Part 26

662 23 2
                                    


 


"Chel...." kalabit ni Aby ng makarating kami sa presscon ng All lasalle vs All ateneo sa iloilo. "Nagtext si Mark... Tinatawagan ka daw nya pero di mo sinasagot...".

"Hayaan mo lang..."

"E kahapon mo pa yata dinedeadma mga text at tawag nya.." dagdag nito.

"Mamya..." nairita nalang ako.

"Okey ka lang ba?"

"Bakit ba lagi mong tinatanong yan? Mukha ba akong hindi okey?"

"Oo... Eh... Obvious na obvious... " alma nito. "Tingnan mo nga itsura mo!... Lam mo.. Naging mainitin yang ulo mo...simula ng dumating si Jovs..."

"Excuse me... Okey ako... Bakit hindi ako magiging okey ng dahil sa kanya?"

"Well..." biglang natawa ito. "Tingnan nga natin.."

"Friends... Me humabol po tayong reinforcement..." ngiti ng speaker. "Everyone...please welcome Jovs Gonzaga!"

Woow! Sigaw ng karamihan.

"Takte!" gulat ko. Ganun na ba talaga sya kasikat at ipinahabol pa dito?

Umakyat ito ng stage habang kumaway at tumabi ke aby. Nahagip ako ng tingin nito sabay kindat. Tsss.... Feeling!

"Hi Jovs..." bati ni Aby at nakipagbeso ito. "Good to see you."

"Hi!... Muntik na kong maiwan ng plane..." sabi nito na nakatingin sa kin. "Hi..."

Bigla akong umiwas ng tingin.

"Uy..." siko ni Aby. "Hi daw..."

"Hello..." padabog kong sabi pero di ako tumingin sa kanya.

"Jovs... Magselfie nga tayo..." tawa ni Aby at inaasar ako. "Me sumpong yung isa... Hehehe..."

"Sure..." natawa rin ito. "Bakit naman me sumpong?"

"Naku... Ikaw kasi..."

"Ako? Anong ginawa ko?" natatawa parin ito. Pinagkakaisahan yata ako ng dalawa pero di parin ako tumitingin sa kanila.

"Ayy... Bakit hindi mo kaya tanungin?"

"Pano ko naman matatanong? Ni ayaw nga kong tingnan..."

"Hahaha..." tawa ni Aby. "Teka nga...." biglang tumayo ito. "Lipat ka dito." at nagpalit sila ng upuan.

Di parin ako umiimik.. Deadma parin ako. Kunyari nakikinig ako sa kwentuhan nila charo at bea.

"Ayaw talaga eh..." rinig kong sabi ni Jovs.

"Hahaha..." tawa ni Aby. "Wala ka pa ngang ginagawa..."

Haist! Anong oras ba kasi matatapos to?

Biglang me inabot si Jovs na nakatiklop na papel. Kaya napatingin ako sa kanya. "Ano to?"

"Sa yo..." kibit nito kaya binuklat ko nalang. 'Namiss kita'

Bigla kong nilukot ang papel at binalik sa kanya. Namiss pala ha. Paki ko! Malamang me nakilala ka na sa bangkok... O kaya yung kathreesome mong bff. Haist! Bakit ba kasi ako naiinis?

-----

"Hoy...." habol ni Aby ng di ko na ito pinansin ng matapos ang presscon. "To naman pikon agad..."

"Ewan ko sayo... Talagang pinagkaisahan nyo pa ako..."

"Sorry na sis..." sabay yakap nito. "Ang sarap mo kasing asarin... halatang me sumthing kasi... Hahaha.."

My Fanatic HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon