CHAPTER 9

3.6K 72 11
                                    


Sabrina's POV

After 2 weeks...

"Congratulations, Mrs. Monterde! Makakalabas ka na rin"

"Thanks, doc" nakangiting sagot ko sa doctor bago siya lumabas.

Bumukas ang pintuan at iniluwa nun si Travis na may dala dalang mga bulaklak.

"Flowers para sa pinaka maganda kong asawa" nakangiting sambit niya at hinalikan ako sa pisngi.

"Salamat" sagot ko at inamoy ang mga bulaklak.

"You ready?" Tanong niya at tumango ako. Binuhat niya ang bag at humawak naman ako sa braso niya. Napahinga ako ng malalim ng makalabas na ko ng ospital.

Sinalubong ako ng napakaraming puno at maaliwalas na panahon. Sinakay niya ko sa kotse niya at nag drive na kami pauwi.

"Malayo ba?" Tanong ko. "Yung bahay natin?"

Ngumiti siya. "Yung bagong bahay natin" sabi niya. "Para sayo yun at para sa mga bagong alaala na gagawin natin pareho"

Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan habang nakangiti pa ring nakatingin sa kalsada at patuloy na nag drive.

Bigla akong napaisip. "Kung limang taon na tayong mag asawa, meron na ba tayong anak?"

Medyo nawala ang ngiti niya. "Gusto mo ba siyang dalawin?"

"Ofcourse!" Masayang sabi ko. Gustong gusto kong makita ang anak ko kahit hindi ko siya matandaan.

Bumaba siya sa isang flower shop at paglabad niya may dala na siyang white roses.

"Our daughter loves white roses" sabi niya habang nakangiti. Pinalabas niya rin akong kotse dahil sabi niya lalakarin lang.

Kinabahan ako ng nasa sementeryo na kami at bigla kaming tumigil sa isang lapida na may angel.

Angel Sabine S. Monterde
December 13 2014 - December  13 2014

Lumuhod si Travis at nilagay ang mga puting rosas sa puntod. Bigla akong napatakip sa bibig ko at naluha.

"Hi baby. Hulaan mo kung sinong kasama ko? Its mommy" nakangiti siya pero may lungkot. "Sorry ngayon lang nakarating si mommy ha"

Lumuhod rin ako at hinawakan ang lapida tsaka naiyak. Inakbayan naman ako ni Travis at pinatahan.

"I-Im so sorry baby...Im so sorry" sabi ko. "Travis?"

"Hmm?"

"H-how?" Tanong ko. Huminga siya ng malalim at hinalikan ako sa noo.

"hindi na yun importante, basta its not your fault ok?"

Pinunasan niya ang luha ko pero naiiyak pa rin ako kaya napayakap nalang ako sakanya.

"No, kahit hindi ko maalala I think its my fault. A-ako ang nanay and I am responsible for our child" sagot ko sakanya. "Im so sorry! Im so sorry Travis"

"Shhh ayaw ni Angel na umiiyak ang mommy niya" bulong niya sakin. "Believe me, its not yor fault. Its... its my fault kasi dapat mas iningatan kita."

Tumango nalang ako at ngumiti sakanya.

Hindi ko man siya matandaan, pakiramdam ko naging mabuting asawa siya sakin noon.

Tama ba?

Hold OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon