Sabrina's POVNataranta ang lalaki at binalewala ang tanong ko.
"W-wait lang asawa ko! Im gonna call the doctor!"
Bigla nalang siyang nawala at naiwan akong nakanganga. Okay? Did he just call me asawa ko?
Napatingin ako sa lahat at nasa hospital pala ko. Napansin ko rin ang samo't saring nakalagay sa katawan ko.
Maya maya ay may pumasok na doctor at napansin ko yung lalaki kanina na naka tayo lang sa may pintuan at nakatingin lang siya sakin.
"Ok, maayos na ang vital signs mo. Konting pahinga lang"
Tumango ang lalaki at lumabas na rin ang doctor. Bumalik siya ng nakangiti sakin at ikinagulat ko ang pagyakap niya.
Sa yakap niyang yun bigla akong naluha. Ewan ko ba kung bakit pero parang matagal ko ng hinihintay ang ganung yakap. Hinigpitan niya ang yakap niya sakin pero nakakunot ang noo ko dahil wala akong alam sa pinaggagagawa niya.
Pagkahiwalay niya at natawa siya then he cupped my face and wipped my tears lalong kumunot ang noo ko. "Haha why are you crying?"
"Ewan ko" sagot ko. "Ikaw? Why did you hug me?"
"Im just so happy na gising na rin ang asawa ko"
Bigla akong naguluhan. "A-asawa mo? Magasawa tayo? Huh? K-kelan pa?!"
"W-what? Sabrina"
"First of all hindi kita kilala kaya naguguluhan ako sayo at pangalawa, dalaga pa ko. Wala pa kong asawa!" Singhal ko sakanya. "Kung nagdadrugs ka tigilan mo na kuya, masama yan! Tsh. Where is my father?"
Nanlalaki ang mata niya at walang imik. Parang hindi siya makapaniwala.
"Hello? I said where is my father? Kilala mo ba siya? Hes Vico Sartorie"
Napalunok siya. "W-what do you think i-is your age?"
"Huh? Im 16 years old"
Parang gusto niya namang sabunutan ang sarili niya sa sinabi ko. Bigla niyang hinawakan ang balikat ko.
"Sabrina! Get back to your senses! Im your husband, Travis!"
"W-what are you saying?! Hindi kita kilala bitawan mo nga ako!"
"N-no! Hey Sabrina look at me, look at me" tinignan ko ang mukha niyang malapit nang maiyak. "Hey its me, y-your husband, Im Travis and.. and were 5 years married!"
"Hindi ko alam yangbpinagsasabi mo! Bitaw!"
"No, calm down, Sabrina youre no longer 16 years old! Youre already 28 and were now 5 years married!"
Tinulak ko siya. "Are you insane?! I need to see my dad! Call him!"
"Sabrina, Im her--"
"I said call my dad--"
"HES GONE!" Napatigil ako. "Hes already gone! Anim na taon na siyang wala Sabrina please get back to your senses! Im your fucking husband!"
"N-no.. no youre lying! Tawagin mo si daddy! I need to see him!"
"Sabrina!"
Pinagtatanggal ko ang mga nakasasak sakin. Naguguluhan ako sa lahat! I dont know what hes saying
"Sabrina! Stop! Hey Sab please calm down! Stop!"
"No! I need to see him!"
"Stop! Nurse!!"
Nagsidatingan naman ang mga nurses at hinawakan ako sa kamay. Patuloy pa rin akong nag-aaalpas hanggang naramdaman kong may tinusok sakin at unti unti akong nakatulog.
_____________________________________________________
Travis' POV
"Bakit ganun, doc? Hindi niya ko matandaan. Hindi niya rin mantandaang wala na ang daddy niya. Naka set ng years 7 ago ang utak niya" paliwanag ko. "Amnesia?"
"Yes, amnesia na nga yan"
"Kelan naman mababalik ang alaala niya?"
"Walang nakakaalam. May iba hindi bumabalik ang alaala. Wala naman kasing gamot jan. All you need to do ay iparamdam sakanya o dalhin siya sa mga lugar na owedeng makapag balik ng alaala niya. Kailangan mong maging matatag para sa asawa mo at maging patient kung gusto mong bumalik ang alaala niya"
Napatango nalang ako ng wala aa sarili at napahilamos ng mukha ko.
Sabine, please help me with your mom.
A/N: Gawa gawa ko lang yang amnesia thingy ni Sabrina ha. Ewan ko lang kung may ganyan talagang kind ng amnesia ehehe.

BINABASA MO ANG
Hold On
RomancePano kung isang araw pagod na pagod ka na?Are you gonna let him go or will you still choose to hold on? Date started: January 28, 2017 Date ended: April 13, 2017 Rank #831 in Romance : 1/4/2018 Rank #870 in Romance: 1/7/2018 Rank #883 in Romance:...