Part 9

832 26 1
                                    


 


Tok...tok...tok...

"Jovs! Gising ka na ba?" boses ng babaeng pumukaw sa mahimbing kong tulog. Naramdaman ko nalang na biglang bumangon si Jovs.

"Jen... Anong ginagawa mo rito?" bungad ni Jovs matapos pagbuksan ito ng pinto.

"Me bisita ka daw? Totoo ba..." gulat nito ng makita ako. Buti nalang nakapagbihis kami kagabi matapos ng me nangyari sa min.

"Teka nga..." pigil ni Jovs at hinilang palabas ang babae at isinara ang pinto.

Sino kaya yun? Siguro yun yung kaibigan nya.... Agad na rin akong bumangon at nagtungo sa pintuan para marinig ang pag-uusap nila.

"Takte...wala akong marinig..." kaya dahan dahan ko pinihit ang doorknob at sumilip sa kinaroroonan nila.

"Jovs... Hindi ka na bumalik kahapon.. Sabi mo kakausapin mo lang si coach... Pero iba naman yata ang pinunta mo dun!" inis na sabi nito.

"Jen... Nakausap ko rin si coach... Kaso ngkita kami..."

"Tapos ano? Kala ko ba titigilan mo na sya? Bakit dito pa sya natulog?" asta ng babae.

Napapailing lang si Jovs. "E su...sumama sa kin... Wa...wala akong magawa..."

Para akong binuhusan ng bloke blokeng yelo ng marinig ko yun.

"Eh anong plano mo? Wag mong sabihin itutuloy mo yan? Pano na? Pano tayo?"

"Ano?"

Halos madurog ang puso ko ng makita kong biglang hinalikan ng babae si Jovs. Ano bang ngyayari? Me relasyon ba sila?

Agad kong sinira ang pinto at nagtungo sa banyo. Binuksan ko ang gripo at naghilamos.

Ano ba tong napasok ko? Pinagsabay pa nya kami... At napaluha nalang ako. Napakatanga ko! Bakit kasi sumama pa ako na alam ko namang mali ito?

Narinig ko nalang na pumasok na si Jovs ng kwarto. "Daquis... Si..si Jen pala yun.. Yung kaibigan ko... Pinagalitan lang ako dahil hinahanap pala ako ng teacher namin..."

Sinungaling!

Nakapag-ayos na ako at lumabas na ako ng banyo. "Pwede bang ihatid mo na ako..." mahina kong sabi at di ako nagpahalatang narinig ko ang usapan nila.

"Ah... Oo... Pero... " napayuko ito. "Ano na?"

"Anong ano na?" tanong ko at patay malisya lang ako.

"Tayo?... "

"Hindi naman natin napag-usapan kagabi ang ngayon diba? Dahil sabi mo... Wag muna nating isipin ang bukas..."

"Oo... Pero... Ngayon... Siguro dapat na nating pag-usapan... Hindi ko na kayang mawalay pa sayo..."

Napatalikod na ako at agad kong pinahiran ang luha ko. Tama nga si Royce... Isang malaking kalokohan ang pinasok ko.. "Siguro ito na yung kinakatakutan mo... Na isa sa tin...magigising sa katotohanan... Tigilan na natin to..."

"hindi...." lapit nito at pilit akong pinaharap sa kanya. "Wag mong sabihin..."

"Oo... Sorry... Pero... Pinagsisisihan ko ng nakilala pa kita..."


--------

"Te chel..." boses ni Royce na humabol sa kin ng papasok ako sa quarters. "San ka ba galing?... Tumawag papa mo rito kagabi at hinahanap ka... Di ka daw makontak..."

"Namatay cellphone ko...tatawagan ko nalang sila mamya..."

"Ate..." pigil nito sa braso ko ng dire-diretso lang akong pumasok sa kwarto. "Sya ba? At sumama ka sa kanya kahapon?"

Di ko na napigilan ang luha ko kaya napaupo nalang ako. "Tama ka... Malaking kalokohan ang pinasok ko... Ako ang mas nakakatanda pero ako pa ang nagpakatanga... Siguro dahil sa sobrang tagal at ngayon ko lang ulit naramdaman ito... At akong gaga...na kahit alam kong mali sa umpisa palang.. Tumuloy parin ako..."

"Ate... " naupo ito sa harapan ko. "At least ngayon nagising ka na... Minsan talaga...masarap ang bawal... Kahit alam nating mali, go parin tayo... At least ngayon...mas nakilala mo ng sarili mo... Na magsisilbing aral ito sa kamalian mo..."

"Wala rin palang pinagkaiba... Ang babae sa lalake... Pareho ka nilang lolokohin... " hikbi ko. "Dati alam kong straight sya at pareho kaming naguguluhan.. Pero takte! Dalawa pala kami!"

"Ano? Pinagsabay pa kayo!" galit nito. "Aba... Maliparot pala babaeng yun! Buti nalang at di sya tumuloy dito dahil babaliin ko talaga buto nya."

"Ang tanga ko diba? Buti nalang maaga pa at nalaman ko rin! Walanghiya sya!"

-------
One hour before...

Tahimik lang si Jovs sa pagmamaneho. Di na ito umimik hangang sa makarating kami sa kampo.

Palabas na sana ako ng lumingon akong bahagya sa kanya at me luhang pumatak sa pisngi nya. Halos madurog ang puso ko sa ngyayari ngayon. Na makita syang pinipigilan ang nararamdaman nya. Hindi sya yung katulad ng dati na makikipagtalo pa sa kin. Di rin sya umalma matapos ko sabihin na ayaw ko na. Nagpapakatatag ba sya...o sadyang magaling syang magpanggap.. Na inakala ko.. Lubos ko na syang nakilala...pero hindi pala..

Galit ako...pero di ko naman kayang iwan nalang sya ng ganito.

"Salamat sa lahat... Pacensya na kung nagising na ako sa katotohanan.."

"Wala ka namang kasalanan..." mahinang sabi nito at agad pinahiran ang luha nya. "Alam ko naman na darating ang araw na ito... Hindi ko nga lang inaasahan na ngayon na pala... "

"Sige... Aalis na ako..." sabi ko nalang at bago pa magbago ang isip ko. Hindi ko yata kakayaning makita syang pinipigilan ang nararamdaman nya.

"Salamat... Kahit sa isang gabi sinabi mong mahal mo ko..." hikbi nito at nakatingin lang ito sa manibela. "Di ko man lang napatunayan sayo kung gano kita kamahal... Maniwala ka man o hinde... Mahal na mahal kita.... Rachel..... Paalam..."

Di ko na sya tiningnan pa at tuluyan na akong lumabas ng sasakyan.


 

My Fanatic HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon