CHAPTER 11

3.4K 70 0
                                    


Travis' POV

Mabilis lumipas ang mga araw at buwan. Dumaan na ang Pasko at sabay naming cinelebrate kasama ang family ko.

Dumaan ang New Year at ang pagpapa bless sa bagong bahay namin.

Ang buwan ng February kung saan narinig ko na ulit ang "I love you" galing sa bibig niya.

Ang buwan ng March kung saan ang birthday niya na cinelebrate namin dalawa sa South Korea.

At ngayong Summer.

"Asawa ko!" Natanaw ko si Sabrina na papalapit sakin may dalang towel at tubig. " Sabi ko naman sayo tsaka mo na ayusin yang kotse mo o kaya mamili ka nalang dun sa mga kotseng pagmamay ari mo eh. Dami dami mong kotse anokaba."

"Gusto ko ito yung gamitin natin papunta don eh." sabi ko. "Ito ang pinaka mahalaga sa lahat ng kotse ko." nakangiting sabi ko.

Regalo sakin to ni dad nung kasal natin eh.

"okay, pero mamaya na yan. Tirik na tirik yung araw oh." natatawang sabi niya kaya hinila niya ang kamay ko at hinawakan tsaka dinala sa dining area. Kumain kami ng tanghalian ng sabay.

Everything was so damn perfect. Para kaming normal na couple, yung parang walang masamang nakaraan. Sana maging ganito nalang talaga. Sana.

Selfish man pero sana wag ka ng makaalala, Sabrina.
.
.
.
.
.
.

"Travis! Dali! Bilisan mo!"

Napatingin ako sakanyang tumakbo papuntang tabing dagat. "Sandali lang!" Sabi ko habang nagbababa ng mga gamit. Nilagay ko na yun sa pags-stayan namin pagtapos sumunod na ko sakanya. Nagdala ako ng jacket para sakanya dahil malamig na . Gabi na kasi kami nakarating eh.

Umupo ako sa tabi niya. "Anong iniisip mo?" Tanong ko.

Umiling lang siya tsaka humawak sa kamay ko. "Alam mo ba, asawa ko, gusto ko ng makaalala." sabi niya na nakapag pakaba sakin. "Gusto kong maalala yung mga panahong bago pa lang tayo. Kase napansin ko, wala tayong mga pictures at ngayon lang talaga tayo nagkaroon, kaya sana kahit sa alaala ko may memories."

"Hindi mo naman kailangan pang alalahanin yun." Sabi ko.

"Parang ayaw mo pa ah?" Nakakalokong sabi niya kaya napaiwas ako ng tingin. "Sa tingin ko naman, mahahalaga ang mga alaala natin at syempre gusto ko matandaan kung pano ako inalagaan ng asawa ko noh! Alam ko namang mabait ka kahit minsan ang sungit mo eh haha."

"Sa tingin mo? Mabait ako noon?" Napatango siya. "Bakit naman?"

"Kasi hawak mo yung kamay ko." sabi niya. "Mula nang pagka gising ko sa hospital, palagi mong hawak ang kamay ko. Alam mo pwedeng pwede mo naman na kong iwan kasi wala naman akong matandaan, but you chose to hold my hand and stay with me kahit na alam mong mahirap, kasi hindi ako makaalala..." sabi ni Sabrina.

I wipped her tears. "Kahit ilang beses ka pang hindi makaalala, I will never let go of your hands. I will never leave you." sabi ko. Nakakabakla man but yes! Naluluha ako. "Ilang beses man ako bigyan ng pagkakataong iwan ka hindi ko gagawin yun dahil wala akong nakikitang dahilan para iwan ka, ang mahalin ka at pasayahin ka ang nag-iisang bagay na gugustuhin kong gawin buong buhay ko."

I looked into her eyes.

"Happy Sixth Anniversary, asawa ko." bulong ko sakanya.

I held her face and kissed her deeply.

Sabrina's POV

"Happy Sixth Anniversary, asawa ko."

Hinalikan niya ko and I know it was full of love.

Hindi tulad ng..

"You may now kiss the bride!"

Pinikit ko ang mata ko pero agad ko ring naidilat ng dinampi niya lang ang labi niya sa pisngi kong malapit sa labi ko. Napangiti nalang akong malungkot at napatingin sa mukha niyang umay na umay sa mga nangyayari.

"Sab? Hey, is there something wrong?"

Nanatili akong lutang at sa malayo nakatingin. Pinoproseso ang mga imahe at eksenang lumabas sa utak ko.

Si Travis. Sa Kasal. Kasal namin.

"Asawa ko.." hinawakan niya amg mukha ko. "May problema ba? Anong nangyayari sayo?"

"Pano....pano mo ko hinalikan nung kinasal tayo?" Tanong ko.

Napaatras siya at kasabay ng pagkunot ng noo.

"Sabrina.."

Hinawakan ko siya sa kamay. "Travis, answer me. Mahirap ba ang tanong ko?"

"N-no. Ofcourse not. Its just that...hindi ko iniexpect ang ganyang tanong."

"Then answer me."

Ngumiti siya. "Ofcourse it is full of l-love. Corny man but, yeah.."

Ngumiti rin ako at yumakap sakanya. "Naniniwala ako sayo." bulong ko kaya niyakap niya ko pabalik at mas lalo pang humigpit.

I hope youre really telling me the truth.



Hold OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon