Lost but not forgotten..chapter 4

75 3 1
                                    

Chapter 4: Let everyday be like today

Jessica's POV

This is it! Nandito na kami sa tapat ng Marriage Rock. Grabe naman tong si AJ, nagmadali agad. Ayun iniwan ako at humiling na sa harap ng rock.

Lumapit ako at ginaya yung pwesto nya habang nagw-wish.

After a few minutes, sabay naming iniangat ang ulo namin. Tumingin ako sa kanya, nakatingin naman siya sa akin.

"Anong winish mo?"Ako

"Secret. Ikaw muna. Ano winish mo?"AJ

"Duga! Sabihin mo na"Ako

"Ayoko nga."

"Daya talaga! Sige, sabay na lang tayo"Ako

Nag-nod siya at nag-smile.

"Okay, one.. two.. three.."Ako

"Let everyday be like today" Sabay naming sinabe.

Nakakatawa talaga tong si Aj. Parehas pa kami ng wish.

"Jinx!" sabi ko habang kinurot ko ng mahina yung braso niya.

"Gaya-gaya ka ha (^_^)"Aj

*arf arf*

Ano ba to? Ba't may aso dito?

"Private residence ata to Jessie."AJ

"Oo nga, sige tara na. May malapit na inn dito. Dun na lang tayo mag-stay!"Ako

"Mabuti pa nga." sabi niya habang inaalok yung kamay niya sakin.

Hinawakan ko yung kamay niya at sabay kaming naglakad.

After 5 minutes, nakarating na kami sa inn kung san kami tutuloy.

Mukang luma na yung place. Old-style din. Tapos yung parang pinaka doorbell parang yung kampanang pinapatunog sa Catholic Church pero maliit lang.

Pagkatapos namin i-ring yung parang kampana, umupo muna kami sa mliit na table na nakalagay sa labas.

"Teka lang, bibili lang ako ng makakain"AJ

"Sige (^_^)"

Tumayo na siya. Maya-mayang konti, bumalik siyang may hawak na dalawang buko. Since parang probinsya na tong lugar na to hindi na sinalin yung buko juice sa baso. Sa mismong buko na kami uminom.

"Hintayin na lang natin yung inorder kong food. Palabas na din yung may-ari"Ako

"Ang ganda naman dito!"Ako

"Oo nga eh, first time ko lang din makapunta dito"AJ

"Sana hindi na matapos yung araw na to no?"

"Oo nga."

Nagkwentuhan lang kami habang umiinom at hinihintay yung order namin.

"Napaka-ganda niya! Ang swerte mo naman!"

Huh? Napatingin kami sa matandang babaeng papalapit sa amin. Siya na siguro yung may ari nitong inn. May dala-dala din siyang tray ng mga pagkain.

"Bagong kasal ba kayo?" sabi nung lola.

"What?" sabi ni AJ.

Hindi na ko nagsalita. Nakakatuwa kasi si nanay eh.

"Wag kayong mag-aaway ha! Mabuhay kayo ng maayos"

"Opo 'nay" sabi ko.

Tumalikod na siya at naglakad papalayo.

"Muntik pang matapon yung pagkain habang nilalagay niya dito sa table. Siguro hindi na siya nakakakita ng maayos"AJ

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lost but not forgottenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon