Travis' POVNagising ako mula sa isang tawag. It was my secretary.
"Yes, hello?"
"Sir? Pinapatanong po ni Ma'am Kathrina kung papasok po kayo"
Napatingin ako sa asawa ko at napangiti. "Hindi muna, dito lang muna ko sa asawa ko"
"Ok sir"
Sa loob ng 2 taon, tinulungan ako ni Kathrina dahil muntik nang bumagsak ang kumpanya dala na rin ng lungkot ko at pagiging pabaya. Masyado akong nasaktan sa pagkawala ng anak ko at ayokong mawala sakin ang asawa ko.
Nag stay na dito si Kathrina sa Pilipinas and now shes helping me sa company. Isa na rin siya sa mabubuting kaibigan na tumulong sakin maging matatag para sa asawa ko.
Nilapitan ko si Sabrina at tinitigan. Hinawakan ko ang kamay niyang malamig ng mahigpit.
"Marami na naman akong kasalanan sayo, asawa ko" pagsusumbong ko sakanya. "Ngayon lang ako nakadalaw kay Sabine eh. Sorry po! Pero dinalhan ko siya ng mga flowers"
"Kelan ka ba gigising asawa ko, huh? Miss na kita eh. Gusto ko pang bumawi sayo. Gusto kong maramdaman yung sinabi mong pagmamahal mo kaya gumising ka na please?"
"Kung natatakot kang gumising wag ka na mag-alala. Si Travis 2.0 na to noh, yung Travis na mahal na mahal ka"
Ang hirap pala. Naiisip ko minsan. Ganito pala kasakit ang naramdaman niya? Sa tuwing kinakausap niya ko at hindi ko siya sinasagot. Ganito pala kahirap yung pag gising mo hindi mo alam kung may madadatnan ka pa.
"Naririnig mo ko diba? Mahal na mahal po kita Sabrina at hinding hindi ko magsasawang hintayin ang paggising mo"
Nagulat ako ng may luha sa mata niya. Napangiti nalang ako at agad na pinunasan yun.
"Gising na, asawa ko. Hinihintay ka na ng pinaka gwapo mong asawa"
.
.
.
.
."Dad? Mom? San niyo ko dadalhin?"
"Gustong gusto ka namin makasama anak. But you really need to go home. Theyre waiting for you"
"No mom. Im already home, youre my home. Kasama kayo...kasama si Sabine"
Tinignan ko ang batang babaeng nakahawak sa kamay ko. My precious little angel...
"But kailangan mo pa siyang makasama. Kailangan mong umuwi" sabi ni dad. "Magkikita pa tayo but for now, I want you to be happy and continue to live"
"Mom! Dad! Sabine!"
Nawala sa hawak ko ang kamay ng anak ko. Sumisigaw ako pero palabo lang ng palabo ang lahat hanggang sa wala na kong makita kundi puro dilim.
Pero may boses. Isang boses ng lalaking di ko alam kung saan galing.
"Naririnig mo ko diba? Mahal na mahal po kita Sabrina at hinding hindi ko magsasawang hintayin ang paggising mo"
Naramdaman ko ang pagluha ko at ang init ng kamay niyang pinunasan ang luha ko. Bakit ba ko umiiyak?
"Gising na, asawa ko. Hinihintay ka na ng pinaka gwapo mong asawa"
Unti unti kong binuksan ang mata ko at napatingin sa lalaking nakasandal ang ulo sa higaan. Hinawakan ko ang ulo niya at agad rin siyang napatayo.
Kitang kita ko ang pagkagulat at luhang tutulo sa mata niya.
"S-sabrina?"
"Who are you?"

BINABASA MO ANG
Hold On
RomancePano kung isang araw pagod na pagod ka na?Are you gonna let him go or will you still choose to hold on? Date started: January 28, 2017 Date ended: April 13, 2017 Rank #831 in Romance : 1/4/2018 Rank #870 in Romance: 1/7/2018 Rank #883 in Romance:...