CHAPTER 6

4.6K 84 14
                                        


Travis' POV

Today is just a normal day. Tulad ng nakasanayan ko, babangon sa kama, kakain ng almusal, maliligo, magtatrabaho.

Everything went back to normal pero may kulang.

Madalas akong napapatulala at malalaman ko nalang na umiiyak na pala ako, napapapikit nalang ako.

Ang tanga tanga mo Travis. Wala kang kwenta.

"Sir?"

"Ah yes?" Tanong ko sa secretary ko.

"Pwede po bang umuwi na ko? Pasensiya na po. Hinahanap po kasi ako ng anak ko"

I smiled. "Sige, bukas ka nalang bumawi"

Napansin ko ang tuwa sa mukha niya na para bang nabunutan siya ng tinik. "Thank you po sir"

Ganun rin siguro ang mararamdaman ko. Ganun siguro, kung sana hindi siya nawala.

Ganun siguro ako kasaya uuwi ng bahay kung ang madadatnan ko ay sila.

Agad na rin akong umuwi ba bahay. Napalibot ang mata ko at nanlumo ako sa itsura ng bahay namin.

Malinis pero walang buhay, malungkot. Tanging malaking litrato lang namin ng asawa ko ang nakasabit. She looks like an angel sa wedding gown niya na yan. Her smile is so bright habang ako, walang reakyon.

Miss na miss ko na siya.

I decided to go to cemetery. Naglagay ako ng white roses.

"Hi, did you miss me?" Tanong ko. "Did you miss daddy? Im so sorry Angel, hindi kita nabibisita. You see... Daddy is.. daddy is so weak"

Naluha na naman ako. "Nanghihina ako kapag naaalala kita...kayo ng mommy mo"

"Akala ko ok na ko, hindi pa rin pala" napatingala ako. "2 years old ka na sana ngayon"

Hinawakan ko ang lapida niya.

Angel Sabine S. Monterde
December 13 2014 - December 13 2014

Biglang nag ring ang cellphone ko. It was Kathrina.

"Hey" sabi ko.

"Hi, where are you? Are you busy?"

"Im with my daughter. Why?"

"Nothing. Gusto ko lang sabihin sayo ang tagal ko ng nanghihintay dito!"

"Shit!" Napamura ako. "Im sorry, papunta na ko"

Sumakay na agad ako sa kotse ko. Agad rin akong nakarating dun. Pagbukas ko ng pinto, humalik sa pisngi ko si Kathrina

"Kamusta siya?" Tanong ko.

"Still sleeping" sabi niya. "Hindi ka pa ba susuko? Umaasa ka pa rin bang magigising ang asawa mo? 2 years na ang nakalipas, Travis"

I just smiled."thank you sa pagbantay sakanya ha"

She sighed. "Ano pa nga ba?" Tumingin siya kay Sabrina. "I hope sa sususnod na pagpunta ko dito, gising ka na"

Pagkaalis ni Kath, umupo ako sa gilid ni Sabrina. I looked at her face at hinawakan ko ang pisngi niya and I sighed. Naaawa ako sa asawa ko. Ang daming nakakabit sakanya.

Kung sana...

Kung sana pinaniwalaan kita.

Kung sana hindi ko inuna ang galit ko.

Kung sana matagal ko ng narealize na mahal kita.

Edi sana hindi nangyari to.

Nanlamig ang buong katawan ko ng bumitaw  si Sabrina sa hawakan at nalaglag siya.

Hold OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon