CHAPTER 10

3.7K 79 2
                                    


Travis' POV

"Kuya" bati ko sakanya. Ngumiti lang siya at umupo rin.

"Anong ginagawa ng kapatid ko sa bar ko, ah?" Malokong tanong niya. "Baka naman hanapin ka ni Sab"

"Nagpaalam ako"

"Wow! Bago yun ah! Dati naman wala kang pakielam kay Sabrina"

"Dati lang yun" sagot ko tsaka tinungga yung nasa bote.

"Ay puta!" Napakunot noo ko sa reaksyon niya. "Himala! Paanong.."

Napabuntong hininga ako. Si Kuya kauuwi pa lang nga pala sa US at walang kaalam alam. Actually, my whole family doesnt know what happened to Sab. Kinwento ko sakanya ang lahat.

"Kingina kinikilabutan ako!" Dagdag niya nanaman. "Ay grabe! Tsk. Kailangan ko na nga maghanap ng asawa! Naunahan mo pa kong magka anak!"

"Correction, muntik magka anak" pagtatama ko.

"Edi anong balak mo?" Siya.

"Anong balak?"

Binatukan niya ko. "Pano mo maiexplain sakanya kung bakit nawala ang anak niyo? Bakit siya nagka amnesia? Pano mo maiexplain sakanya kapag dumating yung oras na makaalala na siya?"

"Ugh!" Ginulo ko ang buhok ko. "Bahala na"

Binatukan niya na naman ako kaya sinamaan ko na siya ng tingin.

"Tanga. Malamang sa oras na maalala niya ang lahat baka siya pa mismo tumulak sayo sa rooftop niyo" sabi niya. "Hindi mo maitatago ang nakaraan, Travis. Dadating at dadating ang panahon maaalala niya ang lahat o kung hindi man, malalaman niya rin kaya mabuti nang handa ka"

Tahimik lang ako dahil pinoproseso ko sa utak ko ang mga sinasabi niya. Habang lumalayo ang mga naiisip ko mas nadadagdagan ang kaba at takot ko.

Pano kung maalala niya ang mga kagaguhan ko noon?

Pano kung maalala niya ang nangyari noon?

Pano kung maalala niya kung bakit nawala ang anak namin?

Ayokong iwan niya ko. Ayoko. Hindi ko kaya. I cant bare to lose my wife. Tama na ang isa lang.

"Ano ba!" Reklamo ko ng isa pang batok ang tumama sa ulo ko. Tss, nakakatatlo na eh.

"Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko!"

"Oo! Tss makaalis na nga" sabi ko tsaka tumayo at nag iwan ng pera a table ko.

Naitulak ko pa yung babaeng bigla akong nilapitan. Tss mas maganda pa asawa ko jan eh.

"Sab, Im home" sabi ko pag punta sa pinto. Napaangat ako ng tingin ng nakita ko siyang pababa ng hagdan.

"Tara, kain na tayong dinner" yaya niya sakin kaya hinawakan ko ang kamay niya. Nakita kong medyo nagulat pa siya haha.

"Hanggang ngayon nagugulat ka pa rin sakin" natatawang sabi ko.

"Ha? A-ahh hindi haha" sabi niya. "Ang weird lang kase..."

"Ha?"

"Ginagawa ba natin to dati?" Tanong niya.

Napaiwas ako ng tingin. "N-not that much. Palagi kasi akong wala"

"Oh, I see"  sabi niya. "Tara na, kain na tayo"

Iwinaksi ko nalang ang mga naiisip ko, tsaka na yung ganong bagay.

"Travis, kamay ko" sabi niya.  Narealize kong nasa mesa na kami kaya bumitaw na ko. Tsh kahit ayaw ko pa.

Ang saya ng kainan naming dalawa. Nag pa kwento siya sakin nung tungkol sakanya kaya kinwentuhan ko siya. Yung mga panahong kapatid pa ang turing ko sakanya dahil sa pag ampon sakanya ni mom, yung mga panahong pinagtitripan namin siya ni kuya, yung mga panahon bago kami ikasal.

"Uy nakikinig ka ba?"

Nagulantang ako sa sinabi niya. Fuck ugh ano daw ba??

"Naglalakbay utak ng asawa ko ah" sabi niya.

Napatingin ako sa kanya.

Asawa ko

Asawa ko

Asawa ko

Asawa ko

"Pakiulit? Anong tawag mo sakin?" Nakangiting sabi ko.

"Asawa ko?" Patanong na sagot niya rin. "Ayaw mo ba yun?"

"No! Actually... I wanna hear it every minute of my everyday" nakangiti pang dagdag ko. "I want to hear it again, please..please asawa ko?"

"Asawa ko"  pagsabi niya kaya natawa ko pero nabigla ako sa paghampas niya saken.

"Aww!"  Nagtataka akong napatingin sakanya. "Bakit?"

"Ikaw iniiba mo na yung usapan eh! As I was saying may nakita akong isang island sa net. Gusto ko sana makapunta kaya gusto kong itanong sayo kung pwede ka ba?"

"Ofcourse!" Sabi ko. "Kelan mo ba gustong pumunta?"

"This Summer sana" napaisip siya. "What if April 21 nalang kaya?"

Napatigil ako sandali at napatitig sakanya habang mabilis na tumitibok ang puso ko.

"Huh? What do you think, asawa ko? Para tapat nang Friday at makauwi tayo ng...ahm..Wednesday? Ok na siguro ng limang araw noh, asawa ko"

Napangiti ako sakanya at hinawakan ang kamay niya. "April 21"  tango tango at nakangiting sabi ko kaya napa smile na rin siya.

Our sixth year anniversary.

Hold OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon