CHAPTER 2

3.9K 77 1
                                    

"Sabrina! Where are my papers?!" Galit na galit na namang sabi niya.

"Here." pag abot ko sakanya.

"Sa susunod na galawin mo to--"

"Yeah yeah.. malelate ka na." nakangiting sabi ko. Siningkitan niya ko ng tingin atsaka napatingin sa kamay kong nakahawak sakanya.

"What's that--"

Agad kong tinago ang kamay kong may benda tsaka umiling. "Wala lang. Babye na"

"Wierdo." bulong niya.

"Bye!!" Kumaway ako sakanya pero syempre hindi niya ko pinansin.

Napabuntong hininga ako at sinara ang gate. Nilinis ko ang buong bahay para naman may mapag kakaabalahan ako. Halos idamay ko na ang bubong sa paglilinis pero hindi pa rin ako napapagod.

Kung pinayagan niya sana akong ipagpatuloy ang trabaho ko edi may mapagkakaabalahan sana ako.

Buong araw akong nakatunganga sa kawalan. Hanggang sa na realize ko na parang haunted house ang bahay namin kahit napaka linis at maliwanag. Walang buhay.

Wala man lang pictures. Kung meron man, yung kinasal kami. Wala pang reaksyon ang mukha ng asawa ko dun. Puro puti at itim lang rin ang mga bagay. Black and white kasi ang favorite ni Travis hay.

.
.
.
.

"SABRINA! FUCKING OPEN THIS GATE! SABRINA!"

Tumayo ako. Fuck!! Nasa labas na ang asawa ko! Wala pang ulam! Oh no! Nakatulog ako. Anong gagawin ko?!

Pinagbuksan ko. "Sorry...nakatulog ako"

"Tsh!" Tinulak niya na naman ako. Nadatnan ko siyang nakaupo sa sofa.

"A-anong gusto mo?"

Ngumisi siya. "Get out of my life, kaya mo ba?"

Napasinghap ako. "Travis..."

Tumayo siya at pumunta na naman sa mga wine namin.

"Travis.. wag ka ng uminom oh.."

"Kung wala kang magawa sa buhay mo kundi pakielaman ako, magpakamatay ka na lang"  uminom siya ng beer. "Tutal wala naman ring may pakielam sayo. Yung tatay mo? Iniwan ka rin--"

Tumalikod na ko at tumakbo. Hindi ko na kayang pakinggan! hinabol niya ko at hinila ang buhok ko.

"Bitawan moko Travis!"

"Bakit huh?! Bakit ka tumakbo? Hindi mo na ba kayang pakinggan huh? Hindi mo kayang malaman ang totoo?! Na wala ng nagaalala sayo! Wala ng may pakielam sayo! Oh wait meron pala. Kaso nga lang...mga patay na!"

"Tama na Travis! Nasasaktan ako"

Natawa siya. "Kulang pa yang sakit na yan sa mga problemang binigay mo sakin! Tama na huh? Tama na?! Wala kang karapatan pagbawalan ako! Dahil ikaw naman ang may gusto nito diba?!"

"Please Travis.. n-nasasaktan ako!"

Pabato niya kong binitawan tumama ako sa table namin. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa may naramdaman akong kakaibang sakit. Napatingin ako sa hita ko at nakakita ko ng dugo. Humawak  ako sa binti ko at nagdudugo nga!

"T-travis.."

Pero nakatalikod pa rin siya.

"T-travis! A-ahh h-help!"

I keep on calling him pero wala. Naglalakad pa rin siya. Nahihilo na ko hindi ko alam kung bakit. Nagipon ako ng lalas at hininga tsaka tinawag ang pangalan niya ng malakas. 

Hold OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon