Part 25

665 26 0
                                    


 


"Okey ka lang ba?" tanong ni Mark. "Order na muna tayo..."

"Pano naman ako makakakain? Kainis bakit ayaw matanggal!" kuskos ko sa braso ko ng tissue.

"Hayaan mo nalang muna... Ang ganda nga eh... Cool!... Sana pala nagpapirma narin ako sa braso ko..."

"Cool? Anong cool dyan? E lintek baka white board marker ang ginamit nya kaya di matangal!"

"Bakit ka ba kasi nagagalit?" mahinahong sabi nito. "Nakakahiya nga kanina...bigla mo syang pinagalitan..."

"Ako pa ngayon ang nakakahiya? E sinabi ko bang sulatan nya braso ko!"

"E hindi ka nga umalma nung pagsulat nya... Tapos nag selfie pa kayo... Late reaction ka naman..."

"A ganon!" napataas ng boses ko. "So kinakampihan mo sya..."

"Hindi sa ganon... Wala naman kasing kaso..."

"Pwede ba..." sabat ko. "Take me home! Wala na kong ganang kumain.."

"Teka..." nag-alala ito. "Di ba me sasabihin ka pa?"

"Tse! Wala na ko sa mood para sabihin pa yon!"galit ko sabay tayo.

"What???"


-------

Petron tri active lounge.

"Hi sis!" bati ni Aby ng maabutan ko itong nakaupo sa sofa. "O bakit nakalongsleeve ka... Parang ang init ah.."

"Haist! E pano ba naman ito.." sabay pakita ko ng braso ko. "Di ko mabura.."

"Wait... Ano ba... Shet... Jovs#08?" gulat nito ng makita ang pirma ni Jovs. "Nagkita kayo?"

"Kung minamalas ka nga naman. Ewan ko ba... Bakit nagkrus landas namin kagabi? Sa dinami dami ng restaurant... E dun pa kami napadpad kung san me presscon sya..."

"What a coincidence??... Pero pano ka nya nasulatan?" natatawang tanong ni Aby.

"Biruin mo... Kala nya fan ako... Si Mark kasi... Haist! Pwede ba... Ayoko ng maalala pa..."

"Hahaha.... Ang cute...." tawang tawa si Aby. "So eh... Yung sa inyo ni Mark... Nasabi mo na?"

"Isa pa yon! Hindi ko nasabi... Kampihan ba naman nya si Jovs nung nagalit ako sa kanya nung bigla nalang sinulatan braso ko..."

"So you mean...."

"Kainis talaga yang Jovs na yan! Ang yabang!" biglang init ng ulo ko.

"Gurl.... Di ba...nakamove on ka na? Bakit affected ka?" tukso nito na napapangiti pa.

"Tigil tigilan mo nga ako. Hindi ako affected! Hindi ako maiinis sa kanya kung di nya sinulatan braso ko..."

"Hmmnnn... Talaga lang ha..." ngiting ngiti ito.

"Uy start na..." rinig naming sabi ni frances na nakaupo sa harapan ng TV sa lounge area.

"Yan na ba yon..." biglang sulpot naman ni bang na tumabi ke frances.

"Hi Jovs..." bati ng isang reporter na nag-iinterview ke Jovs. "Salamat naman at pinaunlakan mo kami."

"My pleasure..." ngiting sagot ni Jovs.

"Bakit ba ang hilig nyang magpainterview?" irap ko. Kung makangiti... Gandang ganda sa sarili. Kainis......

"Sshhh... Teka..." awat ni Aby at tutok na tutok sa TV.

"Jovs... Sisimulan ko na sa macontroversial na seagames..."

"Hahaha... Controversial talaga ha..." tawa nito. "Hindi pa nga nagsisimula..."

My Fanatic HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon