damit na suot nila, yung iba sa braso nagpapirma... Sikat na nga sya...
 Ano ba tong kumakalampag na kaldero sa dibdib ko? Bakit ganon? Bakit lalo pa syang gumanda....

"Jovs... Pwede papicture" lapit ni Mark sa kanya at agad din itong nagpakuha ng picture.

Aatras na sana ako kaso nagtutulakan mga taong nasa likod ko. Gusto ko sanang makaiwas... Ah... Kunyari nagtetext ako... At agad kong binuksan phone ko...

"Daquis?" gulat nito at biglang napangiti. Shocks.... Ang ganda ng ngiti nya... Wala na yung braces nya...

"Papa-autograph ka ba?" tanong nito na parehong napako tingin namin sa isa't isa.

"Ha?"  nawalan ata ako ng boses.

"Akin na..." biglang hatak nito sa kamay ko at pinirmahan mismo ang braso ko. "Selfie ... Gusto mo?"

Di ako nakapalag ng hinablot nya ang phone na hawak ko.

"Smile..." ngiti nito sabay inilapit ang mukha nya sa kin.

Click... Click...

"Okey na yan?" ngiti nito.

Bigla akong naalimpungatan. Shocks! Sinulatan nyang braso ko?

"Ano to?" daing ko sa kanya at pinakita ang pirma nya sa braso ko.

"Ha? Autograph..."

"Sinabi ko bang pirmahan mo braso ko?"

"Ah... Hehe... Ayaw mo ba?... Kala ko kasi... Fan ka... Nakipila ka kasi..."


 

My Fanatic HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon