CHAPTER 4

3.8K 81 0
                                    


Muntik ko nang mailaglag ang mga reports na hawak ko sa nakita kong paghalik ni Kathrina sa pisngi ni Travis.

Pinunasan ko ang luha ko at agad na umalis. Tinawag pa ko ng secretary ni Travis.

"Wag mo nalang sabihin na pumunta ako ha. May nalimutan kasi ako sa bahay at babalik nalang siguro ako"

Nag drive ako papuntang bahay at dun nagiiiyak.

Now that shes back, ano nalang ako? Now that shes back, pano nalang kami ng anak ko?

Umiling ako. "No, masyado niyang mahal ang anak niya kaya hindi niya ko iiwan"

Napahawak nalang ako sa tyan ko. "Hey baby, please be strong for mommy ok? So that your daddy will never leave us"

Mga nine in the evening ng narinig ko ang kotse ng asawa ko sa labas. Pinagbuksan ko siya ng pinto at nagulat ako.

"Hi Sabrina. Still remember me?"

Napanganga ako. "K-kathrina?!"

"Yes! Im back" nakangiting sabi niya. "May mga naiwan kasi ako dito eh at kailangan ko nang makuha yun para maging masaya na ko sa New York"

Napalunok ako sa sinabi niya. Parang ibig niya sabihin ay si Travis.

"Sabrina, makikitira muna si Kath satin habang inaayos niya ang mga papers ng negosyo niya para dun na siya sa New York ipagpatuloy ang business niya"

Sumunod naman si Travis na may dalang mga maletta.

"Oh my God, youre pregnant?"

Tumango lang ako. "Wow! Dont worry, habang wala ang asawa mo dito, ill be taking care of you! Isnt it exciting?"

Tangina mo.  Ok ang hard ko dun. Pero ugh! Nakakairita ang buong prisensya niya.

Kahit na napaka ganda ng boses niya. Kahit na puro magagandang bagay ang lumalabas sa bibig niya. Kinakabahan ako. Natatakot ako. Naiinsulto ako sa bawat salitang lumalabas aa bibig niya.

"In-offer ko sakanya na pwede siya mag stay dito tutal lagi naman akong nasa work at wala kang kasama dito"

Gusto kong magalit. Gusto kong paalisin si Kathrina at ipatapon sa New York. Gusto kong sabihing ayoko siya dito sa bahay namin.

Gusto kong ipaglaban ang karapatan ko bilang asawa. Mi hindi niya hiningi ang opinyon ko kung ayaw ko ba o gusto kong nandito ang babaeng yan!

Pero natatakot ako sa isusumbat niya sakin at mas natatakot ako dahil naiisip ko palang na gagawin ko yun, alam ko ng ipaglalaban ni Travis na dumito si Kathrina. Ano nga ba ako? Si Kathrina ang totoong mahal niya pero ako? Ang kinakapitan ko lang ay yung papel na nagsasabing mag asawa kami at yung anak namin.

Pumayag ako. Dahil kapag hindi, baka kami ng anak ko ang mapalayas dito.

Ngayon, nandito kami sa sala at nanonood ng tv. Actually, ako lang ata ang nanonood. Ang dalawa ko kasing katabi naguusap. Kapag nakakatawa ang pinag uusapan nila, hahampasin ni Kathrina si Travis sa braso at si Travis naman kukurutin siya sa cheeks.

"Travis bat naman cartoons ang pinapanood natin? Ilipat mo naman!"

Napangisi sakin si Kathrina.

"Huh? Ito nalang. Ito ang gustong panuorin ni baby eh"  sagot ko.

"Doon ka nalang sa guestroom manood Kathrina, sasamahan ko nalang si Sabrina"

Napasimangot naman si Kathrina at umakyat na nga sa guestroom. Napangiti nalang ako dahil hindi ko inaasahan ang ginawa niya.

Hold OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon