SPECIAL CHAPTER

3.1K 65 10
                                        


Hey it's been a year! Thank you for supporting my story. As a gift to y'all, here's a Special Chapter. Enjoy!

---

//WEDDING DAY//

"M-manganganak na talaga ko! Travis!" 

"N-now na ba talaga, asawa ko?!"

Tarantang sambit ni Travis na hindi na alam kung anong uunahing gawin. Halos masabunutan na siya ng asawa niya sa inis.

"Tyrus! Tulungan mo na nga si Travis! Mauuna pa ata yan sa hospital eh!"

"Manahimik ka putspa!"

Isinakay na ni Travis si Sab sa kotse. Sa sobrang taranta niya ay naihulog niya pa ang susi. Napamura siya't nakatanggap ng isang batok kay Sab.

"Don't curse! Pag ang baby ko lumabas ng mahilig magmura lagot ka talaga sakin-- ahh!!!"

"I-ito na nga, asawa ko! Aalis na tayo! Kumalma ka lang, ha? Don't worry, asawa ko."

"Ikaw ang kumalma! Baka pareho pa tayong maospital sa taranta mo eh!" Napakapit siya sa tyan niya nang maramdaman niya ang sakit ulit. "Bilisan mo na kasi!!!!"

Biglang bumukas ang pinto ng kotse at hinila ni Tyrus si Travis paalis ng driver's seat. "Tumabi ka nga! Alis! Ako na magdadrive! Tabihan mo asawa mo!" 

Agad ding lumabas si Travis na gulo gulo na ang buhok at sobrang nanginginig na sa kaba't taranta. Inakbayan niya agad ang asawa at hinalikan sa noo. "Okay ka pa ba, Sab? Masakit pa ba, ha? Tell me, anong nararamdaman mo?! I'm so worried  fuck!"

"Huwag mo kong kausapin sasapakin na kita!!!" Inis na sabi ni Sabrina. Tinikom nalang ni Travis ang bibig niya at hindi mapakaling naghintay na makapuntang ospital.

Hindi rin nagtagal ay nakapunta na silang Ospital. Pinaupo na si Sabrina sa wheelchair at mabilis na ipinasok sa Emergency room. Nagsidatingan na rin ang ibang kamag-anakan nila para maghintay. Biglang bumukas ang pinto ng ER. Akala nang lahat ay tapos nang manganak si Sabrina pero ang mga nurse lang pala ito habang hawak hawak si Travis sa magkabilang braso.

"No! Let me go! Kailangan nandun ako para sa asawa ko!"

"Sir, pasensya na po talaga! Pati po kami natataranta sainyo eh, dito na po muna kayo, sir." Magalang na sagot ng nurse.

Napasapo si Tyrus sa mukha niya at hinila ang kapatid paupo. Wala na ring nagawa si Travis at naghintay nalang din habang nagdadasal. Hindi niya na pinansin ang mga kaibigan at kamag-anak niyang nagpupustahan kung babae o lalaki ang lalabas.

"Ay basta! Feeling ko kambal yan!"

Napatanga si Travis nang narinig niya yon. Kambal? Hindi rin imposible. Malaki ang tyan ni Sabrina kumpara nila sa iba. Nagsisisi tuloy siya kung bakit hindi sila nagpa ultrasound.

Lumipas ang oras, medyo kumalma na si Travis at ang mga kamag-anak at mga kaibigang naghihintay. Maya maya'y bumukas ang pinto ng ER at iniluwa non ang doctor at mga nurse. Napatayo silang lahat.

"D-doc ano? What happened?"

"Congratulations! It's a girl!" Naghiyawan ang mga kamag-anak at mga kaibigan nilang nagpustahan at mga babae ang pinili. "....and a boy! You have a twin, ijo!"

Napanganga si Travis at ang lahat ng naghihintay kay Sab. Sunod na lumabas si Sabrina na nakahiga at natutulog. Agad namang sumabay sakanya si Travis na maluha luhang hinalikan ang asawa sa noo.

"Thank you, thank you. Thank you, asawa ko. I love you. I love you, i love you." Bulong nito.

Nang nagising si Sabrina ay una niyang hinanap ang kambal. Isinakay siya sa wheelchair ni Travis at marahang tinulak ito papunta sa mga baby. Napahawak si Sabrina sa salamin at naiiyak na pinagmasdan ang dalawang sanggol na magkatabi.

"Lay Trevor" at "Adeline Sabine"

***

"Trevor!!!! Sabine!!!!"

Hinawakan ni Travis ang dalawang balikat ni Sabrina at hinalikan sa noo. "Ako na, ako na." Lumabas siya at naabutang naghahabulan ang dalawa. Napailing siya.

"Hey, you two, go inside. Tawag na kayo nang mommy niyo."

"But tatay Trevor doesn't want to give back my phone!-- You piece of shit! Come back here fucker!" 

"DADDY!!! MINUMURA AKO OH!!!"

"Lay Trevor, ibalik mo na." Marahan at maawtoridad na pagkakasabi ni Travis at nakangusong ibinigay ito sa ate niya (dahil mas naunang lumabas sakanya) "and you, young lady. Watch your mouth. Don't curse!"

"Eh daddy! Mag nagtetext kasi sakanyang guy yieee!"

Nanlaki ang mata ni Sabine. "Anong sinasabi mo?! You--"

"Adeline Sabine one more curse from your mouth I swear!"

Nagtinginan nang masama ang mag kambal nang lumabas si Sabrina. Piningot niya ang tenga ni Trevor. "Ikaw ha! Lagi mo nalang iniinis ate mo! Pumasok ka na nga sa loob!"

"Aray koooo! Daddy oh!!"

Nagkibit balikat lang si Travis at pumasok sa loob. Ayaw niyang mangielam, baka siya pa ang mapingot ng asawa niya. Under! Pfft.

"Ang aga aga highblood ka agad, Sabrina!"

"Tita Kathrina!" Tumakbo si Sabine at niyakap si Kathrina. Kasunod nito ang asawa.

"Pwede ba kayong dalawa sa tabi na kayo magyakapan?! Ang bigat nang dala ko wag kayo humarang sa gate aba!" 

"Panira ka talaga ng moment, Tyrus! Sisispain na kita eh! Kanina ka pa sa kotse kuda ng kuda!"

"Eh kung sana hindi mo binitbit halos buong bahay diba!"

Napailing si Sabrina sa mag-asawang walang tigil sa pag-aaway. Wala atang araw, minuto o segundong hindi nagsasabong ang dalawa. Tinulak silang dalawa ni Trina.

"Someone save me from these two." Hilo hilong sabi nito. "Ugh! Di ako nakatulog! Ang ingay grrr!"

Nag cling sa braso niya si Sabine. "Let's go upstairs, Trina! We got alot to talk about! Omfg!"

"Oh! Spill!"

Natulala lang sila sa pinagsasabi nang mga anak nila at napailing.

"Nakakahilo na talaga makipag usap sa mga kabataan ngayon, no?" Natatawang sabi ni Sabrina.

"Sinabi mo pa! Mayghad! Nae-stress beauty ko!"

"Wala ka naman nun eh."

"Ikaw Tyrus huwag mo kong simulan baka masapak na talaga kita ha!"

Napangiti siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin soya makapinawalang ang aso't pusang sina Kathrina at Tyrus ang nagkatuluyan. Sa sobrang daming beses nilang nag-away at naghiwalay ay sa kasal din sila nauwi. Pero kahit na madalas silang mag-away ay wala namang tatalo sa dalawa kapag tinamaan ng kasweetan. Akala mo kung sinong sobrang mahal na mahal ang isa't isa-- na totoo naman.

Maraming nag-iba, maraming nawala, maraming dumating pero marami pa ring walang pinagbago. Tulad nalang ni Travis na hanggang ngayon ay parang kung sinong binata pa rin na malakas magpakilig. Well, that's love. But that love was bound to be the sweetest.

Napatingala si Sabrina nang maramdaman niya ang yakap mula sa likod niya galing kay Travis. Ngumiti ito nang bahagya at tumungo para gawaran siya ng isang halik.

"I love you, Sab."

"I love you, Travis."



Another Special Chapter? Any requests?










Hold OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon