Part 3

979 22 0
                                    


 


Ano ba kasi? Ngiting ngiti parin ako at napahawak ako sa labi ko. Yun na ba talaga ang huling pagkikita namin? Napangiti parin ako. Bakit hindi sya maalis sa isipan ko?

"Hoy!" sigaw ng babae sa gilid ko.

"Haist! Jen naman!" gulat ko at umupo ito sa harapan ko.

"Para ka kasing baliw... Tanaw na kita sa malayo tapos ngiting ngiti ka! Jovs... Wag mong sabihin...."

"Ano ba? Wala..."

"San ka galing kahapon? Hinanap pa naman kita kasi kala ko me bday dinner tayo... Tinatawagan rin kita... Di ka sumasagot..."

"Ha... Me pinuntahan lang ako..." sa tuwing naaalala ko kung saan ako nagpunta kahapon, di ko maiwasang mapangiti.

"Teka nga... Inlove ka ba? Sinagot mo na yung makulit na si Marco?"

"Hinde!" alma ko. "Hindi ako inlove... Ano ba?" ngiting ngiti parin ako.

"E anong tawag dyan?" turo nito sa mukha ko.

"E di maganda! Hahaha!" tawa ko.

"Nakakainis ka... Jovs... Me pasecret secret ka na ngayon ha? Hindi ako maniniwala na walang ngyari sa bday mo?"

Sasabihin ko ba ke Jen? Baka magalit pa to na bakit hindi ko sya sinama... Haist... Tutal... Hindi na naman kami magkikitang muli...

"O ano??" pilit nito.

"O sige... Sasabihin ko sayo... Pero pramis wag mong sasabihin kahit kanino ha!"

"Pramis!? " taas kanan kamay pa to.

"Sige..." at inilapit ko ang upuan ko sa kanya... "Makinig ka lang ha... Wag ka munang sasabat... Ganito kasi... Nagkita kami ni Daquis kahapon..."

"What!" taas boses nito kaya agad ko itong tinakpan ng kamay ko.

"Ano ba? Sabi ko wag ka munang sasabat diba? Di ko na nga lang itutuloy!"

"Hindi na... Hindi na... Pramis!" at sya na mismo nagtakip ng bibig nya.

"Yun nga ngkita kami ni Daquis kahapon....... " at tuloy tuloy kong kinuwento ang buong naganap nung una at pangalawang pagkikita namin...

"Kaso... Yun na ang huli naming pagkikita... " pagtatapos ko.

Napasandal si Jen at napatingin sa kin. "Ahahaha!" lakas ng tawa nito.

"Hoy! Bakit ka tumatawa?" tapik ko sa tuhod nya.

"Hahaha... Grabe..." napapailing ito. "Kala ko fantard ka na talaga... Matapos mo syang ibash... Ngayon naman pang fanfiction sa wattpad yang naisip mo!"

"Gaga! Totoong ngyari yon!" alma ko.

"Jovs... Nag iimagine kalang! Aber..." lumapit ito sa kin. "Pano mangyayari yon... Unang una... Walang condo si Daquis sa Da fort! Kahit itanong mo pa yan sa Daquister, sa Raddicts... O kahit sinong fan nya... Sa taytay sya laging umuuwi.... Pangalawa.... Straight sya... At ikaw straight karin! Wag mong sabihin nag click kayo bigla sa isang tinginan lang!" paliwanag nito.

"Ngyari nga yon eh... Bahala ka kung ayaw mong maniwala!"

"Pangatlo... Ano yung sinabi mo? Nainlove sya... Sa adobo mo? Hahaha!" tawang tawa ito. "Jovs... Naalala ko pa nung minsan sumama ako sa fans day dinner... Hindi kumakain si daquis ng adobo! Narinig ko yun mismo sa kanya!"

"Ewan ko sayo... Dapat pala di ko nalang sinabi! Iniisip mo bang baliw ako!" napatayo na ako.

"Teka Jovs... Hindi..." pilit akong pinaupo at pinigilan na nya ang tawa nya. "Jovs... Gumagamit ka na naman ba?"

My Fanatic HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon