Sabrina's POV"Good morning, asawa ko." Pagdilat ko ay hindi ko alam kung san galing ang boses na yun. Pag talikod ko nandon pala si Travis na nakangiti. Bigla siyang nagnakaw ng halik! Aysh! Kaya nag talukbong ako. "Hey! Bat ka nagtatalukbong jan?"
"Ikaw kase eh!" Sagot ko. "Di pa ko nag to-tooth brush oh! Kainis ka."
Tinawanan niya lang ako at inalis ang kumot sa mukha ko. Bigla akong namula ng ma realize topless pa pala siya at ako..
Waaaah suot ang t-shirt niya!
Pano ba naman. Yung kiss kagabi ay kung saan saan pa napunta. Sa mga bagay na hindi niyo na kailangan malaman pa haha!
"Waaaah ano ba, Travis!" Napa sigaw ako ng papatayo na sana ko pero binuhat niya ko at dinala sa kama tsaka nangyakap. "Harot mo, haha!"
"Sayo lang." Tumawa siya.
We stayed a little longer cuddling each other then na realize kong gumagala ang kamay niya. Tsk, harot ah?
"Lagot ka sakin, Travis kapag kung saan saan pa yan makarating." Pagbanta ko. Bigla naman siyang tumigil.
"Sabrina?!" Gulat ba sabi niya. "Asawa ko naman eh.."
"Tss, pwede ba? Ang aga aga ha! Gutom na nga ko eh." Naka pout na sabi ko.
"Ako din." Napatingin ako sakanya. "Gutom na rin ako, asawa ko." Nakangising sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"I need foods, Travis. Hindi ikaw."
"Oh c'mon?!"
Tumawa lang ako bago maligo at magbihis. Kinuha ko ang two piece ko tsaka nag balabal. Paglabas ko mas kunot pa ang noo ni Travis kesa sa lukot na papel.
"Sabrina?!" Pinanlakihan ko lang ng mata. "Tss. Nagdamit ka pa."
"Narinig ko yun ah! Anong akala mo? Sa Ilog ako maliligo, ganon? Tara naaaaa!!"
Magdamag akong binantayan ni Travis. Uh, correction, binakuran! Hindi ko na enjoy tuloy ang pagtatampisaw dahil ayaw niyang ipahubad sakin ang cardigan ko. Napaka seloso.
"Asawa koooo." Malakas na tawag niya sakin.
"Ingay mo! Bakit???"
Ngumiti siya at mayabang na tinignan ang mga tao sa paligid. Lalo na dun sa mga lalaki. Parang ewan talaga.
"Bakit nga?"
"Punta muna tayo sa room. Magpahinga ka muna." Lumapit siya sakin at bumulong. "May surprise ako sayo mamaya."
"Surprise?" Takang tanong ko. Nginitian niya lang ako.
Habang naglalakad kami sumakit ang ulo ko. Napatigil ako dahil kada pipikit ako at may nakikita ko.
Malabo pero lahat ng pangyayari malinaw.
"Sab, are you ok?"
A wedding. Babaeng sinasaktan. Rooftop.
"Hey!"
Napitlag ako tsaka tumingin kay Travis.
"Are you ok? May masakit ba sayo, asawa ko? Tell me, anong nararamdaman mo?"
Umiling lang ako. Lutang pa rin ako, gusto ko nang umakyat para makapag pahinga. Ayoko nang mga nakikita ko.
"Asawa ko.." tawag niya sakin. Nginitian ko lang siya tsaka niyakap ng isang kamay ko ang likuran niya. Siya naman ay umakbay.
Pamilyar eh. Napanuod ko ba yun sa palabas? Pero parang totoo.
"Sab, ok ka lang ba talaga?"
Napapikit ako dahil ito na naman. "Y-yeah." Bumuntong hininga siya at dinala ko sa kama. Kinumutan tsaka pinaglaruan ang buhok ko.

BINABASA MO ANG
Hold On
RomancePano kung isang araw pagod na pagod ka na?Are you gonna let him go or will you still choose to hold on? Date started: January 28, 2017 Date ended: April 13, 2017 Rank #831 in Romance : 1/4/2018 Rank #870 in Romance: 1/7/2018 Rank #883 in Romance:...